Chater 16

801 56 3
                                    

Chapter 16

I don't know  how it start basta paggising ko narealize ko lang na mahal ko sya! Alam mo yung pakiramdam na palagi ko syang hinahanap parang hindi buo ang araw ko paghindi ko siya nakikita although iniiwasan ko sya.

  Napapangiti ako pag-naalala ko ang una naming pagkikita kung saan bumalatay ang paghanga sa mga mata nya pero hindi mawawala doon ang pang aasar nya.

Noong dinala nya ang mga friends nya sa bahay papunta na ako ng pool ng makita ko sya hinila nya ang babae at hinalikan. Hindi ko alam kung sinasadya niya na gawin iyon o sinasadya niya na makita ko para magselos ako o sadyang ganun lang talaga siya.  Dahil sa eksenang iyon doon ko naramdaman ang sakit na never ko pa naranasan sa tanang buhay ko. Hindi ko naranasan na umiyak ng dahil sa lalaki naranasan ko man yon kay parts pero Hindi yong ganitong sobrang sakit na parang dinudurog ang puso pati pagkatao ko.

I'm selfish person when it comes sa mahal ko Pero hindi ko sya pag-aari kaya wala akong karapatan na angkinin sya pero may karapatan ako masaktan dahil mahal ko sya. Noong time na makita ko siyang may kahalikan gusto ko siyang puntahan at higitin don sa babae pero nanatili lang akong nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan siya na gawin iyon. Wala eh, Wala akong karapatang gawin iyon. Choice niyang layuan ko siya, pero ako 'tong nasasaktan.

Mahigit isang oras na akong tulala simula dalhin ako ni jexter sa kanila nagulat pa nga si Tita pero ngumiti lang  ako kanya para itago ang sakit sa mukha ko.

Naalala ko parin kong paano angkinin ni Jm ang mga labi ko at kung paano ako gumanti. Ang nagpadurog sakin hindi lang ako ang babaeng sinubukan nyang halikan, siguro nga hindi na mabilang . Sino ba namang babae ang tatangi sa kanya?

"Parts, Okay ka na ba?"

"H-huh?"

"Kanina kapa tulala dyan. Share mo naman sakin, oh." pagsumamo ni Jexter!

I sighed " Ano gagawin mo pag ang taong mahal mo hindi ka mahal?"

Nagulat ito sa tanong ko pero sinubukan niya parong sagutin ang tanong ko."Bakit nga ba hindi nila tayo mahal? Siguro dahil may mahal din silang iba katulad din natin hindi rin sila mahal ng mahal nila. Ang gulo diba? Ganun talaga ang mundo ng pag-ibig magulo  parang divisoria. Sa dami ng tao minsan naagawan kapa. Sa pag-ibig hindi mo naman mapipili kung sinu ang taong mamahalin mo. Kaya ang daming nasasaktan kasi dun pa tayo umibig sa taong hindi naman tayo kayang mahalin pabalik. Pero 'wag kang mawawalan ng pag-asa parts baka mahal ka naman 'non"

Umiling-iling ako dahil Hindi ako sang-ayon sa sinabi nya."Hindi nya ako mahal, parts"

"Paano mo nasabe parts? Teka nga. Ilang weeks ka lang nawala tapos pagbalik mo may iniiyakan ka na?"

Hindi ko pinansin ang huling sinabi nito."Dahil kong mahal nya ako hindi sya makipaghahalikan sa iba. Kung mahal nya ako dapat iniingatan nya ako at hindi nya ako hahayaang masaktan." ng sabihin ko 'yon nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko.

"Siguro parts hindi pa sya handa na sabihin sayo ang nararamdaman nya o kaya hindi ka niya talaga mahal."

"Hindi ko alam parts , araw-araw nya lang ako sinasaktan." hindi ko mapigilan ang paghikbi. Agad niya itong pinunasan.

"Pshhh!  Tahan na parts." niyakap ako nito ng mahigpit kaya nabawasan ang sakit.

"Parts?"

"Hmmm."

"Palangga ta ikaw."I love you.

"Palangga taman ikaw parts dahil best friend ta ikaw."mahal din naman kita dahil best friend kita.

Memory Lost In Costa Leona ( Aklan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon