Ariadne Pov
"Ane wake up!" Paggising sa akin ng kapatid ko.
"What?!" Pasinghal na sabi ko sa kapatid ko na naka kunot na ang noo ngayon.
"Wake up. Nakalimutan mo ba na ngayon ang unang araw ng pagtuturo mo? Anong oras na oh." Sabi niya saka pinakita ang alarm clock. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko ang oras.
"Kuso!" Mura ko at nagmadaling pumunta sa banyo para mag ayos.
"Make it fast. Otosan is waiting for you, may sasabihin daw siya sayo. Mauuna na ako."
"Hindi ka ba kakain muna?" Tanong ko habang nakasilip sa pinto.
"Iie." Simpleng sagot nito
"Naze desuka?"
"May pupuntahan ako. Aalis na ako dalian mo na diyan." Sabi nito saka na lumabas sa kwarto ko. He's Grey my brother, mas matanda ako sa kanya pero kung umakto ito parang mas matanda ito. Well let me introduce myself Im Ariadne Garcia I'm 22, ngayon ang unang araw ng pagtuturo ko sa Koronomi University. Pangarap ko ng maging guro simula pa nung bata ako at ngayon nga ay isa na akong guro.
Pagkatapos kong magayos bumaba na ako at pumuntang dining hall and there i see otosan holding a newspaper.
"Ohayo gozaimasu otosan." Masiglang bati ko sa kanya at hinalikan ito sa pisngi ngumiti naman ito at binaba ang hawak na diyaryo.
"Ohayo gozaimasu musume." Balik na bati nito. Umupo na ako sa upuan at kumain na dahil anong oras na. Ng matapos bigla akong tinawag ni Otosan kaya napalingon ako sa gawi niya.
"Why?" Takang tanong ko.
"Ngayon ang unang araw ng pagtuturo mo diba?"
"Hai."
"May sasabihin lang sana ako bago ka pumasok." Seryosong sabi nito.
~~~
Naiintindihan ko si Otosan kaya ganon nalang ang pagpapaalala niya sa mga bagay bagay. Marami nga naman umaaligid at hindi ko alam kung sino ang mga yun.
"Are you okay?" Tanong ni Nicolai my Father's butler nasa sasakyan kami ngayon at hinatid ako ni Nicolai para daw di ako mapagod. Ka edad ko lang si Nicolai kaya agad kaming nagkasundo. Nakilala ko siya nung 16 years old ako siya ang nagturo sa akin ng mga bagay bagay. Yun ang naging dahilan kung bakit kami napalapit sa isa't isa. Nicolai is handsome hindi ko itatanggi yun pero wala akong gusto sa kanya magkaibigan lang kami.
"Yes. Why did you ask?" Tanong ko sa kanya
"Kanina pa kasi kita napapansin na natutulala ka. Iniisip mo ba ang sinabi ni Shujin?"
"Iie. Naiintindihan ko naman siya gusto niya lang akong protektahan kaya niya sinabi yun." Sabi ko saka nginitian ito ngumiti naman ito pabalik.
"Ojou we're here." Sabi ni Nic at hininto ito sa tapat ng eskwelahan kaya naman bumaba na ako
"Thank you sa paghatid. Ingat kayo." Sabi ko saka kumaway at naglakad na papasok.
Habang naglalakad sa hallway nakikita ko sa peripheral vision ko na tinuturo ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko mapalalaki o mapababae, tinalasan ko ang aking pandinig para marinig ko ang binubulong nila.
"Siya daw ang homeroom teacher ng Section Z." Sabi nung isang lalaki na medyo malapit sa akin. What's the big deal if I'm the homeroom teacher of Section Z? There's nothing wrong being the homeroom teacher of Section Z. As if nakakamatay ang maging homeroom teacher ng Section Z. Hindi ko na pinansin ang mga estudyante at nagpatuloy nalang sa paglalakad. After 5 minutes of walking narating ko rin ang office. Kumatok muna ako bago pumasok ang mga tao naman doon ay tinignan lang ako saka bumalik na sa mga ginagawa nila. Hindi man nila ako nagawang batiin, pumunta nalang ako sa pwesto ko saka nilapag ang mga gamit ko. Habang nagpre-prepare biglang lumapit sa akin ang isang babae kung titignan mo ito hindi mo masasabing 40 na ito dahil kahit na may edad na maganda pa rin ito. Nginitian ko siya saka binati.
YOU ARE READING
Section Z
Teen FictionAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...