Lazarus Pov
1 week ng wala siya dito. Sa 1 week na yun ang dami kong natutunan. Natutunan ko kung paano maglaba, maglinis ng bahay, mag plantsa ng uniform, maghugas ng plato. Isa nalang ang hindi ko natutunan— ang magluto. Kaya naman lagi akong nagpapadeliver ng pagkain. Si Luffy naman tanong ng tanong kung bakit di na ako nagdadala ng pagkain at bakit Mommy ang tawag ni Ariadne sa nanay ko. Pero hindi ko naman din sinasagot ang mga tanong niya. Sa 1 week na din yun ang dami kong narealize tulad ng— mas masarap ang luto niya kesa sa delivered foods, mas magaling siyang magplantsa kesa sa akin dahil kapag ako ang nagplaplantsa may mga gusot pa rin, pag naglilinis siya ng bahay malinis talaga samantalang ako may mga konting alikabok pang natitira. Hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman. Kapag nakikita ko siya na pumupunta kay Ariadne para ihatid ang pagkain nito para akong sinasaksak sa puso. Nung sinabi ko na sa kanya nalang siya hindi ko naisip na tototohanin ni Ariadne ang sinabi ko. Ewan ko bakit parang nagsisisi ako na binastos bastos ko siya nung magkasama kami sa bahay. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko siya ginalang bilang ina. Nagsisisi ako kung bakit ibinigay ko kay Ariadne. Tama nga sila nasa huli ang pagsisisi. Makikita mo lang ang worth ng isang tao kapag wala na siya sa tabi mo.
"Hey Lazarus you're spacing out." Sabi ni Aiken saka nagisnap pa sa harap ng mukha ko.
"Sorry may naalala lang ako." Sabi ko kaya naman napataas ang kilay niya.
"Ikaw nga umamin ka nga sa akin." Sabi niya kaya nagtaka ako.
"Anong aaminin ko sayo?" Nagtatakang tanong ko.
"Gusto mo ba ako? Lagi kang natutulala kapag kaharap mo ako ehh." Sabi niya para naman akong nasuka sa sinabi niya.
"What the? Hindi tayo talo no." Sabi ko sa kanya.
"Pero seryoso pre ano bang iniisip mo at ganyan ka nalang matulala?" Tanong niya kaya napatigil ako.
"My mom..." Sabi ko.
"Diba galit ka sa kanya dahil sa ginawa niya sa tatay mo?" Sabi niya. He's right galit ako sa nanay ko dahil sa ginawa niya sa papa ko. Pero hindi ko alam kung bakit wala akong makapang galit sa dibdib ko ang nararamdaman ko lang ngayon ay pangungulila sa kanya.
"I don't know..." Sabi ko.
"Napatawad mo na b--." Hindi niya natuloy ang sinasabi niya ng bigla akong tumayo.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Aiken pero hindi ko na siya sinagot at pumunta kung nasaan siya.
Ariadne Pov
"Ariadne para sayo." Sabi ni Mrs. Carson.
"Wow! Salamat po HEHE. Wag niyo po akong masyadong sanayin at baka hanap hanapin ko yan." Sabi ko kaya naman napatawa si Mrs. Carson.
"Baka po kase kunin ka na ni Lazarus." Sabi ko kaya bigla namang lumungkot ang mukha nito.
"Sa tingin ko hindi na ako kailangan ni Lazarus. Masaya na siya dahil sa wakas wala na ako sa buhay niya." Malungkot na sabi nito. Hindi nito alam na nasa likod nito si Lazarus at nakikinig.
"Paano mo nalamang hindi kita kailangan? Paano mo nalaman na masaya ako ngayong wala ka? Paano? Kase kung ako lang hindi ko masabi kung masaya nga ba ako na wala ka. Araw araw kong namimiss ang luto mo. Namimiss ko yung pangungulit mo sa akin. Namimiss ko yung ikaw na mahal na mahal ako." Sabi ni Lazarus habang nakayuko. I think he's crying dahil gumagalaw ang balikat nito.
"Bumalik ka na sa bahay Ma. Nung umalis ka parang umalis na rin ang buhay sa bahay na yun." Sabi pa nito kaya naman niyakap na siya ni Mrs. Carson at yumakap naman pabalik si Lazarus
YOU ARE READING
Section Z
Teen FictionAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...