Luffy POV
"I-ikaw si Ivory?" Utal na tanong ko sa kanya habang nakaturo pa ang daliri sa kanya.
"I-ikaw naman yung tinutukoy niya na kapatid niya?" Nanlalaking matang tanong nito habang nakaturo din ang daliri sa akin.
"Hey hey hey! What's going on?" Singit naman ni Kuya.
"Nasabi ko na ba sayo na teacher na ako?" Sabi ni Ari at humarap kay Kuya.
"Oo. Why?" Nagtatakang sagot nito.
"Studyante ko siya." Sabi ni Ari.
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya.
"Yes." Sagot ni Ari saka humarap ulit sa akin.
"At ikaw naman ang dahilan kung bakit galit si Luffy sa akin at sa ibang teachers." Sabi ni Ari kaya naman napakunot ang noo ni Kuya.
"Me? Why Me?" Tanong ni kuya habang nakaturo sa sarili.
"Kase akala niya kami ang dahilan kung bakit ka namatay which is not true." Sabi ni Ari kaya naman napa tingin sa akin si Kuya.
"Diba sinabi ko na sayo yung dahilan?" Kunot na tanong ni Kuya sa akin kaya napatango ako sa kanya.
"So bakit ka pa nagagalit sa kanila? And worst pati si Ivory dinamay mo." Inis na sabi ni kuya sa akin kaya napayuko ako pero tumingin ulit ako sa kanya.
"Look Kuya hindi ko naman alam na si Ari at Ivory ay iisa. At isa pa ngayon ko lang din naman nalaman yung dahilan mo." Sabi ko sa kanya at napakamot sa ulo ko. Napabugtong hininga naman si Kuya.
"Ngayon? Galit ka pa rin ba sa mga teachers?" Tanong sa akin ni Kuya kaya napatigil ako at nag isip.
Galit pa nga ba ako? Hindi naman ako nagalit kay Ari. Simula ng makita kong nag eeffort siya para sa amin parang nalusaw yung galit ko sa kanya. At kanina kaya lang ako nagalit sa kanya dahil ng anniversary ni Kuya ngayon at sa kanya ko naibuntong ang galit ko. Pero hindi ko naman kayang magalit sa kanya ng matagal.
"Hindi na.... siguro?" Hindi sure na sagot ko.
"Luffy!" Sigaw ni kuya ko.
"Oo na hindi na ako galit." Sabi ko nalang.
"Then hindi ko na kailangan mag resign?" Nakangiting tanong ni Ari kaya napatango ako.
"Talaga? Akala ko aalis na ako don. Thank you!" Sabi niya saka ako biglang niyakap kaya naman para akong nabato sa kinakatayuan ko.
"That's enough. Kumain na tayo." Sabi ni Kuya saka kami pinaghiwalay ni Ari kaya naman medyo natawa ako.
Ariadne POV
Nakauwi na ako ngayon. Ang masasabi ko lang ngayong araw na ito ay masaya. Masaya dahil hindi na galit sa akin si Luffy at nakauwi na rin si Shen.
"You look happy." Sabi ni Grey ng paakyat ako.
"Yeah." Nakangiting sabi ko.
"Why?" Curious na tanong ni Grey.
"Dahil.... Hindi na galit sa akin si Luffy!" Masayang sabi ko kaya naman siya ay napangiti rin.
"But how did it happened? Kanina palang galit siya sayo diba?" Takang tanong ni Grey kaya naman kwinento ko ang lahat ng nangyari sa amin kanina.
"Ahhh. Well I'm glad na okay na kayo." Nakangiting sabi ni Grey.
"Im happy too." Sabi ko.
"Kumain ka na ba?" Tanong sa akin bigla ni Grey kaya naman tumango ako.

YOU ARE READING
Section Z
Novela JuvenilAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...