Chapter 18

104 5 3
                                    

Ariadne Pov

Napatango tango ako sa kwinento ni Xan. Alam ko na rin yung dahilan kung bakit laging galit si Luffy sa mga teachers. Naiintindihan ko siya dahil nga masakit talaga ang mawalan ng kuya na sobrang close mo. Pero kailangan niya ng iwan yun lahat sa past. Walang mangyayari kung lagi siyang naka tingin sa past niya.

Papunta na ako sa parking ng naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko yun at tinignan kung sino ang tumatawag. Ng makita ang pangalan niya agad akong napangiti at sinagot yun.

"Hey." Pagsagot ko sa tawag.

"Hey. Where are you?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Uhh nasa school paalis pa lang. Why?" Sabi ko saka tumayo sa harap ng motor ko.

"Nandito na kase ako sa Pilipinas." Sabi niya kaya nanlaki ang mata.

"Talaga? Kailan ka pa umuwi? Saan ka niyan mag iistay? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya kaya naman napatawa ang nasa kabilang linya.

"Kakauwi ko lang kahapon. Hindi ko talaga sinabi sayo para isurpresa ka. At sa condo ko nalang ako mag iistay."

"Hmm. Ayaw mong mag istay sa amin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na siguro marami ka ng natulong sa akin." Sagot niya.

"Ano ka ba wala yun. Pero it's up to you kung saan mo gustong magistay." Sabi ko sa kanya.

"Ahh can I invite you to dinner?" Parang nahihiyang tanong pa nito.

"Yeah sure saan ba?" Tanong ko sa kanya.

"Sa condo ko nalang I'll text the location to you or do you want me to fetch you?" Tanong nito.

"Just send me the location." Sagot ko sa kanya.

"Okay. Then see you later." Sabi nito saka pinatay na ang tawag.

Pasakay na sana ako sa motor ko ng may tumagawag sa akin.

"Ari!" Tawag sa akin ni Kenji saka lumapit sa akin.

"Oh Kenjie anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede mo ba akong samahan?" Tanong nito kaya napataas ang kilay ko sa kanya.

"Saan?" Tanong ko sa kanya.

"Bibili ng regalo hindi ko kasi alam kung anong gusto ng mga babae kaya samahan mo ako." Sabi niya napatingin naman ako sa orasan ko at 4 PM palang.

"Ngayon na ba?" Tanong ko sa kanya dahil nga may pupuntahan pa ako mamaya.

"Oo diyan nalang ako sa motor mo sumakay tapos iwan mo nalang ako nun sa mall kapag tapos ng mamili." Sabi niya kaya napatango nalang ako saka sumakay na sa motor ko binigay ko naman sa kanya ang extra helmet at sinuot niya naman yun at sumakay na rin sa motor ko.

Pinaandar ko na yun saka pumunta sa pinaka malapit na mall doon. Ng makarating doon pinark ko na ang motor ko saka bumaba at ganun din ang ginawa ni Kenjie at binigay pabalik yung helmet sinabit ko naman yun sa sabitan saka na naglakad papasok sa mall kasunod si Kenjie.

"Ano bang magandang regalo?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Kung simpleng tao lang naman siya sa tingin ko Necklace at kung mayaman naman I think branded bags." Sagot ko sa kanya kaya naman napatango tango siya at pumunta kami sa shop ng jewelries. Namili si Kenji at pag may napipili siya ay pinapakita niya yun sa akin para sa opinyon ko.

"Heto nalang Kenjie." Sabi ko saka tinuro yung gold na necklace na may pendant na half moon at may diamonds ito sa side ng moon. Tinignan niya iyon saka pinakuha sa staff doon.

Section ZWhere stories live. Discover now