Ariadne Pov
Kakarating ko lang sa Koronomi University. Yung braso ko namang nasugatan ay nilinis ko na at tinakpan ang suot ko ngayon ay long sleeved polo at naka ripped jeans, wala naman kaming uniforms dito kaya pwede kaming magsuot ng kahit ano. Yung Aston Martin 001 nalang din ang ginamit ko para mabilis akong makapunta dito.
Pinark ko na yung Aston Martin at pumunta na sa office. Ng makarating sa office tuloy tuloy nalang akong pumasok at dumeretso sa pwesto ko dahil ang mga tao dito ay wala namang pakialam sa isa't- isa.
"Oh! You're still here!" Sabi ng isang teacher dito kaya naman napakunot ang noo ko.
"What do you mean?" Nakakunot ang noo na sabi ko.
"Ohh akala ko kasi magreresign ka na but i guess I'm wrong Tsk." Sabi nito saka ako inirapan.
"Do you have a problem with me?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Wala naman." Sabi niya saka ako nginitian ng nakakaloko pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil kung hindi baka kanina pa ito tumalsik.
"Tsk." Sabi ko saka di na siya pinansin pero nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita.
"Kung ako sayo magreresign na ako." Hinarap ko siya saka ko siya nginitian ng matamis.
"Well sorry burst your bubble but I won't resign." Sabi ko saka tumayo na para pumunta sa rooftop ng school.
Habang naglalakad nakikita kong nagbubulungan ang mga estudyante kaya pinakinggan ko ang mga sinasabi nila.
"Andito pa pala siya?"
"Akala ko aalis na siya dito?"
"Hindi ba siya natatakot?"Yan ang mga naririnig ko tsk ano ba talagang meron dito sa school na to at lalo na sa Section Z? Ang mga teacher dito ay may sari sariling buhay, ang mga estudyante ay parang iwas na iwas sa Section Z, at bakit ang layo ng room ng Section Z? Ang mga tanong na yan ang gumugulo sa isip ko. Hindi ko naman matatanong si Grey dahil paniguradong hindi magsasalita yan. May naalala akong sinabi ni Grey na delikado ang School na ito pero paanong delikado? Aish nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at mga ilang minuto lang ay nakarating narin ako sa Rooftop bubuksan ko na sana ang pinto ng makarinig ako ng nagsasalita sa loob kaya hindi ko naituloy ang pagpasok ko. Pinakinggan ko ang mga sinasabi nila at kung hindi ako nagkakamali ang mga Section Z ang naguusap sa loob.
"Sa tingin mo ba papasok pa ang babaeng yun?" Sino ang tinutukoy nila?
"Paniguradong hindi na yun natakot na yun kahapon kaya for sure di na siya papasok" Huh? May tinakot sila sino?
"Ikaw ba naman hagisan mo ng dart di matatakot yun. Kung hindi lang nahulog ang lapis nun paniguradong nasa hospital na yun HAHAHA" Ahh ako pa- AKO?! bakit nila ako gustong paalisin dito? Aish dumagdag na naman ang iisipin ko. Hindi na ako tumuloy at bumaba nalang saka pumuntang canteen dahil nagugutom ako. 30 minutes bago ako natapos, tinignan ko ang oras at nakita kong malapit ng mag umpisa ang klase kaya tumayo na ako at pumunta sa Section Z.
Ng makarating hindi na ako kumatok ay binuksan nalang ang pinto kaya napatingin sila sa gawi ko at lahat sila parang gulat na gulat na makita ako. Ngumiti naman ako saka pumunta na sa table ko at inilapag ang gamit ko.
"Hey! What the hell are you doing here?!" Sigaw na tanong ni Luffy.
"Huh? Magtuturo?" Tanong ko kaya naman lumapit ito sa akin saka hinawakan ang braso ko kung saan ako natamaan kanina.
"Akala ko ba umalis ka na dito?!" Sigaw parin nito at ang laway niya ay tumatalsik sa mukha ko kaya naman pinunasan ko iyon gamit ang kabila kong kamay.

YOU ARE READING
Section Z
Teen FictionAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...