Chapter 15

92 9 0
                                    

Ariadne Pov

It's been a week since nalaman namin ang nangyari kay Diane. Kakalibing lang kahapon ni Diane at nung pumunta ako doon hindi ko nakita si Aiken. Nung pinuntahan ko naman sa kanila sabi ng nanay niya umalis daw.
Simula din nung nangyari kay Diane hindi ko na siya makausap ng maayos lagi itong galit. Hindi rin ito pumapasok pero sabi ng nanay niya naka uniform daw ito kaya akala niya pumapasok ito. Naiintindihan ko si Aiken pero may part sa akin na hindi siya naiintindihan. Oo nasasaktan siya dahil sa nangyari pero naisip niya ba na sa ginagawa niya ngayon wala siyang nadadamay? Ilang araw na itong hindi umuuwi sa kanila kaya ang nanay niya sobra ng nag aalala sa kanya. Oo mahirap pero kailangan niyang lumaban para sa mga taong nakapaligid sa kanya. Naiinis ako kasi nakalimutan nito na nandito kami para tulungan siya.

Aiken Pov

Nandito ako ngayon kung saan kami huling magkasama. Bakit? Bakit kailangan niyang mawala? Bakit siya pa ang kailangang magkaroon ng sakit? Ang sakit lang sa akin na wala akong nagawa para tulungan siya. Hindi niya sinabi sa akin na may sakit siya. Kung sinabi niya lang sana mas gugustuhin kong manatili sa hospital kasama siya at nagpapagaling. Im lost. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na siya. Wala na yung babaeng mahal na mahal ko. Wala na yung babaeng nagpapangiti sa akin. Wala na yung babaeng nagbibigay inspirasyon sa akin. Wala na siya.

Hindi ako pumunta sa burol niya dahil hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Ayokong makita siya dahil kapag nakita ko siya baka mabaliw na lang ako maisipan kong sundan siya. Paniguradong magagalit ito kung susunod ako sa kanya.

"Found you." Sabi ng kung sinong nasa likod ko. Tinignan ko ito at nakita siya na nakangiti sa akin. Umupo ito sa tabi ko.

"Go away! I don't need you here!" Pagalit na sabi ko pero makulit ang isang to.

"Nope not going." Sabi nito saka humiga sa damuhan.

"Tss. What do you want?" Tanong ko sa kanya ng hindi siya nililingon.

"Hmm wala naman. I just want to talk." Sabi nito kaya naman napatingin ako sa kanya.

"About what?" Tanong ko saka humiga na din.

"About Diane." Sabi nito kaya natigilan ako.

"You know it's been a week since she died. One week ka na ring hindi pumapasok." Sabi nito.

"Ayoko na." Sabi ko kaya tumagilid ito saka pinakatitigan ako.

"Ayoko ng pumasok. Ayoko ng mabuhay gusto ko nalang sumunod sa kanya." Naluluhang sabi ko.

"You need to. Pagsubok lang to Aiken kaya kailangan mong tatagan ang loob mo. Wag mo itong takbuhan dahil kahit tumakbo ka ng tumakbo nandiyan pa rin yan." Sabi nito saka ngumiti.

"Alam mo bang parehas ang nangyari sa atin? Namatay ang boyfriend ko dahil sa car accident. Pero naging matatag ako dahil hindi naman siya babalik kung patuloy lang akong nagmumukmok." Pagkwekwento niya.

"I don't know what to do." Umiiyak na sabi ko.

"I know you can do it. Nandito lang kami para tulungan ka kaya wag mong iisipin na nagiisa ka lang." Sabi niya.

"That's true. You can lean on us!" Sigaw ng kung sino ng tignan ko yun nakita ko ang mga kaklase ko kaya lalo akong napaiyak.

"Ang panget mong umiyak!" Sabi naman ni Luffy.

"Asan na yung banat mong corny?" Sabi naman ni Kenjie saka tumawa kaya naman napatawa na rin ako.

"Mas bagay mong nakangiti." Sabi naman ni Ariadne kaya naman mas lalong lumaki ang pagkakangiti ko.

Section ZWhere stories live. Discover now