Ariadne POV
Bilang nalang ata ang gising ngayon. Hetong katabi ko sarap na sarap sa pagtulog at nakapatong pa ang ulo nito sa balikat ko. Ilang beses ko na tinaggal yun pero bumabalik ulit ito sa balikat ko kaya hinayaan ko na.
"Malayo pa ba Ari?" Tanong ni Lazarus.
"Kinda since private resort yung pupuntahan natin." Sabi ko sa kanya.
"Private? Edi tayo lang ang nandoon?" Nagising bigla si Kenjie.
"Yup." Sabi ko saka ngumiti ng nakakaloko.
"No! Bawal sa private! Walang mga chikababes doon!" Sabi ni Kenjie at sobrang lungkot nito dahil sa nalaman.
"Sinadya ko talagang tayo tayo lang dahil baka may gawin kayong kalokohan lalo na ikaw Kenjie idamay mo pa si Luffy." Sabi ko.
"Huh? Bat narinig ko pangalan ko?" Clueless na tanong ni Luffy na bagong gising lang.
"Luffy! Walang chikababes sa pupuntahan natin." Nagsusumbong na sabi ni Kenjie kaya medyo natawa ako sa inasal niya.
"Lah?" Sabi ni Luffy habang nakakunot pa ang noo.
"Oo. Wahh ayoko na!" Sabi ni Kenjie saka nag pout pa.
"Lah akong pake. Manahimik ka nga diyan." Pagbabara ni Luffy kay Kenjie kaya si Kenjie ay napasimangot kami namang gising ay natawa.
"Inaaway niyo ako!" Sabi niya saka ginising si Luc na siyang katabi nito.
"What the hell." Inis na sabi nito dahil naputol ang tulog nito.
"Pagtanggol mo ako niaaway nila ako." Sabi ni Kenjie saka niyugyogyugyog pa si Luc
"Yahh!" Inis na sabi niya kay Kenjie.
"Pagtanggol mo ako." Patuloy na sabi nito at lalong niyugyog si Luc.
"Oo na! Tigilan mo na ako sa pagyugyog at nahihilo ako!" Sumusukong sabi nito.
"Yiee kaya mahal na mahal kita ehh." Sabi ni Kenjie saka niyakap si Luc na lalong kinaarita ng huli.
"Lazarus!" Sigaw ni Luc kaya may mga nagising.
"What?" Tanong ni Lazarus.
"Palit tayo ng upuan." Sabi niya saka tinatanggal ang pagkakayakap ni Kenjie sa kanya.
"Nope." Lazarus said while popping the 'p'.
"Ari help meeee!" Sabi ni Luc sa akin kaya umiling ako saka tinuro si Hayden na hanggang ngayon ay tulog pa rin.
"Greyyyyy! 911!" Sigaw pa nito pero naka earphones si Grey kaya wala itong alam sa nangyayari.
"Give up babi akin ka lang talaga." Malanding sabi ni Kenjie saka malanding hinampas hampas ito. Kami naman ay tawang tawa.
Ilang oras din ang hinintay namin bago kami makarating sa destinasyon namin. Agad nagsibaba ang mga excited at nagpahuli naman ang mga walang interest. Ako nasa gitna lang excited na hindi.
"Wahhh!" Biglang angil ni Kenjie kaya lahat kami napatingin sa kanya.
"Noooo!" Biglang sigaw din ni Rocco kaya nabaling sa kanya ang atensiyon namin.
"Anong problema niyong dalawa?" Kunot ang noo na tanong ni Lucifer na sa wakas ay nagsalita din.
"Bakit walang mga babae?" Nag papanic na tanong ni Rocco.
"Wahh totoo talaga sinasabi ni Ari huhu." Sabi nito at nagkunwari na umiiyak at lumapit kay Luc pero agad itong tumakbo palayo kay Kenjie.
"Hindi mo ba narinig pinaguusapan namin kanina?" Takang tanong ni Luffy kaya umiling si Rocco
YOU ARE READING
Section Z
Teen FictionAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...