Ariadne POV
Habang kinekwento ni Rocco ang nangyari pahigpit naman ng pahigpit ang pagkakahawak ko kay Xan.
"Nakipag break na ako sa kanya dahil wala na akong maramdamang spark. Ewan ko ba habang tumatagal kami parang unri unting nawawala yung spark. Yung dating ganda niya rin wala na. Medyo tumaba na rin siya."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok na si Rocco.
"What the hell is that for?!" Galit na tanong nito habang sapo sapo ang pisnging nasuntok ko.
"Wala feel ko lang suntukin ka." Cold na sagot ko.
"Ano bang problema niyong dalawa ni Aiken at nanununtok na lang kayo bigla?!" Galit pa rin na sabi nito.
"Ehh gago ka nakakalimutan mo na bang bestfriend ko si Rachell?" Galit na sabi ni Aiken. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Oh ano ngayon kung bestfriend mo siya?" Taas ang kilay na tanong ni Rocco.
"You said that you won't hurt her! But you're hurting her now! Damn you!" Galit na galit na sabi pa rin ni Aiken.
"Tss." Sabi ni Rocco saka naglakad paalis pero hinila ko ito pabalik saka sinuntok ulit.
"Is that how you treat your girlfriend who did everything just to make you happy?"
"Happy? Do I look happy? Can you tell me if Im happy? Huh?! Im sick of her! Araw araw tumatawag siya para lang sabihan ng mga bagay bagay! Anong akala niya sa akin hindi ko alam ang mga gagawin ko? Nakakasakal na yung mga ginagawa niya. Sawang sawa na ako sa kanya. Yung mga tao pinagtatawanan siya dahil sa itsura niya!"
"Ginagawa niya ang mga bagay na yun dahil mahal ka niya! Nasasakal ka na sa ginagawa niya? Pwes siya napapagod na siya sa kakaalaga sayo! At sa tingin mo ba hindi siya nasasaktan kapag pinagtatawanan siya ng mga tao sa paligid niya? Masakit sa part niya ang pinagtatawanan siya pero dahil mahal ka niya tinitiis niya ang lahat ng iyon!"
"Kung ayaw niyang pinagtatawanan siya pwes mag ayos siya. Ibalik niya yung dating siya. And mind your own business! Teacher lang kita hindi kita nanay kaya wag kang nangiangialam!" Galit na sabi nito saka umalis. Halos lahat ata ng Section Z ay sumunod kay Rocco. Ang naiwan lang dito ay si Grey, Aiken at Kenjie.
"Don't mind him. Galit lang ito kaya nasabi niya ang mga bagay na iyon." Sabi ni Kenjie saka ako nginitian kaya ako naman ay nagpilit nalang ng ngiti.
"Sige na bumalik na kayo sa rest house magpapahangin lang ako." Sabi ko saka sila nginitian pero para itong naging ngiwi.
"Let's go hayaan na muna natin siya." Sabi ni Grey saka hinila ang dalawa. Ako naman ay naupo sa buhanginan pero nakalipas ang ilang minuto ay tumayo na rin ako saka naglakad lakad. Habang naglalakad hindi ko napansin ang bato at natapilok ako. Tumayo ako pero naupo ako ulit at kumirot ang paa ko. Hindi ko na napigilan ang luha kong kanina pa gustong tumulo.
"Ang pagkakaalam ko matapang ka. So bakit ka umiiyak ngayon?" Sabi ng isang lalaki dahil madilim na hindi ko maaninag kung sino ito.
"Hindi porke matapang ka na hindi ka na kakikitaan ng kahinaan." Sabi ko saka pinunasan ang luha. Siya naman ay lumabas na sa pinagtataguan at lumapit sa akin.
"Lucifer." Bangit ko sa pangalan niya.
Hindi siya kumibo pero nasa harap ko siya habang tinitignan ako. Ako naman ay sinubukang tumayo ulit pero lalong kumirot ang paa ko.
"Tsk. Sakay." Sabi ni Lucifer kaya napatingin ako sa kanya. Nakatalikod ito sa akin at naka baba ang katawan.
"Wag na." Sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/222786496-288-k59339.jpg)
YOU ARE READING
Section Z
Fiksi RemajaAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...