Grey Pov
Ang aga aga nambubulanog tong ate ko.
"GREY! Dalian mo malalate ka na!" Nagulat ako sa sigaw ni Ane kaya naman binilisan ko na ang pag aayos dahil baka mamaya maging tigre na ito kapag hindi pa ako bumaba.
Pagkatapos kong mag ayos agad ko ng kinuha ang bag ko saka patakbong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko naman ni Ane na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape.
"Alam mo na kasing may pasok ngayon at uminom ka pa kagabi." Nagsimula na naman itong manermon kaya kinuha ko ang kape niya saka ininom lahat yun.
"Hoy akin yan bakit mo ininom." Sabi nito saka kinuha ang tasa at tinignan kung may laman pa kaya ng makitang wala na sinamaan niya ako ng tingin.
"Aalis na ako." Sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi at lumabas na.
Ariadne Pov
Siraulo talaga yung kapatid ko na yun. Lumabas na rin ako saka sumakay sa motor ko. Ng makarating ako sa school pinark ko na ang motor ko para sa mga teachers at bumaba na doon.
"Goodmorning." Bati nung nasa likod ko kaya naman napatingin ako sa likod at nakita ko si Hayden.
"Anong kailangan mo?" Nakasimangot na sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad sumabay naman ito sa akin.
"Sabay na tayong pumunta sa office." Nakangiting sabi nito inirapan ko nalang ito saka mabilis na naglakad pero nakakasabay pa rin ito sa akin.
Sa wakas at nakarating na kami dito sa office. Ewan ko pero parang ang tagal naming naglalakad samantalang ang lapit lang naman nito. Tapos ito pang katabi ko hindi na tumigil sa kakadakdak. Pinagbuksan niya akong pinto kaya naman pumasok na ako at nakita ko na nakatingin ang mga tao sa akin naging matalim naman ang tingin ng mga babae ng pumasok si Hayden. Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na sa table ko pero si Hayden ay sumunod pa rin sa akin.
"Ano na naman bang kailangan mo?" Inis na tanong ko sa kanya pero ngumiti lang ito.
"Ano ahm pwede ba kitang yayain mag dinner mamaya?" Nakangiti nitong tanong.
"No." Sabi ko saka siya tinalikuran.
"Please?" Sabi nito pero hindi ko pa rin siya hinaharap.
"Pretty please?" Pagpapacute na sabi nito
"Kapag pumayag ka ngayon promise hindi na kita guguluhin." Sabi nito kaya naman napaharap ako sa kanya.
"Okay." Pagpayag ko dahil naiirita na ako sa kanya.
"Yes!" Sabi nito saka na pumunta sa table niya.
~~~
"Goodmorning class." Bati ko sa kanila pero as usual walang bumati pabalik sa akin.
"Lemme check the attendance say present if you hear your name." Sabi ko saka na nagsimulang magtawag ng pangalan.
"Xan Coren?" Tawag ko pero walang nag taas ng kamay.
"Xan Coren?" Paguulit ko pero wala talaga kaya iginala ko ang paningin ko at nakita ko siya na natutulog sa sulok
"Okay lang ba si Xan?" Tanong ko sa kanila sumagot naman si Kenjie.
"Ewan ko nga din sa kanya simula kase ng dumating yan agad na itong dumokdok sa table niya pati nga si Grey." Sabi nito kaya naman napatingin ako kay Grey na natutulog din.
"Grey Dixon wake up!" Sigaw ko kaya naman napatayo ito.
"Ane bakit ba sigaw ka ng sigaw?" Sabi nito saka dumilat at nanlaki ang mata nito ng marealize ata na nasa room ito.

YOU ARE READING
Section Z
Teen FictionAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...