Lazarus Pov
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong ihatid nitong babaeng to kaya ko namang umuwing magisa wala lang akong nagawa dahil sobrang kulit niya tsk.
"Kasama mo ba ang nanay mo?" Tanong nito sa akin pero hindi ko siya pinansin.
"Tulog ka na ba?" Tanong pa rin niya.
"Tulog n--." Pinutol ko ang sasabihin niya dahil naririndi na ako sa kanya.
"Just shut up will you?" Inis na sabi ko kaya naman natahimik ito.
"Isa nalang sagutin mo lang to at mananahimik na ako." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano na naman yun?" Bored na tanong ko sa kanya.
"May problema ka ba sa nanay mo?" Seryosong tanong nito kaya hindi ako nakasagot.
"Why are you asking?" Tanong ko din sa kanya.
"Wala lang napapansin ko lang na hindi na siya bumibisita sayo." Sabi niya habang nakatutok pa rin ang mata sa daan.
"Something happened before." Sabi ko kaya naman napatango tango ito.
"Alam mo bang naiingit ako sayo?" Sabi niya kaya napataas ang kilay ko.
"Bakit naman?" Nakataas pa rin na kilay na tanong ko.
"Kase ikaw may nanay kang nag-aalaga sayo. Ako kase puro lalaki kasama ko sa bahay HAHA." Sabi niya.
"Kung gusto mo sayo na ang mama ko." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin pero ibinalik ulit nito ang tingin sa daan.
"Sige." Pagpayag niya.
~~~
Nakarating na kami sa amin, bumaba na ako at ganun din si Ariadne kaya nagtaka ako.
"Papasok ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Kung pwede sana." Nakangiting sabi nito.
"Tara na." Sabi ko nalang. Pumasok na kami sa loob at nakita ko ang babaeng yun na nagluluto.
"Mommy!" Nagulat ako sa sigaw ni Ariadne. Napatingin naman ito sa kanya na puno ng pagtataka.
"Did you just call me mommy?" Takang tanong nito.
"Oo HEHE binigay na po kayo ni Lazarus sa akin." Sabi nito saka humagikgik. Napakunot naman ang noo ng babaeng ito saka tumingin sa akin.
"Tsk. Aakyat na ako." Sabi ko nalang saka umakyat na at iniwan sila.
Ariadne Pov
Nakita ko si Mrs. Carson na umiiyak kaya naman nilapitan ko ito saka niyakap. Ng tumahan ito saka ito humiwalay sa akin.
"Thank you." Nakangiting sabi nito kaya ngumiti din ako sa kanya.
"I envy him because he has a mother who loves him." Sabi ko kay Mrs. Carson.
"Buti ka pa nakikita mong mahal ko siya pero ang anak ko hindi niya makita. Para akong ibang tao sa kanya." Malungkot na sabi nito.
"Mrs. Carson do you trust me?" Nakangiting sabi ko.
"Yes. Why did you ask." Takang tanong nito ako naman ay lalong lumapad ang ngiti.
"May plano ako para pahalagahan ka ng anak mo." Nakangiting sabi ko saka sinabi ang plano ko sa kanya.
"Pero si Lazarus walang makakasama dito." Sabi niya.
"Don't worry about him. Just trust me." Sabi ko saka tumango.

YOU ARE READING
Section Z
Novela JuvenilAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...