Chapter 17

103 9 13
                                    

Ariadne Pov

"Are you really okay?" Pang 10 niya na yang tinanong.

"Yes." Yan naman lagi ang sagot ko dahil okay naman na talaga ako though medyo kumikirot yung sugat ko sa ulo.

"Are you really okay?" Ulit na naman niya kaya naman nainis na ako sa kanya.

"Grey! For Pete's sake stop asking me the same question. I already answered you so stop repeating the same question!" Inis na sabi ko sa kanya kaya naman natahimik na siya.

"Tara na baba na tayo." Sabi ko nalang saka nagsimula ng maglakad papunta sa pinto sumunod naman ito.

Ng makabalik sa room ng Section Z biglang sumigaw si Luffy kaya naman nagulat ako.

"Bakit hindi ka pa umaalis?!" Galit na sigaw nito sa akin.

"Bakit naman ako aalis?" Takang tanong ko sa kanya hindi pinapandin ang masamang tingin nito sa akin.

"Dahil hindi ka namin kailangan dito! Hindi namin kailangan ang mga teacher na katulad mo na manggamit!" Galit na sagot nito sa akin habang ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit.

"First of all bakit ka pa nag aral kung hindi mo naman pala kailangan ng teacher. Dapat hindi ka na nag enroll dito at tinuruan mo nalang ang sarili mo since sabi mo hindi mo naman kailangan ng teacher. Second wala akong ginagamit Luffy. Did I ask you for something?" Sabi ko sa kanya at para naman itong nabato sa kinatatayuan nito pero agad din itong naka recover.

"Wala kang pakialam kung bakit nag enroll pa ako dito! Katulad ka rin ng ibang teacher! Kinukuha mo ang loob ng mga kaklase ko tapos kapag nakuha mo na doon mo na sila gagamitin!" Sigaw nito.

"Hindi ako katulad ng teacher na kilala niyo kaya wag niyo akong ihalintulad sa kanya." Pinipigilan ang galit ko dahil hindi nila alam ang pwede kong magawa kapag nagalit ako.

"Katulad ka nila! Wala kang kwenta! Manggagamit! Malandi!" Galit na galit na sabi nito kaya naman lumapit ako kay Luffy saka hinawakan ang kwelyo at tinaas ang kamay para suntukin siya pero hindi yun tumama sa mukha niya. Binitawan ko ang pagkakahawak sa kwelyo niya pero hindi ako lumayo sa kanya.

"Ibahin mo ako sa teacher na nakilala mo. Siguro may nagawa siya sainyo kaya ganyan nalang ang galit niyo sa kanya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pati ang mga walang kinalaman na teacher ay dinadamay niyo. Let go of that past and move on. Sarili niyo lang ang pinapahirapan niyo. Hindi ako sumusinod sa utos ng mga estudyante ko pero para sa ikatatahimik mo sige aalis na ako dito." Sabi ko saka na tumalikod sa kanya at lunabas.

Hinabol naman ako nila Kenjie, Luc, Lazarus, at Xan.

"Ari hindi mo naman kailangan gawin yung sinasabi ni Luffy ehh." Sabi ni Luc tumango tango naman si Kenjie.

"Yeah death anniversary lang ngayon ng kuya niya kaya sayo niya naibuntong yung galit niya." Walang prenong sabi ni Kenjie kaya kinunotan ko siya ng makita ang itsura ko napatakip ito sa bibig niya.

"Tss. Ang bobo mo Kenjie." Sabi ni Lazarus.

"Tara." Sabi ni Xan at hinilia ako sa kung saan.

Grey Pov

"Aren't you a little harsh?" Tanong ko kay Luffy kaya naman napatingin silang lahat sa akin.

"Kinakampihan mo yung babaeng yun?" Hindi makapaniwalang sabi ni Luffy.

"Look. Yung mga sinabi mo kanina kay Ari ay below the belt na." Sabi ko.

"So kinakampihan mo nga siya?" Sabi nito saka tumawa.

Section ZWhere stories live. Discover now