Xan Pov
"I'll give you another chance but if you fail again you know what will happen to you."
Nagpaulit ulit yan sa utak ko. Natatakot ako pero wala naman mangyayari kung matatakot lang ako. Bakit ba kasi nangyayaro to sa akin? Yung babaeng yun kasalanan niya kung bakit ako nalagay sa pahamak. Kung hindi niya ako hinila edi sana hindi ako nabugbog edi sana hindi nanganganib ang buhay ko ngayon. Kasalanan niya! Bakit ba ba niya kami pinapakialaman?! Teacher lang siya! Wala siyang karapatan na pakialaman kami! Galit ako sa kanya!
"Xan Coren?" Tanong ng isang lalaki kaya napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Nakita ko naman ang isang lalaki. Malaki ang pangangatawan nito at nakakatakot din ito.
"Are you Xan Coren?" Tanong nito kaya naman napatango ako.
"I think this is yours." Sabi nito saka binigay ang ID.
"Bakit nasayo to?" Nagtataka kong tanong ilang days na itong nawawala hinayaan ko nalang dahil balak kong magpaggawa nalang ulit.
"Napulot ko lang iyan." Sabi nito saka tumalikod na at nagsimula ng maglakad.
"Hey!" Tawag ko sa kanya kaya naman napalingon ito sa akin. Nagtataka ang mukha nito kaya ngumiti ako sa kanya na lalo nitong ikinataka.
"Thank you." Sabi ko tumango nalang ito saka na pinagpatuloy ang paglalakad.
Ariadne Pov
"Goodmorning Ariadne." Sabi ng kung sinong nasa likod ko. Nilingon ko ito at agad na napasimangot ng makita kung sino ang bumati sa akin.
"Akala ko ba hindi mo na ako guguluhin?" Inis na sabi ko sa kanya siya naman ay ngumiti lang.
"Did I say that?" Takang tanong nito.
"Yes! Kaya pwede ba umalis ka na. Ang aga aga nambwibwisit ka na." Sabi ko saka na nagpatuloy sa paglalakad.
"That's weird I don't remember saying those word." Sabi nito pero hindi ko na siya pinansin.
~~~
"Hey bitch ginagalit mo talaga ako." Sabi ng isang babae. Hindi ko ito kilala at wala akong balak kilalanin.
"Hey I'm talking to you!" Sabi nito saka ako hinawakan sa braso.
"Don't touch me." Sabi ko pero ngumisi lang ito. Yung mga teacher naman dito nanonood lang.
"I SAID DON'T TOUCH ME!" Napasigaw na ako sa inis kaya naman siya ay gulat na gulat at nabitawan ako.
"Ano bang problema mo at ginugulo mo ako?" Sabi ko sa kanya para naman itong natauhan at ngumisi ulit.
"Mangaagaw ka!" Sabi nito at sasampalin sana ako pero nahawakan ko ang kamay niya. Hindi ko iyon binitawan at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.
"Wag mo akong galitin. Hindi mo ako kilalang magalit." Sabi ko saka pabagsak na binitiwan ang kamay nito. Lumabas na ako saka pumunta sa room ng Section Z.
Ng makarating doon pumasok na ako doon at wala pa ang mga studyante. Maaga pa kasi kaya wala pang estudyante. Kinuha ko nalang ang libro kung saan nakasulat ang mga personalities ng Section Z. Hindi nila alam na inoobserbahan ko ang mga kilos nila.
Habang tinitignan yun biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Xan napansin ko ang mga pasa nito sa mukha kaya nagalala ako.
"Are you okay Xan? Bat ang dami mong pasa? Nakipag-away ka ba?" Puno ng pagaalala na tanong ko sa kanya pero tumingin ito sa akin na puno ng galit ang mata.
YOU ARE READING
Section Z
Teen FictionAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...