Chapter 16

97 6 0
                                    

Ariadne Pov

Kakagising ko lang at pababa na ako para pumuntang kusina. Hindi ko nadatnan si Grey sa kwarto niya kaya sure ako na nasa kusina ito. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko kung may nagawa ba ako kay Grey na ikakagalit niya. Pero wala naman akong naisip na nagawa ko.

Ng makarating doon naabutan ko nga si Grey doon na kumakain mag isa. Wala pa si Otosan at hindi ko alam kung bakit wala pa siya. Umupo ako sa tabi niya pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo.

"Tapos na akong kumain." Sabi nito saka umalis na sa kusina. Heto na naman siya at ganito na naman ang inaakto niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula ng kumain. Marami pa akong kailangan gawin kaya mamaya ko nalang iisipin si Grey.

Ng matapos kumain niligpit ko na ang pinagkainan ko at umakyat na. Nagkasalubong naman kami ni Grey. Kakausapin ko sana siya kaso nilagpasan niya lang ako kaya wala akong nagawa kung hindi tumuloy sa kwarto ko at mag ayos na.

~~~

Nakarating na ako sa school. Habang naglalakad biglang may umakbay sa akin ng tignan ko yun nakita ko si Kenjie.

"Good morning Ari." Nakangiting bati nito kaya ngumiti din ako sa kanya.

"Good morning Kenjie. Good mood ka ata ngayon?" Tanong ko sa kanya nagtaka naman ako ng bigla siya pumalad.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya.

"Churros ko." Nakangiting sabi nito kaya naman napasimangot ako.

"Really? Parang kakabigay ko lang sayo nung minsan ahh. Hindi ka pa ba nagsasawa?" Tanong ko sa kanya umiling naman ito.

"Favorite ko yun kaya hinding hindi ako magsasawa kaya asan na?" Sabi pa nito saka tinaas taas ang kilay.

"Wala. Hindi ako nag order. Saka hoy ang yaman yaman mo nagpapalibre ka sa akin. Bakit hindi ka bumili?" Sabi ko sa kanya na iki na pout niya.

"Nakakatamad." Yun lang ang sinabi nito saka tinanggal ang pagkakaakbay at nauna ng pumasok. Tignan mo yun lalapitan lang ako kapag may kailangan tss.

Habang naglalakad may umakbay na naman sa akin. Akala ko isa sa mga estudyante ko pero mali ako dahil ang naka akbay sa akin ngayon ay isang pesteng lalaki na sabi ay titigilan na daw ako pero hanggang ngayon kinukulit pa rin ako.

"Aalisin mo kamay mo o puputulin ko yan?" Sabi ko sa kanya at agad naman nitong natanggal ang pagkakaakbay sa akin.

"Yung students mo hinagayaan mo lang na akbayan ka tapos ako galit pa." Naka pout pa na sabi nito kaya naman napairap ako sa hangin.

"Tss." Sabi ko nalang saka iniwan siyang mag isa. Sumunod naman ito at kinulit ako ulit pero hindi ko na siya pinansin hanggang sa makarating kami sa office.

Ng makapasok as usual naka tingin na naman ng masasama ang mga babae ng makitang kasabay kong pumasok si Hayden. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso sa lugar ko. Si Hayden naman ay sumunod sa akin at may ibinaba na bento box kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo ang bento box.

"Pinagluto kita sana magustuhan mo." Pagkasabi nito agad itong umalis at pumunta sa pwesto niya kaya naman wala na akong nagawa kung hindi kunin ang bento box.

~~~

Pumunta na ako sa room ng Section Z. Yung bento box iniwan ko sa table ko dahil ayokong bitbitin iyon. Ng makarating doon nakita kong tahimik na ipinagtaka ko. Pumunta na ako sa table ko saka ibinaba ang dala ko. Nagulat ako ng bigla nila akong pinagbabato ng naka bilog na papel. Ipinananga ko ang kamay ko dahil ang daming bumabato sa akin. Sa sobrang inis pabagsak kong binitawan ang kamay ko pero mali ata ang ginawa ko dahil biglang may tumama sa ulo ko na matigas na bagay. Para namang nagulat ang mga estudyante dahil sa biglang pagbato sa akin ng kung ano na matigas na bagay. Bigla nalang akong nahilo at biglang dumilim ang paningin ko.

Section ZWhere stories live. Discover now