Chapter 20

113 5 0
                                    

Ariadne Pov

Papunta na ako sa office para kunin ang mga gamit ko. Ng makarating doon pumasok na ako at hindi na pinansin ang mga masasamang tingin nila sa akin. Ng makarating sa table ko inayos ko na ang gamit ko.

"Ms. Garcia?" Tawag sa akin kaya naman napalingon ako at nakita ang Principal.

"Bakit po?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh may sasabihin lang sana ako." Sabi ng Principal kaya napatango ako.

"Ahh pwede mo bang isama sayo si Mr. Anderson?" Tanong niya.

"Po?" Parang hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Well wala pa kasing klase si Mr. Anderson kaya sana kung pwede isama mo na siya sainyo. Saka isa pa nag aalala ako sayo kaya gusto kong sayo sumama si Mr. Anderson." Sabi niya.

"Bakit naman po kayo mag aalala sa akin?" Takang tanong ko.

"Well you see puro lalaki ang Section Z at hindi sila marunong sumunod sa mga teacher kaya sana gusto kong isama si Mr. Anderson para ma protektahan ka niya if ever na may gawin sayo ang mga estudyante mo." Paliwanag nito kaya wala na akong nagawa kung hindi tumango nalang kaya ngumiti ito at nag paalam na. Ako naman ay itinuloy ang pag aayos saka umalis na doon at pumunta sa parking. Bibili pa ako ng gagamitin namin bukas kaya kailangan kong dumaan sa Supermarket. Ng makarating doon napakunot agad ang noo ko dahil sa nakita. Naghihintay doon sila Kenjie, Luc, Aiken, Grey, Lazarus at Luffy.

"Ang tagal mo naman kanina pa kami dito." Reklamo ni Luffy kaya napataas ang kilay ko.

"Bakit sinabi ko bang hintayin niyo ako?" Nakataas ang kilay na tanong ko kaya sinamaan niya nalang ako ng tingin.

"Bakit niyo nga ba ako hinihintay?" Tanong ko sa kanila.

"Sasamahan ka namin bumili ng gamit para bukas." Excited na sabi ni Kenjie.

"Ha?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Sabi ko sasamahan ka namin bumili ng ga--." I cut him off

"Hanapin mo si Batman at siya ang samahan niyo." Pagbabara ko sa kanya kaya sumama ang tingin nito sa akin at ang iba naman ay natawa kaya napa pout ito.

"Pero seryoso hindi niyo na ako kailangan samahan kaya ko naman." Sabi ko sa kanila

"Nope. Sasamahan ka namin and that's final. Tara na." Sabi niya saka ako hinila papunta sa isang Van.

"Hoyy may sasakyan ako." Sabi ko pero agad na nila akong pinasok doon.

"No. Dito nalang para sabay sabay na." Sabi ni Luc kaya wala na akong nagawa kung hindi umupo.

"Ano bang mga bibilhin natin?" Tanong ni Lazarus.

"Mga pagkain para sa 1 week." Sabi ko kaya napatango tango sila.

Ng makarating sa Supermarket kumuha kami ng push cart. Pumunta muna kami sa meat section at kumuha ng kailangan at lumipat sa fish section.
Napatingin ako sa likod ko at napasimangot ng makitang wala na sila doon. Naglalakad lakad ako para hanapin sila at nagulat ako ng biglang may naglagay ng chips sa push cart sunod non ay may nag lagay ng chocolates. Nanlaki ang mata ko ng sunod nilang ilagay ay mga alak.

"Hoyy bawal yan balik niyo yan." Sabi ko sa kanila.

"Ari wag kang KJ hindi naman malalaman." Sabi ni Luffy na siyang kumuha ng mga alak.

"Kahit na ayaw kong uminom kayo at baka may gawin kayong katarantaduhan kapag nalasing kayo." Sabi ko sa kanila.

"Sus! Wala yan mataas ang alcohol tolerance namin kaya wala kang dapat na ikabahala." Sabi ni Kenjie saka nag wink pa ang mokong.

Section ZWhere stories live. Discover now