Chapter 25

180 9 4
                                    

Rocco POV

Magkahawak kami ng kamay ni Rachell pabalik sa resthouse.

"Heyyy wait!" Sigaw ng nasa likod naman. Tinignan namin yun at nakita namin si Ari at Grey na tumatakbo palapit sa amin. Hinintay namin silang makalapit sa amin at ng makalapit niyakap ko si Ari. Nagulat ito sa ginawa ko pero tumawa lang ako kaya natawa din siya.

"Salamat. Kung hindi dahil sayo mawawala ang babaeng mahal ko." Sabi ko sakanya. Hindi pa rin ako bumibitaw sa yakap pero si Grey binaklas na ang yakap namin.

"May gusto ka ba kay Ari?" Tanong ko sa kany kaya natawa si Grey at Ari.

"Ako magkakagusto dito? Wag nalang." Mayabang na sabi ni Grey kaya hinampas siya ni Ari.

"Crush ako nito kaya ganyan nalang ka protective sa akin." Natatawang sabi ni Ari si Grey naman parang nadidiri kaya natawa kaming tatlo.

Ariadne POV

Masaya ako dahil nagkaayos na sila Rocco at Rachell. Habang pauwi nakita ko ang isang studyante na nagmamadaling pumunta sa terminal kung saan kami galing.

"Mauuna na kayo may pupuntahan lang saglit ako." Sabi ko at pumayag naman silng lahat. Ako naman sinundan ko siya hanggang sa tumigil siya sa isang gilid at nakita ko na may kausap siya na isang bata. Nag stay lang ako sa pwesto ko pero nakatingin pa rin ako sa kanila. Pagkatapos niyang kausapin ang bata may kinausap naman siyang isang matanda. Mukha silang may pinag aawayan. Nakita ko naman ang bata na umalis sa tabi nila kaya sinundan ko ito.

Napalayo na kami ng tumigil ang bata at tumingin sa paligid ng marealize nitong nawawala na ito nagsimula na itong umiyakkaya lumapit ako.

"Heyy." Tawag ko sa bata kaya humarap siya sa akin.

"Papa!" Iyak na sabi nito at paulit ulit nitong sinsabi.

"Hush! Hahanapin natin si papa mo okay? Stop crying." Sabi ko saka siya nginitian kaya naman tumigil na ito at humawak sa kamay ko. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa terminal at ang bata naman ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"Mommy!" Sigaw ng bata ng makita ang isang babae. Tinanggal nito ang pagkakahawak sa kamay ko at tumakbo palapit sa ginang.

Niyakap ng ginang ang bata ng mahigpit at siya naman ay biglang sumulpot.

Niyakap niya ang bata ng mahigpit.

"Papa can't breath." Sabi nung bata kaya natigilan ako. Siya naman ay tinanggal na ang pagkakayakap sa bata at tinignan ng mabuti ang bata. Napabuntong hininga nalang ito.

"Saan ka ba nanggaling?" Nagaalalang tanong nito sa bata.

"Alam mo bang alalang alala ako?"

"Sorry papa." Nakapout na sabi ng bata.

"Miss thank you sa paghatid sa apo ko." Sabi ng matanda kaya napabaling ang tingin nila sa akin. Kita ang gulat at takot sa mata niya.

"Ari..." Sabi niya.

"You know her?" Tanong ng matandang babae sa kanya.

"Yeah. She's my Teacher." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"Ohh. Really? What's your name miss?" Tanong sa akin ng matandang babae.

"Ariadne po." Magalang na sabi ko.

"Ohh that's a beautiful name." Sabi niya kaya ngumiti nalang ako.

"Mom mas maganda kung umuwi na kayo." Sabi niya saka tumingin ulit sa bata.

"Uuwi na niyang kami kinabukasan. You wait for me okay? We'll talk." Sabi niya saka binigay na sa matandang babae ang bata.

"Aalis na kami. Mag-iingat ka diyan okay? And nice to meet you Ariadne." Sabi ng Ginang at umalis na.

Section ZWhere stories live. Discover now