Kenjie Pov
"That's all for today." Sabi ni Ariadne saka inayos na ang gamit. Napansin ko naman si Aiken na agad lumabas kaya ang mga gunggung nagsitayuan na din dahil napagusapan namin na sundan si Aiken.
Maingat kami sa bawat galaw namin dahil baka mapansin kami ni Aiken. May mga pagkakataon na muntikan na kaming mahuli pero magaling kaming magtago HAHAHA. 15 minutes kaming sumusunod sa kanya ng sa wakas tumigil din ito sa isang Park. Kumaway siya sa isang magandang babae. Nagtago kami malapit sa kanila para marinig namin ang pinaguusapan nila.
"Naghintay ka ba ng matagal?" Tanong ni Aiken yung babae naman ay umiling lang saka ngumiti kay Aiken.
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Aiken kaya lalong lumapad ang ngiti ng babae.
"Girlfriend ba ni Aiken?" Tanong ni Luffy.
"Baka. Tignan mo si Aiken halatang inlove na inlove." Sabi ko naman.
"So yan pala ang dahilan kung bakit siya masaya kanina." Sabi ng isang babae kaya naman napatango tango kami pero agad kaming napatingin sa likod namin. Gulat na gulat kami dahil nandon din si Ariadne.
"Kanina ka pa diyan?!" Gulat na tanong ni Grey.
"Oo kanina pa ako nakasunod sa inyo hindi niyo ba napansin?" Takang sabi naman ni Ariadne.
"Tss. Tara na aalis na sila Aiken." Sabi naman ni Luffy saka sinundan na sila Aiken kaya kami napasunod na din sa kanya.
5 minutes ata namin silang sinundan ng sa wakas ay tumigil sila sa isang restaurant. Malapit lang ito sa Park.
"Papasok ba tayo?" Tanong ko.
"Oo naman nagugutom na rin ako." Sabi naman ni Ariadne kaya naman wala na kaming nagawa kung hindi pumasok.
Ng makapasok agad kong hinanap sila Aiken at nakita ko naman sila sa medyo hindi mataong parte ng restaurant. Umupo kami malapit sa kanila pero may isang pagitan na lamesa. Nakatalikod kaming dalawa ni Grey kali Aiken si Luffy at Luc naman ay nakikita sila Aiken si Ariadne naman ay nasa side. Nagorder na si Ariadne ng pagkain. Halata ngang gutom na gutom ito dahil agad na itong kumain pagkarating ng inorder niya.
Habang kumain bigla nalang nabilaukan si Luffy at nginuso ang pwesto nila Aiken kaya naman napatingin kaming lahat doon. Nakita ko si Aiken na may kausap na lalaki para silang nagaaway dahil umaawat yung babae.
"Hindi siya sayo dahil Aiken siya!" Sabi naman ni Aiken na nagpabuga sa kinakain ni Ariadne.
"Anak ng nagaaway na nga pumipick up lines pa." Sabi ni Ariadne saka pinunasan ang bibig nito.
"Tama na!" Napalingon ulit kami sa pwesto nila Aiken dahil sa bilang pagsigaw ng babae.
"Ikaw Marco tumigil ka na! Hindi kita mahal kaya tigilan mo na ako!" Sabi ng babae saka hinila si Aiken at umalis na sa restaurant kaya naman agad kaming napasunod sa kanila.
~~~
Hinatid na ni Aiken ang girlfriend niya sa apartment nito. Naglakad na ito paalis pero bigla itong nagsalita.
"Lumabas na kayo diyan alam kong kanina niyo pa kami sinusundan." Sabi nito kaya napalabas kami ng wala sa oras.
"Tss." Sabi nito saka nagsimula ng maglakad kaya naman napasunod kami sa kanya.
"Itanong niyo na ang gusto niyong itanong." Sabi nito na hindi man lang kami tinitignan.
"Anong meron dun sa banat mo?" Tanong ni Ariadne kaya naman napahinto si Aiken
"Wala kang kwentang mag--." Sabi ko pero pinutol ito ni Aiken.
"Maganda ba? Ilang days kong pinagisipan yan HAHAHA." Sabi ni Aiken habang tumatawa kaya napatingin kami sa kanya lahat.

YOU ARE READING
Section Z
Teen FictionAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...