Ariadne Pov
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Okay na kami ni Luc humingi din ito ng tawad kahapon. Habang nagmumuni muni ay nakarinig ako ng katok sa pintuan ko at nung bumukas yun nakita ko si Grey na sobrang porma kaya naman nagtaka ako.
"Anong trip mo niyan?" Takang tanong ko sa kanya.
"Get up." Sabi nito saka lumapit sa akin at pilit na itinatayo.
"Wait! Ano ba?." Sabi ko saka tuluyan na ako nitong naitayo.
"Bakit ba anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Punta tayong bar." Magiliw na sabi nito.
"Huh?" Tanong ko ulit dahil hindi ko naintindihan ang sinabi nito.
"Pupunta tayong bar kaya magbihis ka na. Motto hayaku." Sabi nito saka tinulak ako papasok sa banyo. Wala na akong nagawa kung hindi magbihis. 9 PM na kase kaya bukas na ang mga bar pero hindi ko pa rin alam kung among trip ng kapatid ko at naisipan niyang pumunta sa bar ngayon.
Agad din akong natapos kaya lumabas na ako. Ang suot ko ngayon ay crop top and ripped jeans saka ako naka hills.
"Tara na." Nagmamadaling sabi nito kaya nagpatangay nalang ako sa kanya.
Ng makakababa nakita ko si Nicolai at Nic na naghihintay sa amin sa nakikita ko sa porma nila masasabi kong isinama sila ni Grey.
"Tara na!" Excited na sabi ni Grey saka na kami lumabas. Naka ready na rin ang sasakyan kaya naman sumakay na kami. Si Nic ang nagmamaneho sa tabi nito ay si Nicolai nasa likod naman kaming dalawa ni Grey.
"Hoy lalaki ano bang pumasok diyan sa utak mo at naisipan mong mag bar ha?" Sabi ko sa kanya ngumiti naman ito.
"Wala trip ko lang saka gusto kitang makasama." Nakangiti pa rin nitong sabi.
"Gustong makasama?" Di makapaniwalang sabi ko.
"Oo." Sabi nito.
"Grey ayos pa ba ang turnilyo sa utak mo? Hello! Lagi kaya tayong magkasama sa bahay idagdag mo na rin sa school tapos mamimiss mo pa ako sa lagay na yun?" Di parin makapaniwalang sabi ko.
"Gusto ko lang naman magbonding tayo tapos ginaganyan mo pa ako. Namimiss ko lang naman bonding natin." Kunwaring malungkot na sabi nito.
"Osigi na osigi na di mo bagay gumanyan." Sabi ko nalang para tumigil na siya.
30 minutes ang naging byahe namin. Bumaba na kami sa kotse at pumasok na sa Bar. Si Grey naman agad lumapit sa mga babae dun. Nasabi ko na bang babaero si Grey? Kung hindi pa pwes sasabihin ko na ngayon. Yang kapatid ko na yan hindi marunong magseryoso. May nangyari pa nga na nagpanggap akong girlfriend niya para paalisin yung babaeng nakalandian niya. Meron pa na pumunta sa bahay at sinabing buntis ito at si Grey ang ama. May sumugod pa sa akin nung magkasama kaming dalawa ni Grey. At ang malala may muntik na magpakamatay dahil nakipag break si Grey dito. Sana nga ay dumating na ang karma nito para maranasan nito ang mga nararanasan ng mga babaeng niloko niya.
"Ojou let's sit there." Sabi ni Nicolai at itinuro ang pwestong medyo tahimik. Tumango naman ako saka naglakad papunta sa lamesang itinuro nito. Napansin ko si Nic na wala na sa tabi ni Nicolai kaya naman tinanong ko si Nicolai.
"Nicolai asan si Nic?" Tanong ko
"Hindi ko rin alam Ojou bigla nalang kasi itong nawala siguro nandiyan lang yan sa tabi tabi." Sabi nito kaya naman napatango tango nalang ako. Pagkarating namin sa lamesa umupo na ako si Nicolai naman ay umupo sa harap ko.
"I'll go get some drink." Sabi ni Nicolai saka tumayo at pumuntang counter para siguro kumuha ng maiinum namin. Wala pang 5 minuto ay nakarating na si Nicolai kasama nito ang waiter na dala ang drinks na in order ni Nicolai. Nilapag na ng waiter ang drinks nagpasalamat naman ako ngumiti lang ito saka umaalis na.

YOU ARE READING
Section Z
Ficção AdolescenteAt the age 22, Ariadne was one of the teachers at Koronomi University. Ariadne had always dreamed of becoming a full-time teacher at hindi naman siya nabigo dahil natanggap siya sa Koronomi University. Pero nagtataka siya dahil wala pang isang araw...