Chapter 22

109 7 0
                                    

Rocco POV

Papunta na ako sa dining area ng tumunog na naman ang cellphone ko. Kinuha ko yun saka tinignan kung sinong tumatawag at kumunot ano noo ko ng makitang si Rachell na naman ang tumatawag. Lumabas na muna ako saka ko sinagot ang tawag.

"Ano na naman ba?" Inis na tanong ko pagkasagot ko.

"Tatanungin lang sana kita kung kumain ka na diyan." Mababa ang tono ng boses nito.

"Kakain na sana ako kung hindi ka lang tumawag." Cold na sabi ko.

"Ganon ba? Sige kumain ka na diyan. Ingat ka palagi haa. Sorry sa abala. I lo--." Agad ko ng pinatay ang tawag kahit na hindi pa siya tapos magsalita. Binulsa ko na ang cellphone ko saka pumasok sa bahay at dumeretso na sa dining area at nakitang ako nalang ang kulang.

"Saan ka galing?" Tanong ni Luffy.

"Diyan lang." Sagot ko sa kanya.

"Tss maupo na diyan para makakain na tayo." Sabi ni Luffy kaya naman umupo na ako sa tabi ni Aiken.

Ng matapos kumain nag assign si Ari ng maghuhugas ng plato at isa ako dun.

"Ari hindi ba pwedeng iba nalang?" Reklamong tanong ko sa kanya.

"Then you choose. Maglilinis ng bahay o maghuhugas?" Tanong niya sa akin.

"Hehe sabi ko nga maghuhugas ako ng plato ngayon na." Sabi ko nalang saka walang nagawa kung hindi magsimula ng maghugas ng mga pinagkainan nila.

Habang naghuhugas nag ring na naman ang cellphone ko kaya naman pinunasan ko muna ang kamay ko saka tinignan kung sinong tumatawag. Agad na nagkunot ang noo ko ng makita kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ito.

"What?!" Sigaw na sagot ko kaya di siya nakasagot.

"Kakatawag mo lang kanina diba? Bakit tumawag ka na naman ba?!" Inis na tanong ko sa kanya pero di oa rin siya sumasagot.

"Kung tatahimik ka nalang diyan papatayin ko na ang tawag." Sabi ko saka pinatay na ang tawag at binalik sa bulsa saka pinagpatuloy ang paghuhugas.

Ng matapos maghugas pumunta na akong kwarto para matulog sana kaso hinila ako ni Kenjie.

"What?" Iritang tanong ko sa kanya.

"Tulungan mo akong mag ihaw." Naka ngiting sabi nito.

"Ayoko. Gusto ko ng matulog." Sabi ko saka tinangal ang pagkakakapit nito sa braso ko kaso hindi nagpatalo si Kenjie kaya hindi ko ito matangal tangal.

"Tutulungan kita basta tangalin mo na ang pagkakakapit mo sa akin." Napabuntong hininga na sabi ko.

"Nope. Alam ko na yan. Kapag tinangal ko ito tatakbo ka. Hindi mo na ako mauuto ngayon." Nakangising sabi nito kaya wala na akong nagawa kung hindi sumama sa kanya.

"Bakit ang aga mong nagiihaw?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Maaga pa ba ang 6?" Tanong niya din.

"6 na?" Kunot noong tanong ko.

"Oo. hindi mo alam?" Takang tanong nito.

"Tss tara na nga." Sabi ko nalang saka ako na ang naghila sa kanya papunta sa ihawan.

Ariadne POV

Nakabilog kaming lahat dito malapit sa dagat may bonfire na nakagitna sa amin. Yung lamesa naman na inihanda ng boys ay nasa unahan kasama ang mga alak na pinamili nila Luffy. Ako ngayon ay may hawak na marshmallows at nakatutok sa apoy. Nasa tabi ko naman si Luffy na nasa right at si Kenjie na nasa left, katabi nito si Grey at ang katabi naman ni Luffy ay si Hayden. Kakainin ko na sana ang marshmallows ng biglang may umagaw dito. Ng lingunin ko ito nakita ko si Kenjie na sarap na sarap habang kinakain ang pinaghirapan kong marshmallows. Napatingin ito sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Section ZWhere stories live. Discover now