Chapter 3

158 10 1
                                    

Ariadne Pov

Hindi na ako napansin ni Grey na nandito sa sala dahil sa kakamadali niya. Nakita ko naman si Nicolai na papunta sa kitchen, tinawag ko siya kaya napatingin siya sa gawi ko.

"Do you need something Ōjou?" Tanong sa akin ni Nicolai ng makalapit ito sa akin.

"Samahan mo ako susundan natin si Grey. Dalian mo para maabutan pa natin siya." Sabi ko siya naman ay lumabas na. Sumunod nalang ako sakanya at nakita siyang nakasakay sa Aston Martin V12 Speedster. Agad na akong sumakay doon at ng makasakay pinaandar nito iyon agad.

"Ayun yung kotse niya dalian mo." Sabi ko ng makita ko ang sasakyan ni Grey. 10 minutes naming sinusundan si Grey ng sa wakas huminto ito sa isang Hospital. Nagtataka man ay bumaba nalang ako sa sasakyan at sinundan si Grey. Tuloy tuloy lang ito sa paglalakad kaya sinusundan ko nalang siya, 5 minutes ata kaming naglalakad ng sa wakas ay narating narin namin ang Emergency Ro— wait! Emergency Room?! Bakit siya pumunta sa ER? Tinignan ko si Grey at nakita kong may nilapitan itong mga lalaki at kung hindi ako nagkakamali ang mga Section Z ito oo Secti— Section Z?! Bat nandito din sila?! Sinong pinuntahan nila dito at sino ang na hospital.

"Anong nangyari kay Kenji?" Tanong ni Grey sa Section Z. Ahh si Kenji lang pala— Kenjie?! Studyante ko yun ahh anong nangyari sa kanya?!

"Sinaksak siya medyo malala ang nangyari sa kanya dahil maraming dugo ang nawala sa kanya." Sabi ni Luffy— siya yung nagbato ng dart sa akin.

"Sino ang sumaksak?" Tanong pa ni Grey.

"Yung ang hindi namin alam." Sagot ni Rocco.

"What do you mean? Hindi bat nandoon kayo panong hindi niyo alam?"

"Wala kami doon." Sagot ni Jiro.

"Kung wala kayo doon sinong nagdala kay Kenjie dito?" Takang tanong ni Grey.

"May nagdala daw sakanya na dalawang babae sabi ng nurse." Sabi ni Haru. Ahhh yun naman pala.

"Alam mo bang masamang nakikinig sa usapan ng iba?" Sabi ng kung sinong nass likod ko.

"Oo alam ko pero gusto ko la—." Napahinto ako sa pagsasalita at nanlaki ang mata ko, dahan dahan akong lumingon sa likod ko at nakita ko si Yoshi.

"Yo ikaw pala yan HEHE." Sabi ko saka siya dahang dahang nginitian.

"Tsk. Why are you here?" Sabi nito saka sumandal sa pader.

"Ahh ano ahm may binisita kase ako tas ano nakita ko si Grey na nagmamadali kaya sinundan ko siya at yun nga nakita ko ang mga classmate mo dito." Palusot ko sakanya tinignan niya naman ako na parang bored na bored.

"Ngayon alam mo na baka pwede ka ng umalis dito." Sabi nito kaya naman napakunot ang noo ko.

"Tsk. Hindi ko ba pwedeng kamustahin si Kenjie?" Sabi ko saka tumingin ulit sa gawi nila Grey. Nag uusap pa rin ang mga ito at kung titignan mo sila ang seseryoso ng mga mukha nila kaya naman na curious ako sa pinaguusapan nila.

"This is none of your business kaya kung lang umalis ka na." Sabi nito na ikinainis ko.

"This is ny business because Kenjie is my student." Matigas na sabi ko.

"Bullshit! Pwede bang wag ka ng makialam dito?! At wag mo kaming tawagin na student mo dahil hindi mo kami estudyante at hinding hindi ka namin ituturing na Teacher!" Galit na sabi nito saka umalis na.

"Ōjou are you okay?" Sabi ni Nicolai na sumulpot nalang sa kung saan.

"Yeah." Sabi ko saka na naglakad paalis sumunod naman si Nicolai sa akin.

Section ZWhere stories live. Discover now