Chapter 5

132 8 1
                                    

Someone's Pov

Hindi kami makapaniwala sa nalaman namin. Kanina kasi naghanap hanap kami ng CCTV sa Ketsan Abandoned building at may nakita kami. At alam niyo ang nakaka gulat? Yung babaeng nauna sa amin na magpatumba sa mga tarantadong iyon ay kilala pala namin. Kaya nga agad kaming pumunta sa hospital para ipaalam sa kanya itong nalaman namin. Habang papunta sa room ni Kenjie may napansin akong babae na naglalakad paalis. Hinawakan ko ang kamay nito kaya naman napahinto ito, ang mga kasama ko naman ay tuloy tuloy lang sa paglalakad at hindi na nila kami napansin dahil ako ang nahuhuli.

"What are you doing here?" Nakakunot ang noo na tanong ko.

"Binisita ko si Kenjie." Simpleng sagot nito.

"Why?" Tanong ko kaya naman napakunot din ang noo nito.

"What do you mean? You're asking me why Im visiting Kenjie? Bakit hindi ko ba siya pwedeng bisitahin?"

"Yes hindi mo siya pwedeng bisitahin!"

"At bakit? Bibisitahin ko siya kung kailan ko gusto tsk." Sabi niya saka ako inirapan.

"Hey tawag ka ni Kenjie pati siya." Sabi ni Haru na kakalapit lang sa amin ngayon.

"Tsk." Nasabi ko nalang.

"Huh? Pinapatawag niya ako? Parang kanina lang gustong gusto niya na akong paalisin ahh." Sabi nitong babaeng to.

"Wag ka ng magtanong tss." Sabi ko saka naglakad na papunta sa room ni Kenjie.

Kenjie Pov

Pati ako hindi makapaniwala sa nalaman ko. Sinabi na kasi sa akin nila Rocco kung sino ang naunang pumunta sa Ketsan Abandoned Building.

"Heto na sila Kenjie." Sabi ni Haru at nakita ko nga sila na pumasok.

"Paano niyo nalaman na siya nga yun?" Tanong ko sa kanya.

"Tss malamang dahil sa CCTV nandiyan ang mga picture kung sakaling mag deny siya mamaya. Magusap muna kayo sa labas lang kami." Sabi nito saka na sila lumabas at naiwan kaming dalawa dito. Nagtataka ito sa mga nangyayari.

"Upo ka muna." Sabi ko saka tinuro ang inupuan nito kanina.

"Tsk. Ano bang trip mo ha? Kanina atat na atat kang umalis ako ngayon naman pinabalik mo ako tss." Sabi nito saka umupo na sa upuan.

"May itatanong lang sana ako." Mahinhin na sabi ko

"Ano yun?" Tanong nito.

"Pumunta ka ba sa Ketsan Abandoned Building?" Tanong ko kaya naman nagulat ito.

"H-huh? H-hindi bakit mo natanong?" Utal na sabi nito.

"Tsk. Really? Then sino ito?" Sabi ko saka ipinakita ang picture kinuha niya iyon at nanlaki ang mata nito.

"Ano ahm hindi ako yan." Pag dedeny nito

"Tsk so sino yan kambal mo?" Sarcastic na tanong ko.

"Ahh oo HEHE." Sabi pa nito kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit hindi mo nalang sabihin ikaw yan?" Naiinis na sabi ko.

"Hindi nga kase ako yan." Sabi pa nito

"Andaming proof para masabing ikaw yan tsk."

"At ano naman ang mga iyon?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"Una yang picture pangalawa ang sugat mo sinabi nung mga yun na nasugatan ka nila sa braso at pangatlo--." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sumingit ito.

Section ZWhere stories live. Discover now