Chapter 6

120 8 0
                                    

Luc Pov

Nandito ako ngayon sa office ni dad. Ako muna pansamantalang namamahala sa kompanya dahil sila mom and dad ay nasa casino. Nalulugi na ang kompanya namin dahil sa kagagawan nila. Lagi kasi silang natatalo kaya pati pera sa kompanya ay nagamit nila. Nalaman iyon ng mga investors namin kaya nag pull out sila. Ngayon nga ay akong ang gumagawa ng paraan para bumalik sa dati ang kompanya namin. Ilang days na rin akong hindi nakakapasok sa klase dahil sa dami kong inaasikaso dito. Habang nagiisip nakarinig ako ng katok sa pinto tinignan ko yun at nakita kong pumasok ang secretary ng dad ko.

"What do you need?" Tanong ko sa kanya saka minasahe ang ulo ko.

"Sir nandito po yung mga kaklase niyo." Sabi nito kaya naman napakunot ang noo ko. Anong ginagawa nila dito?

"Papasukin mo sila." Sabi ko saka ito lumabas para puntahan ang mga ito. Walang pang isang minuto ay nandito na sila sa loob.

"Anong ginagawa niyo dito?" Nakakunot ang noo na tanong ko.

"Tsk. Binibisita ka siguro." Sarcastic na sabi ni Mace.

"Tsk." Sabi ko nalang, napatingin naman ako kay Lucifer na tahimik lang. Bakit di pa nga ako nasanay palagi namang ganyan yan.

"Balita ko nalulugi na daw ang kompanya niyo what happend?" Tanong ni Kenjie.

"Tsk si Mom and Dad kase nalululong sa casino pati ang company namin dinamay nila kaya ako ang umaasikaso kasi kung hahayaan ko sila baka mawala na itong kompanya namin." Sabi ko saka napabuntong hininga.

"Ahh." Sabi ni Kenjie na may patango tango pang nalalaman.

"Pumunta kami dito para tulungan ka." Bored na sabi ni Yoshi.

"Siguro naman kapag nag invest kami dito babalik na ang mga investors niyo no." Sabi ni Mace

"I don't know. Maybe?" Diko sure na sabi ko.

"Sabagay iilan lang naman kaming makakatulong sayo dahil hindi naman lahat sa Section Z ay mayayaman." Sabi ni Kenjie, he's right iilan lang ang mayayaman sa Section Z yung mga iba kasi ay may kaya lang.

"Pero sa tingin ko naman babalik ang mga investors mo kailangan lang ng malalaking company ang mag invest sayo." Sabi ni Rocco I think he's right maybe I'll ask my dad secretary.

~~~

"Aalis na kami." Sabi ni Kenjie

"Sige ingat kayo." Nakangiting sabi ko.

"Wag ka ng masyadong magiisip ng kung ano ano para saan pa't andito kami." Nakangiting sabi naman ni Rocco.

"Yeah thanks." Sabi ko tumango nalang sila saka umalis. Pinindot ko naman ang intercom.

"Come here." Sabi ko saka hinintay siyang dumating.

"Yes sir?" Tanong nito ng makapasok.

"Anong company ang makakapagbalik sa investors natin?" Tanong ko.

"Ang Aricia Company sir ang kaso mahirap kumuha ng appointment sa kanila sir." Sabi nito saka napatango tango.

"Sino ba ang ang CEO ng Aricia Company?"

"That's the problem sir." Sabi nito kaya napakunot ang noo ko.

"What do you mean?" Tanong ko

"Wala po kasing nakakakilala sa CEO ng Aricia Company." Sabi nito kaya naman napahawak ako sa baba ko.

"Okay you may leave." Sabi ko saka napasandal sa upuan ko.

~~~

One week na ang lumipas at nakapag invest na rin ang mga kaklase ko pero wala pa ring nangyari. Totoo nga na kailangan malalaking company ang mag invest sa amin para tuluyan ng bumalik ang mga investors namin.

Section ZWhere stories live. Discover now