Unang Kagat: Panaginip
Pauwi na ako galing Convinient Store isang hapon nang makasalubong ko ang isang babae ...
Napakaganda nya, makinis ang balat at mapungay ang kanyang mga mata. Natulala ako sa kanya saglit. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa magkrus and katawan namin.
Minasdan ko sya hanggang sa makalayo na sya. Di ko mabura sa isip ko ang mapungay nyang mga mata. Pag uwi ko ay dumiretso na ako sa aking kwarto at nahiga. Pinagmasdan ko ang kisame ng aking kwarto.
"Hindi ko makalimutan ang kanyang itsura, hhmmm ... mahal ko na ata sya aaahhh ..." bulong ko sa aking sarili.
Pasukan kinabukasan. Panibagong yugto ng buhay estudyante. Pagdating ko sa aking classroom ay agad akong naupo sa aking upuan. Saktong pagdating ng babaeng nakasalubong ko kahapon.
Napatingin ulit ako sa kanya. Di ko maialis ang aking mga mata sa kanya.
*Taps my shoulder*
"Oy! ... musta na !?"
"Ahh ikaw pala Luigi."
"HMM ... type mo no?! gusto mo ireto kita?"
"AAAHHH!! 'kaw talaga?! ... tumigil ka nga ... baka may BF na yan eehh ..."
*smirks*
"Sus, Kunwari ka pa Kenneth, pa simple ka pa ... kilala ko yan .. si *whispers* Julia 'yan ... wala pang nagiging BF yan."
Nabuhayan ako ng loob sa mga sinabi nya. Agad akong kumuha ng Stationary at gumawa ng Love Letter para sa kanya. Ibinigay ko ito kay Luigi at iniabot naman nya ito kay Julia.
*Ting DING DING DING*
Dali dali akong lumabas ng classroom para pumunta sa Rooftop. Inihanda ko ang sarili ko sa magiging sagot nya sa akin kung sakaling pumunta sya.
Dapit hapon na ... lahat ng mga kapwa ko estudyante ay nag uuwian na ... pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw. Habang nag iintay sa kanyang pagdating.
Nag aagaw na ang dilim at liwanag, naramdaman ko na parang andyan na sya ... kaya bigla akong humarap ...
Saktong...
*gently kiss your lips*
*SHOCKED*
Ilang segundo ang lumipas na parang mahabang panahon ang nawala sa akin. Ang kakaibang sensyason na nadama ng aking mga labi.
"MAHAL kita ! MAHAL NA MAHAL kita! ... umpisa pa lang ng magkatagpo tayo sa Convenient Store ! pero di mo ako magawang tingnan ! alam ko ... biglaan 'to pero .. MAHAL talaga kita !"
Napangiti ako sa mga sinabi nya. Nayakap ko sya ng buong higpit. Sobrang saya ko nung mga oras na 'yun ...
Sabay kami umuwi ng time na yun ... minamasdan ang paglubong ng araw sa kanluran. Nang biglang nakarinig ako ng boses na PAMILYAR sa akin.
Tinatawag ang aking pangalan.
Bigla ay naglaho sya ... at ang buong paligid ko ay naging blangko. Patuloy akong naghahanap sa kawalan. Hanggang sa may masumpungan akong liwanag.
Sinundan ko iyon ... hanggang sa makarating ako at BIGLANG nahulog.
*TTTTTTTTTUUUUUUUUUUUUUUUUUUUDDDDDDDDDDDDDDHHHHHHHHHGGGG~~~!!*
"AARRRAAAAAAAYYYYYY~~!!"
nahulog ako sa kama. Time Check: 8:15 am .. panaginip lang pala ang LAHAT.
BINABASA MO ANG
Ang Klasmeyt Kong Bampira by HiroAyama
Vampire"Vampires only exists in books and films. They are only but a fictions that created by man." Pero paano kung totoo nga sila? At ang maganda pa, isa ito sa mga kaklase mo? Paninindigan mo pa rin kaya na sila ay pawang kathang isip lamang? o tatanggap...