Drizzling 6

3.1K 92 4
                                    

Nang magising ako ay nakahiga na ako sa sofa habang nakapatong ang ulo sa mga hita ni Zyle. I groaned as the thought of what happened last night. Damn, did that really happen?

"Zyle," I called to know if he's already awake. Nakasandal siya at nakapikit pa. Baka tulog pa. I closed my eyes before drifting to another slumber.

Nagising akong muli dahil sa pananakit ng tagiliran. Pagdilat ko ay mga butones ang nakita ko. I looked up and realized that I am facing Zyle's abdomen. Naramdaman kong nakahawak siya sa kaliwang balikat ko. Parang nakaalalay dahil baka mahulog ako.

Wait. If I am facing his abdomen and my cheeks was against his lap, then... Agad na nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko kung ano ang posisyon ko ngayon. Shit. I was so close to his thing!

Bigla akong napatayo dahilan kung bakit nahilo ako kaya napahawa ako sa aking ulo habang napapapikit.

"Hindi mo dapat binigla 'yung pagbangon, nahilo ka tuloy."

Hindi ko siya pinansin at pumikit lang. Ilang sandali lang ay nawala rin ang hilo. Napahawak naman ako sa tiyan ko ng sumakit ang aking sikmura at inilibot ang tingin sa paligid. Zyle was studying at me. My stomach was empty dahil sa pagsusuka kahapon. Napansin niya 'ata ang paghawak ko roon.

"Terrence is preparing brunch." He smiled at me. "Good morning." I looked at him. Gulo-gulo ang buhok dahil sa pagtulog. He have a thin layer of stubbles on his chin na hindi niya inaahit. Maaliwalas ang mukha kahit kagigising lang.

"Morning." Hindi ko napigilang humikab. "Anong oras ba tayo natulog kahapon?"

"5:00." Tiningnan ako nito. "Inaantok ka pa? Higa ka muna ulit. O kung gusto mo lumipat ka na lang muna sa kama ko."

"Sure?" Tumango lang ito. "Gisingin mo ko kapag kakain na." Humiga ako ulit sa hita niya pero nakaharap na 'yung likod ko sa sandalan hindi katulad kanina. I closed my eyes. Ilang oras lang ba ang tulog namin?

I felt him removed strands of my hair of my face before I became unconscious again.

"Gising na," I heard Zyle said. Nakaramdam ako ng pag-alog sa aking balikat. When I woke up again, nasa harap ko na si Terrence.

"Let's eat?"

Umayos ako ng upo at nagkusot sandali ng mata para makapag-adjust sa ilaw sa paligid. I stretched my arms up and looked at them. "Tara."

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit lang kami ng unit ni Zyle. Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami na lilipat na sa unit ni Terrence. I have some clothes there kaya makikiligo na rin ako. Nanglalagkit na kasi ako.

"Sama muna ako sa inyo."

Terrence just shrugged and typed the passkey on his door. Pagkapasok ko ay dumiretso ako agad sa kwarto ni Terrence at kumuha ng damit roon. Paminsan kasi ay may kapamilya siyang nakikitulog sa guestroom niya kaya sa closet niya na lang tinatago 'yung iilang damit ko rito. Napakunot ang noo ko. Oo nga, paano 'yon kung may makitulog ulit sa pamilya niya?

Pagkalabas ko ng kwarto niya ay nakita ko silang nag-uusap ni Zyle. Terrence unit have the same size of Zyle's. Pinagawa niya lang talaga 'yung isang kwarto kaya wala ring CR sa loob ng kwarto niya.

Tumingin sila sa akin. "Cass, I'm leaving. Luke called me, it's urgent." Diretsong sabi ni Terrence kaya kumunot ang noo ko.

"Agad, agad? You take a shower first then."

Tumangon ito. Back to being silent, I guess? "Thanks."

Nauna siyang maligo pero ilang sandali lang ay lumabas na rin siya.

Maybe A Drizzle Of Love [Weather Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon