Drizzling 30

2.7K 85 16
                                    

Dedicated to hoonchichi 💙

+++

After exiting on my uncle's company, I immediately drove to the university. Susunduin ko kasi si Zyle. Sabay kaming pumunta sa school kanina gamit ang kotse ko. Sabi niya hindi naman siya aalis ng university so sunduin ko siya pagkatapos ko. Pinilit ko na siyang magdala kasi baka may bigla pala siyang pupuntahan o kaya naman baka ako 'yung may gawin at hindi ko siya masundo, pero ayaw. Hinayaan ko na lang kasi late na rin ako sa internship kaysa magtalo oa kamo.

Pagka-park ay dumiretso ako sa theater room. Since he's graduating, he's training the aspiring directors on their club. Kaya kahit wala naman siya dapat sa school ay pumunta pa rin siya.

I waited outside the room and texted him I'm already outside the theater.

Tapos na kaya sila?

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko 'yung baklang member nila na lagi kong napapansin everytime na pupunta ako roon. Ewan ko ba. I just felt like there's something on his personality that make me notice him.

"Hi, ganda. Ikaw 'yung girlfriend ni Direk 2, 'di ba?" Hindi pa ako nakakapagsalita ay binuksan na niya ng malaki ang pinto. "Pasok ka," nakangiti nitong sabi.

"Can I?" I asked politely. Gusto ko rin kasing pumasok.

"Syempre naman! 'Yung mga magagandang katulad natin, pwedeng-pwede."

Binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti saka niya ako inaya papasok.

May mga tao sa entablado habang may iilang nakaupo sa mga upuan. Marami ring bag sa mga upuan at mga water bottles na nakalabas.

"Andoon po si Direk 2." Itinuro niya ang kumpol ang mga nakaupong tao sa may gitna. Hinanap ko siya roon gamit lang ang kaunting liwanag na nagmumula sa stage.

"He look busy. I'll just wait here," sabi ko saka upo sa unang upuan na bumungad sa amin.

"Ay! Swerte naman ni Direk, understanding ng girlfriend." Ngumiti ito ng malawak bago nagpaalam sa akin dahil may scene daw siya sa susunod. Tumango lang ako at nakita siyang pumasok sa backstage.

Pinanood ko ang mga umaarte sa entablado pati ang pagkanta nila. Nanonood ako habang sumasayaw ang mga nasa stage nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Zyle:
Saan ka?

Cassidy:
First column, first row seat.

Zyle:
OK. Tapusin ko lang 'to.

Pinanood kong matapos ang nasa stage tapos ay nagkaroon sila ng break. Kaniya-kaniya silang baba ng stage at unat kung saan-saan. Nakita ko naman si Zyle na palapit sa akin, 'yung ibang members nila napapatingin pa sa kaniya. Baka dahil siguro siya 'yung kaunaunahang tumayo pagka-announce ng break?

He instantly gave me a peck before standing up straight in front of me again. Napataas ang kilay ko.

"PDA ka na ngayon?" I asked him, making him laughed.

He usually steal kisses from me when it's just the two of us. Ewan ko anong trip nito. He's trying to hold my hands in public though. As long as Terrence was not around. Syempre hinahayaan ko rin. Gusto ko, e.

"Madilim naman rito, hindi nila—"

"Nakatingin kaya sila."

Napabaling ang tingin nito sa may gitna ng room at sa stage kung saan nakatingin sa amin 'yung mga tao pero bumaling sa ibang direksyon dahil tumingin siya. Natatawang napailing siya bago umupo sa gilid ko.

Maybe A Drizzle Of Love [Weather Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon