Dedicated to Mattyhailee 💙
+++
"Fuck," I heard Terrence muttered. Pagkatapos ay bigla na niya akong hinatak papasok ng lobby. "C'mon, it's safer inside."
Kahit nanginginig dahil sa nakita kong bala ay nagawa ko pa ring makapasok dahil sa tulong niya. Narinig ko ang ibang tao na nagpanic dahil sa pagkabasag ng glass door habang ang mga security guard naman ay lumabas at tiningnan ang paligid. Ang iba naman ay pinapakalma ang mga tao sa lobby.
Hinatak ako ni Terrence sa elevator pero napailing ako. "A-ayaw," I said, still terrified of what happened just earlier and because I don't want to go up at our unit. Ayokong umakyat.
"Why?" he asked confused.
"W-we broke up." I teared up. Agad niya akong hinatak payakap para itago ang mukha ko. Naramdaman ko namang hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. I was glad he hide my tears.
"Hush, let's go to my car then to your house."
Bago kami pumasok sa elevator para bumaba ng parking ay nakita kong sinilip muna niya ulit ang harap ng condominium. May mga pulis na na dumating.
Terrence was looking around while we are at the parking area. He opened the door at the passenger seat, his head facing left and right, observing the surrounding.
Nang makapasok siya ng sasakyan ay may tinawagan siya at kinausap sa French. Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa akin kaya naman napansin niyang gusto kong magtanong.
"Sorry." Just by his tone, I already knew what he meant and what was happening. Napasandal na lang ako saka kinabit ang seatbelt. Sinimulan niya na ang makina ng sasakyan.
Muli akong napatingin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang dumudugo ang braso niya. Wala man lang nakapansin sa amin at parang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam na may dumudugong parte ng katawan niya.
"R-rencey, nadaplisan ka 'ata," sabi ko at itinuro pa ang braso niya.
Napatingin siya roon, pero parang wala siyang pakealam. Papaandarin na dapat niya ang sasakyan pero pinigilan ko siya.
"Teka, 'yung sugat mo," nag-aalala kong tanong. "Hala wala akong alam sa ganiyan," medyong nagpa-panic ko pang sabi. Hindi naman nakaiwas ng mapang-asar niyang ngiti. Napairap tuloy ako. What's even funny about his situation?
"Sa ospital na lang muna tayo, ako na ang magda-drive," wika ko pa bago sinubukang tanggalin ang seatbelt para bumaba kaso ay napagilan niya na ako.
"No need."
"No need ka dyan, dali na lumipat ka na nga!" utos ko pa at saka na lumabas ng kotse. Lumabas rin naman siya agad. Maybe because he figured it wasn't safe for me to stay outside his heavy tinted, bulletproof car even for a mere second.
Nang makaupo na ako sa driver seat at nakapag-seatbelt ay nakita ko siyang napailing bago may kinuhang first-aid kit sa compartment.
"Still stubborn," he commented, I rolled my eyes. The event that happened earlier in front of our units forgotten.
I drove to the hospital because I was paranoid like what Terrence said. Nag-aalala lang naman ako sa kaniya kaya gusto ko siyang tingnan ng spesyalista at linisin ang sugat niya.
Nang makarating kami sa bahay ay pinagpahinga ko muna siya. Malinis naman na 'yung guest room kaya doon ko na siya pinatuloy.
I was sitting at the edge of the bed, waiting for him to exit the bathroom. Napabuntong-hininga ako.

BINABASA MO ANG
Maybe A Drizzle Of Love [Weather Series 1]
RomansaArt. Roses. Sweets. One Direction. Paris. And a baby. These are the things Cassidy Mendez are in love with since she experienced a traumatic heart break from her previous relationship. So she planned everything for herself. Find a nice job after gr...