Drizzling 4

3.7K 94 10
                                    

"Where are you going?"

"Restroom." Tumango ako saka bumalik sa pagso-solve sa aking yellowpad. We're having our Mathemathics in Modern World course on this afternoon. Dahil iniwan kami ng proof ay kung saan-saan na naman nakakarating ang mga classmates ko dahil sa kopyahan. I rolled my eyes.

Cheating on elementary to highschool was fine for me. But really? Until college? College teach us things what are essential for our future work. Kung college pa lang ay nangongopya na at hindi na naiintindihan 'yung mga pinapagawa, paano na sila sa work? Wala namang magpapakopya sa'yo roon dahil iba-iba na ang trabaho kapag nasa kompanya na, right? Napailing ako.

Nang makita kong nakaalis na ng room si Terrence ay agad akong bumaling sa gilid ko at inilahad sa kaniya ang cellphone ko. Kunot ang mga noong tumingin ito sa akin.

"Type your number."

Tumingin-tingin ako sa pinto dahil baka biglang pumasok si Terrence at mahuli ako.

"Why?"

"Just type it!" bulong ko.

Napipilitan niyang ibinaba ang kaniyang ballpen saka inabot ang phone ko at nagtipa roon. Nang iabot niya sa akin ay agad ko itong tinignan at nag-save sa aking contact. Bumalik siya sa ginagawa habang ibinabalik ko ang cellphone ko sa bag.

"Can I use your condo for Rencey's party?"

"Sure." I looked at him. He's scribbling on his paper.

Payag na siya agad?

Magtatanong sana ako kung totoo ba pero hindi ko na ginawa kasi baka magbago pa ang isip. Mahihirapan pa ako maghanap ng venue.

"Okay." Mula sa peripherals ko ay nakita ko ang pagpasok ni Terrence kaya nagmaamdali akong humarap sa notebook ko, kunyareng nagso-solve.

"What are you two talking?" rinig kong tanong niya.

I imagined him having his brows in furrow. Paminsan chismoso rin talaga 'to, e. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit sinasabi ng marami na tahimik siyang tao.

"Nothing," said Zyle.

I smiled to myself. Sa tingin ko magkakasundo kami ng isang 'to.

Nang matapos ang klase ay nagmamadali akong umalis. Hindi ko pa kasi nabibili 'yung ibang birthday decor. Nakaraan naman noong pumunta akong mall kasama si Zyle, balloon lang ang nabili ko dahil napakatagal kong maghanap ng ipangreregalo. Naubos lang ang oras ko sa kakatingin.

Nang makauwi ako sa condo ay pagod na pagod na ako dahil malayo pa ang aking pinanggalingan. Dahil biglaan lang 'yung paglipat ko ng university ay hindi pa agad ako nakahanap ng matitirahan.

Malay ko ba naman kasing mag-eenroll doon si Mason?!

Kaya ang hassle sa akin kapag umaga ang class hour tulad noong first day. Nag-aadjust pa lang rin naman ako. Maybe I'll look for a nearer condo or apartment. I just hope may mahanap ako since nag-start na 'yung pasukan.

It was actually the reason kung bakit ko inaway noon si Terrence. Ang usapan kasi, may ire-recommend siya na apartment. Kaso nakatulog siya, nakalimutan niya nang magpareserve. Nang tumawag siya, may nakakuha na raw. I rolled my eyes and shook the thoughts away.

Pagkarating sa condo ay nagpalit ako ng damit. I took a nap and the next time I woke up,  it's already dark. I just ordered my food from the nearby restaurant.

I was lying on my bed when I decided to call Zyle. I need to inform him what time I'm going to go there. Baka pwede ko rin siyang maging kasabwat sa pag-iisip ng dahilan para hindi ako makita ni Rencey if ever na pupunta ako roon since magkatapat sila ng condo.

Maybe A Drizzle Of Love [Weather Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon