Drizzling 31

2.4K 76 13
                                    



Dedicated to Myka girl, vistoi . Thanks for the comments, it really made me laugh hard. 🤣 💙

+++

I looked at the mirror in the living room I passed by, and looked at my off shoulders and a stylist high waisted shorts.

Christmas started. The three of us decided to celebrate it in our condo with some of Terrence friends. Just like on his birthday party. Music, alcohols food and guest everywhere.

Akala ko nandoon na lahat, pero may nag-doorbell pa.

"Tara."

Napakunot ang noo ko nang hinatak ako ni Zyle papuntang pintuan. Nakita ko namang nagpaalam si Terrence sa mga kaibigan at sumunod rin sa amin. Anong meron?

Pagkabukas ng pinto at may pumasok ng tatlong lalaki at may kasamang babae.

Napakunot ang noo ko ng makilala ang isa sa kanila. "Kuya C?"

Nagulat ito sa akin. "Cass?"

Tumango ako. Nakita ko namang nagbatian si Zyle at 'yung dalawa at may kakaibang hand shake pa.

"Dude," inakbayan ako ni Zyle. "Cassidy, my girl."

I bit my inner cheek when I heard how he introduced me to his friends. Who would have thought I will be someone's girlfriend after all those times that I kept on hating the term?

Maski ako, hindi inakalang mapupunta ulit ako sa ganitong relasyon. Hindi ko inaakalang papayag ako at susubok muli. Nasaktan na ako pero heto. Giving it a try again. Risking my heart again. And it was funny how it turned out to be a friend. I mean, it was always what I avoided.

Ngumiti sila ay naglahad ng kamay sa akin. Napag-alaman ko na Rile at Mark 'yung pangalan nang dalawa. The girls also introduced theirselves, but I think they are just the plus one since Terrence and Zyle only greeted them.

Nanghumarap ako kay kuya C ay nakakunot ang mga noo nito. "So, it's real that you're just best friend with Terrence?"

Napairap ako. "Duh!"

Natawa ito at sakto namang lapit sa amin ni Terrence. Tinanguan niya lang 'yung dalawa at natawa ako ng guluhin ni Kuya C ang buhok niya na itinulak naman niya. Tuwang-tuwa talaga ang mga pinsan niyang asarin siya. They love seeing him annoyed.

"Tuloy kayo," pagkasabi ni Zyle ay nauna nang naglakad Terrence at sinundan naman siya nu'ng mga lalaki, kasama ang mga girlfriend 'ata nila dahil sa mga kamay ng mga itong nasa bewang ng mga babae.

"You knew C?" Zyle asked, his hand still on my shoulder.

"I'm kinda known to Rencey's family as his girlfriend kahit na sinabi na naming bestfriend lang." I shrugged.

"Maski ako hindi naniwala noong una ko kayong makilala."

Napaharap ako sa kaniya. "Totoo?"

Tumango ito.

"Selos ka na?" Nakataas ang kilay kong tanong.

"Hindi." Then he gave me a soft kiss. "Medyo lang minsan."

Napailing ako saka siya inaya papuntang lamesa para kumuha ng inumin.

+++

I was at the balcony, looking at the city lights, glass of alcohols in my hand. Sa likod ko ay maingay na tugtog at tawanan mula sa loob ng unit.

Maybe A Drizzle Of Love [Weather Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon