"Where are we going?" tanong niya agad ng makapasok ako sa sasakyan.
"Oh..." naglikot ang tingin ko sa paligid. "I actually don't know."
I blinked and realized that I didn't have a plan. Well, I do have. Hindi lang natuloy dahil I wasn't important enough. I absent mindedly rolled my eyes. Hindi ko talaga siya papansinin. Makikita niya.
Nagulat ako ng bigla na lang umandar ang sasakyan. Ikinabit ko agad ang seatbelt at tiningnan ng masama ang nasa driver's seat. Mukha naman siyang walang paki kaya sumandal na lang ako at tumingin sa labas.
"Why am I even with you?" I said, thinking out loud.
"To celebrate your birthday."
"Yeah right." Napatingin ulit ako sa sa labas. "Can we play the stereo?"
Tiningnan ko siya mula sa peripheral vision ko. Hindi siya umimik pero binuksan ang radyo.
"Thanks. Lipat ko ha?" tanong ko dahil nagsasalita lang 'yung DJ. Saka ko lang nalaman na 12:30 AM na pala dahil sa isang advertisement. Tumango lang siya kaya naman pinindot ko 'yung next button. I pressed next until a familiar song played. I smiled.
"...Having no regrets is all that she really wants..." I sang. One Direction songs really calmed me. I closed my eyes for while, saka sumabay sa kanta. When the chorus came, I opened my eyes then looked at the guy on my side. I don't even know him... Am I this lonely tonight?
Ipinalig ko ang aking ulo. Don't go there.
He was looking seriously on the driveway, but he glanced on me at times. I noticed his eyes go down from my eyes to my body and settled on my mid when we stopped because of the traffic light.
I raised a brow. "Head's up, perv."
Tumingin ito sa mga mata ko bago ibinalik sa daan ang tingin. Nag-drive siya ulit habang tumitingin lang ako sa labas. The asleep city moved pass through my eyes. Sarado na ang mga buliding at may iilang ilaw lang na bukas. The smell of a man's perfume linger on my nose. Like he's scent was all over his car I can't even smell my own perfume.
Napakunot ang noo ko nang huminto kami sa isang convenient store.
"What. The. F?" Dito lang ako sa birthday ko?!
"I'll just buy something," pagkasabi niya noon ay bumaba na siya. I looked at him as he entered the store. Parang natuwa naman ako sa narinig sa kanya. Mabuti nilinaw niya. Kung dito lang pala ako sa birthday ko, mas mabuti pang umuwi na lang ako and cook for myself.
I just shrugged and looked at my ringing phone. Napairap ako ng Makita ng Caller's Name.
"Oh, no Terrence. You're receiving invisible treatment."
Inintay kong matapos ang pag-ring saka siya b-in-lock. I smiled wickedly at saka ko naman narinig ang pagbukas ng pinto ng sasakyan.
He turned the lights on saka ko nakita ng binili niya. "Ice?" I asked curiously.
Tumango lang siya sa akin saka may kinuha sa likod na bulsa ng pantalon niya. Napakunot ang noo niyang tiningnan ang panyo na parang may mali roon. lumabas muli ng sasakyan saka pumunta sa likod ng kotse. Pagbalik niya ay may hawak na siyang maliit na paper bag habang hawak niya pa rin 'yung plastic ng ice.
Inilagay niya 'yung paperbag sa upuan niya bago pumasok. May kinuha siyang face towel sa paper bag at kumuha rin ng yelo, Binalot niya 'yung yelo sa towel saka inabot sa akin.
"For your arm."
Napaawang ang labi ko habang tinitingnan siya saka 'yung inabot niyang towel sa akin na parang cold compress. I looked at my arm saka ko lang naalala 'yung kapit ni Garry sa akin. Saka ko lang naramdaman ang sakit mula roon.
BINABASA MO ANG
Maybe A Drizzle Of Love [Weather Series 1]
RomansaArt. Roses. Sweets. One Direction. Paris. And a baby. These are the things Cassidy Mendez are in love with since she experienced a traumatic heart break from her previous relationship. So she planned everything for herself. Find a nice job after gr...