Chapter 3

192 70 5
                                    

Masaya kaming nagtatawanan ni Joshua. I feel comfortable with him. He is a flight attendant in the Philippine Airlines at ang dami niyang kwento tungkol sa mga karanasan niya sa mga pasahero. Nung first week daw niya ay nasukahan daw siya ng pasahero. I laughed him so hard sa itsura niya nang maalala yun.






"So, graduated ka pala ng fine arts?" tumango nalang ako.





"Oo, pero hindi ko yun nagamit. Nagtratrabaho ako ngayon bilang clerk sa isang kompanya." I used to dream to be a painter pero hindi ko na kayang magpinta simula ng namatay si Dad. Kapag humahawak ako ng brush at sinusubukang magpinta ay naalala ko lang si Dad. Kung paano siya namatay... Ng dahil sa akin.







"Bakit?" hindi ko alam kung paano yun sagutin at nagpapasalamat ako ng biglang dumating sina Aga at Lui.







"Mukhang nagkakadevelopan na kayo diyan ah!" nakangising sabi ni Aga.







"Bilis mo talaga Joshua! Hindi ka na namin namalayan na nawala ka." Lui.






"Gago." singhal naman ni Joshua.





"Iwan ko muna kayo." hindi ko na silang hinayaang magsalita at umalis na. May sinasabi sila pero hindi ko na yun pinansin.





Hinahanap ko sina Sofia pero hindi ko sila makita. Hindi ko na namalayan na napalayo na ako.






Pero bigla akong natigilan. Pakiramdam ko kase may nakatitig sa akin.






"Hi, Miss!" nagulat ako ng may umakbay sa akin. Agad kong napagtanto na tatlo sila. Bigla naman akong kinabahan. Malakas kong inalis ang pagkaakbay nito sa akin.






Sinubukan kong tumakbo pero mabilis nila akong nahawakan.







"Teka lang naman Miss! Magpapakilala lang naman kami!" pilit kong inaalis yung paghawak nila sa akin pero sobrang higpit nito.






"Let me go!" sigaw ko pero parang wala silang nadinig at nagtawanan pa. Mukhang mga lasing ata. Hindi ko na alam ang gagawin. I shout for help pero masyadong malayo nag mga tao.







"Ang kinis pare at ang ganda pa!" nanginginig ako sa takot ng hawakan niya ang mukha ko.







Pero nabuhayan ako ng loob ng biglang may nagsalita mula sa likuran.








"Can you guys just let her go? Mukhang ayaw niya sa inyo." bigla silang napalingon sa nagsalita at laking gulat ko ng makita kung sino ito at ganun din siya pero agad itong napalitan ng galit.








"Ito ba pare? Girlfriend ko-" mabilis ang nangyari. Agad na nasuntok ni Gael ang mga lalake. Hinawakan agad niya ang kamay ko at umalis.







Sa bilis niyang maglakad ay nakakaladkad na ako.







"-Teka lang naman, Gael!" pero parang wala siyang nadinig at bigla nalang kaming tumigil.








"What the hell are you wearing Angel!" he was breathing quickly and tried to calm himself. Tulad ng dati, mabilis siyang magalit pero agad niya munang pinapakalma ang sarili niya kapag magsasalita siya. "Paano nalang kung hindi ako napadaan? Baka kung mapano ka ka na-Damn!" sinuklay niya ang buhok niya habang pinapakalma parin ang sarili niya. How I miss his gestures.








"Eles." napapikit ako ng tinawag niya ako ng ganun. Naalala ko na sobra akong naiinis kase kinuha niya yun sa second name ko na 'Celeste'. I used to hate that name pero now, how I wish na madinig ko lagi yun.







Ang taong kaharap ko ngayon ang minahal ko ng sobra pero pinili kong iwan siya.






"I have to go." tumalikod na ako sa kanya at paalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.





"Bitawan mo ako, Gael." hindi ko akalain na sa nagdaang taon ay kaya ko palang umiyak. Parang bumalik ang lahat ng sakit ng nakaraan. Limang taon ko na siyang hindi nakikita simula nung nakipagbreak ako sa kanya.







"I know the truth kung bakit ka nakipaghiwalay." hinarap niya ako at pinahid niya mga luhang pumapatak sa mata ko. "Nakipaghiwalay ka dahil may gusto sa akin si Ella? Ganun ba kadali na iwan ako para sa bestfriend mo?! Ikaw yung gusto ko, hindi siya!"







"-J-ust, let me go." nanghihina kong sabi.






"Hindi mo na ba ako mahal?" napapikit ako sa sinabi niya. I always loved you, Gael.








"H-indi..." kitang kita ko ang sakit sa mata niya.






"Hindi pa ba sapat ang limang taong pagpapahirap mo sa akin?" hindi mo lang alam, Gael. Hindi mo lang alam.






"T-umigil ka na, Gael." pumiyok na ako sa pagkasabi nun.






"No! I won't stop..I want you back! P-lease...Eles." hindi ko siya tinignan sa mata kase kapag nagtama yung mata namin ay mas lalo akong mahihirapan. Ayaw ko siyang makita ng ganito.






"-kailangan ko ng umalis." pinilit kong tatagan ang pagkasabi ko pero ang totoo ay sobrang sakit na. Bawat salita niya ay para bang hinahaplos ang puso ko.






Akmang aalis na ako ng bigla niya akong niyakap. Sinubukan kong magpumiglas pero mas malakas siya sa akin.






Natigilan kami ng may humawak sa kamay ko at hinila niya ako papunta sa kanya. Si Joshua. Pero agad din akong nahawakan ni Gael sa kabilang kamay ko.






"Ano bang problema mo!" sigaw ni Joshua.







"My problem? -You! Ano ka ba niya at ganyan ka makareact? Don't tell me, Angel boyfriend mo 'to?" inalis niya na ang pagkahawak sa kamay ko.







"J-oshua....t-ara na." galit siya nung tinignan ko siya. Pilit ko siyang pinapakalma pero gusto niya pang balikan si Gael. "Please, Joshua. Tama na." natigilan naman siya.






"Nasaktan ka ba? Binastos ka ba ng lalakeng yan?!" nag-alalang tanong ni Joshua.








"So, boyfriend mo nga. " hindi ko na siya tinignan at nanatiling nakatalikod habang hawak ni Joshua ang magkabilang balikat ko.








"T-ara na, Joshua."









'I'm sorry, Gael. I'm sorry.'












-

©2020 Yela_gels

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon