Chapter 24

44 6 7
                                    

Aapak ko na sanang tuluyan ang paa ko sa sahig ng may maapakan akong mattigas na bagay.







"A-ray! Putcha!" nanlaki ang mata ko na makita si Sky na nakahiga sa sahig.






"Anong ginagawa mo kase diyan?!"






"Siyempre, natutulog. Ano pa ba?!" padabog siyang bumangon at tumabi sa akin.








"Bakit kase dun ka natulog?"








"Alangan naman tumabi ako sa'yo hindi naman tayo kasya dito." barumbadong sagot niya.







"Edi sana pumunta ka nalang sa kwarto mo." giit ko naman sa kanya.








"Paano ako makakapunta? Eh—hawak mo ang kamay ko?" napaawang ang labi ko sa sinabi niya, ngumisi pa siya sa akin at tinaasan niya pa ako ng kilay.








"A-no?!"







"Nanaginip ka kaya, pinapanaginipan mo ako no? Shet, Anghel baka pinagnanasaan—" agad kong piningot ang tainga niya kaya napatigil siya sa pagsasalita.







"Aray—ansaket! tama na, Angel!"








"Ang bastos ng bunganga mo!"








"Paano mo nalaman? Nakita mo bang sumilip ang bunganga ko—Aray, tangina naman giliw oh!" lalo kong hinigpitan ang pagkapihit ng kamay ko sa tainga niya.









Napaayos kami ng upo dahil biglang bumukas ng pinto at pumasok si Lizzle. Umarte kami ng walang nangyari.









Nakangisi sa amin si Faye na kanina pa pala gising!









"Mommy!" humalik siya sa kanyang ina at kinarga siya ni Lizzle. Napatingin siya sa amin at napakunot ang kanyang noo.








"Dito kayo natulog?" tanong niya.







"Nakatulog pala kami dito, hindi ko na namalayan." sagot ko pero nangangahulugang tumingin si Lizzle sa amin. Namilog ang mata ko.






"Wala kaming ginawa!" pagdedepensa ko agad.







"Lizzle! Wag kang maniwala sa Anghel na yan! May ginawa siya sa'kin, pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko!" napatingin ako ng masama kay Sky na naka-crossed ang dalawang braso niya sa dibdib niya. Siniko ko naman siya.







"Yung puri't dangal ko, kinuha niya ng walang pag-aalinlangan!"







"Sky!" inis kong sabi sa kanya. Kung anu-ano kase ang pinagsasabi, mamaya maniwala pa si Lizzle sa walang kabuluhang sinasabi ni Sky.







"May milagro ba na nangyari dito?" sabi ni Lizzle. My jaw dropped, umiling agad ako. Sasagot na sana ako ng tumawa siya. "Biro lang. Tara, samahan niyo na kaming magbreakfast."








"Mommy, ano pong pinagsasabi niyo nina kuya sky?" inosenteng tanong ni Faye. Pinisil lang ni Lizzle ang tungkian ng ilong ng bata at ngumiti.










"Let's go?" yaya niya sa amin.







Hinampas ko muna sa braso si Sky bago tumayo at sumunod kayna Lizzle.









The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon