Chapter 7

115 50 5
                                    

"Ako si blossom!" sigaw ko kay Cha. Pilit niya kaseng inaako na siya daw si blossom.






"Ako!" irita ko siyang tinignan.







"Magpasalamat ka, masakit ang likod ko kundi nakurot na kita."










"Tumigil na nga kayo, para kayong mga bata." sabi ni Savi at inirapan niya kami habang umiinom ng beer.









"Manahimik ka buttercup!" sabay naming sabi ni Cha. Napatawa nalang kaming dalawa.








I don't expect this suddden friendship. I already fond with them.







And I'm scared na mawala bigla ito.








Ilang oras palang kami magkakasama pero parang antagal ko na silang kilala.







Hinayaan ko ang sarili ko na lumabas. Yung totoong ako.








Gawa na siguro ng alak kaya nalalabas ko yung sarili ko. Pinilit nila kase ako, ito daw yung gamot sa lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Baka nga.








"Hehez—you're my bestfriend now!" sabay yakap sa'kin ni Cha. Wala pa naman tama sa akin yung alak pero itong isang 'to, mukhang may tama na.








"Sige na nga, ikaw na si blossom. Ako na si bubbles, cute ko kase." napailing nalang kami sa kanya.









"Sugar, spice, and everything nice
These were the ingredients chosen
To create the perfect little girls..." tumawa pa si Cha habang binabanggit niya yun. Napahawak siya sa kanyang noo na para bang' nag-iisip. "Ugh! Hindi ko na maalala!"








"But Professor Utonium accidentally
Added an extra ingredients to the concoction—Chemical X!" dugtong ko sabi sa kanya. Napaawang ang bibig niya at manghang mangha siyang nakatingin sa akin.







"—Ah! Naalala ko na! Dapat sabay sabay tayo dun sa huling part!" masayang sabi niya.







"Thus, The Powerpuff Girls were born
Using their ultra-super powers
Blossom, Bubbles, and Buttercup
Have dedicated their lives to fighting crime. And the forces of evil!" napatawa kaming tatlo dahil nagsabay-sabay kami.









Matapos 'nun, bagsak si bubbles. Tulog.








"Dapat hindi mo tinakbuhan ang problema, dapat hinaharap mo." I just shrugged. Nagbukas pa si Savi ng isang beer at ininom ito.









"It's the best what I can do." umiling iling siya akin.








"Base sa kwento mo, mahal na mahal ka ni Gael." napatingala nalang ako.







"Alam ko, pero hindi pwede..." mariin niya akong tinignan.








"Bakit? Kase sa bestfriend mo? Hindi naman mali yung ginawa mong mahalin si Gael pero ang mali yung nilihim mo sa bestfriend mo." kumuha ako ng isang beer at mabilis na nilagok ito.








"Hindi lang naman kase yung rason."






"Eh ano?" tanong niya. Matagal niya akong tinignan kase hindi umimik. Tanging pag-inom lang ginawa ko.









The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon