Chapter 10

108 45 5
                                    

Nakailang katok ako sa pinto pero walang bumubukas. Muntik ko ng makatok si Joshua dahil sa biglaang bukas nito.




Pero agad akong tumalikod ng makita ko na nakaboxer lang siya.




"M-agdamit ka nga!"





"Pasok ka na. Punta lang ako kwarto." inirapan ko siya kase nakangisi pa ang loko.





Pumunta na ako sa kitchen pero nanlumo ako ng makita na walang laman ang ref niya. Ano ba ang aasahan ko kay Joshua?





Hinintay ko siya sa may sala dahil naliligo pa raw siya. Kailangan pa namin mag grocery pero ang tagal niya!






Tinalo niya pa ako halos isang oras na akong nag-iintay sa kanya.






Patayo na sana ako para katukin siya ng bumukas ang pinto. Nakasuot lang siya ng black na cargo shorts at white na v-neck shirt.







Pumunta kami sa carpark at sumakay sa kotse niya.






Mabilis lang kami nag grocery para sa pagkain niya hanggang mamaya. Dadating kase yung mommy niya bukas para bisitahin siya, sila nalang daw ang maggrogrocery.





Kumain muna kami sa Mcdo kase hindi pa kami nakakapag breakfast parehas.







"Angel." napatingin naman ako pero huli na ng makaiwas ako. Pinicturan ako ni Joshua. Hawak ko yung fries at sa tingin ko ay mukhang nagulat ako sa picture.






"Patingin." pero inismiran niya lang ako.






"No. Kumain ka na." kinurot ko naman siya sa bandang braso at inapakan ko yung paa niya sa ilalim ng table.






"Aray ko naman Angel! Ang sadista mo!" hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ng fries.






Naisipan ko naman bigla na mag ig muna at hindi nga ako nagkamali, nasa story ni Joshua yung picture ko na may hawak na fries at para akong bata na pinicturan ng magulang. Talagang minention pa ako.






"Joshua!" inis kong sabi niya pero kinuha niya yung phone ko, inagaw ko pero tumayo siya kaya hindi ko na nakuha.






Binalik niya ito na nakangising aso. Ni-repost niya sa story ko!






"Wag mong idelete yan, magtatampo talaga ako." hindi ko nalang siya pinansin at marahas kong sinubo yung burger pero agad kong tinigil ng masamid ako. Binigyan naman ako aga ni Joshua ng tubig.






"Hinay hinay lang kase. Akala mo naman mauubusan ng pagkain." sinamaan ko siya ng tingin.





"Kasalanan mo eh."





"At ako pa? Matakaw ka lang talaga."












"Sama ka?" kumunot naman ang noo ko habang iniintay namin bumukas ang elevator.





"Saan?"




"Maglubid ng utot." sinamaan ko siya ng tingin at agad na pumasok sa elevator.



"Try mo nga, update mo ako kapag nalubid mo." napahawak ako sa aking noo ng pitikin niya yun.





"Aray!" hinampas ko siya ng malakas habang hinimas himas ang noo ko.






Pagdating namin sa unit niya ay agad ko naman hinanda yung lulutuin ko sa lunch. Magluluto lang ako ng tinola tutal yun naman ang paborito niya.





Samantalang siya ay nanonood lang ng netflix, hindi ko talaga lubos maisip na nanonood siya Love alarm. Andun daw yung crush niya na si Kim so hyun tapos magrereklamo na nagseselos siya. Baliw talaga.





"Alam mo ba na unang napanood ko si Kim so hyun sa Missing You."





"Hindi ko alam." napalingon tuloy siya sa akin.





"Share ko lang naman. Panira ka talaga ng kwento, Angel." tumayo siya para pumunta dito at kumuha ng dalawang pinggan pati na rin ang kutsara at tinidor.






"Tikman mo nga." kumuha ako ng kunting sabaw gamit ang kutsara habang hinihipan ito.





Lumapit siya sa akin at tinikman 'yun.





"Ang sarap! The best ka talaga, Angel!"




Tahimik kaming kumakain. Hindi man lang siya nagsalita at patuloy lang siyang kumakain. Patay gutom talaga.




"Pwede ka na magtayo ng restaurant, Angel. Grabe ang sarap ng luto mo!" biglang sabi niya.





"Ang O.A mo." sagot ko.




"Seryoso nga! Kung ayaw mo mag karinderya ka nalang 'tas ang pangalan ng karinderya mo ay Tinola's Angel." pinagsingkitan ko siya ng mata.






"Tinola lang ang meron sa karinderya?"





"Oo!" parang bata niyang sabi. Hindi ko talaga aakalain na ganito si Joshua. Isip bata. 'tss'. Bagay sila ni Cha.





"Sayang lang ang puhunan ko 'dun kung ganun."





Pagkabalik ko ng apartment ay agad ko napansin ang dalawang babaeng nakatayo sa may gate. Nung lumapit ako ay agad ko na namukhaan. Anong ginagawa nila dito?






"Angel!" sinalubong ako ni Cha ng yakap. "I miss you!"





"Ginagawa niyo dito?"





"Aray ko naman! Wala man lang 'I miss you too'. Hindi mo ba kami gustong makita?" umaarte pa siya na parang naluluha.






"Hindi naman sa ganun, nagulat lang ako na nandito kayo."





"Yung fiance niya nalaman na sa bahay ko siya nagtatago. Tangina, nadamay pa ako." sabi ni Savi na masamang nakatingin kay Cha.





"Sorry na kase, hahayaan mo ba ako na matali na ganun ganun lang?"





"Whatever."she rolled her eyes at sinipa yung batong malapit sa paa niya.





"Dito kayo titira?" gulat kong sabi.





"Obvious naman diba?" sagot ni Cha.





I sighed. Wala na din naman akong magagawa.











©2020 Yela_gels

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon