Chapter 13

99 39 5
                                    

Nakangiti akong kumaway sa kanya. Naghihimayaw ang puso ko sa sobrang saya.


"Hoy!" napatalon naman ako sa sobrang gulat. "Anong nginiti ngiti mo diyan?" napatingin naman ako ng masama kay Cha.


"Wala." sagot ko at dumiretso na sa apartment.


"Sus! Wala daw! Eh sino yung kinakawayan mo?" hindi pa siya nakutento at kinurot pa ako sa tagiliran. "Boyfriend mo, no?" nakangising sabi niya.


Hindi ko na siya sinagot at nagtungo sa kwarto para magpalit.


Hindi ko maiwasan mapangiti ulit nang maalala ko yung nangyari kanina.


Binagsak ko yung sarili ko sa kama. Binuksan ko yung instagram ko at sinearch si Gael.




I followed him again. Nilagay ko yung cellphone ko sa may gilid ko.



Wala naman sigurong mali kung piliin ko maging masaya, diba?



Kinuha kong muli yung cellphone ko at napangiti ng makitang inaccept niya yun. Mas lalo pang napalawak ang ngiti ko ng makita ko na hindi niya ako inunfollow.


GabrielDeCastro: so, we're back together?


Hindi ko na inalis yung ngiti ko.


FallenAngel: hmmm :)


GabrielDeCastro: hmm.. Tayo na ulit? :)


FallenAngel: pwedeng magpakipot muna?


GabrielDeCastro: hindi pa ba sapat ang five years? Ang tagal mo nang nagpapakipot.:(


FallenAngel: Wag ka na sad. Love uuu loslos


GabrielDeCastro: Namiss mo akong tawagin ng ganyan no? But you should stop it to call me 'loslos' baka mapagkamalan nila na may ganun ako. Mas love kita, tanga.



Napatawa ako ng mabasa ko yun.



FallenAngel: ikaw parin pinakaselosong nakilala ko, loslos.




GabrielDeCastro: may naalala ako.



FallenAngel: Ano?


GabrielDeCastro: Boss mo pala yung pinsan ko?



FallenAngel: Pinsan mo si Sir Zach?!



Nabagsak ko tuloy yung cellphone sa mukha ko sa sobrang gulat.



GabrielDeCastro: Sa kasamaang palad pinsan ko yung mokong na yun.



FallenAngel: Oh?


GabrielDeCastro: Anong oh? Titig na titig ka sa kanya tapos hindi mo man lang ako napansin? Tas tinakbuhan mo pa ako.



FallenAngel: Sorry na kase, nagseselos ka na naman loslos ko.



GabrielDeCastro: Sino bang hindi magseselos? Ako dapat ang nagbigay ng coat sayo pero wala lang ako coat!



FallenAngel: Kasalanan ko yun? Ang hina mong umaksyon, tanga. Buti pa si Sir Zach, kahit nakakatakot siya.


GabrielDeCastro: Psh, nakatalikod ako kaya hindi ko nakita. Kung nakita ko agad yun, nasuntok ko na yung lalakeng gago na nakabangga sayo.



The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon