Chapter 30

94 4 1
                                    

Third person's POV



Parang lantang gulay na pumasok si Caitlyn sa ospital. Pilit man, ay sinikap niyang tanungin ang doctor sa kalagayan ng kanyang ina. Natatakot siya na baka mas lalong lumala ang sakit sa puso nito.






"Tatapatin na kita, masyadong mahina na ang puso niya at ang tanging paraan lang ay heart transplant." umusbong ang kaba niya.







Mahirap maghanap ng donor, lalong lalo na sa sitwasyon ng kanyang ina. Bagsak balikat siyang tumungo sa ICU kung saan nandun ang kanyang ina. Hindi niya maiwasang maawa sa kalagayan nito at mas lalong sinisi ang kanyang nakakatandang kapatid dahil sa kinahitnan ng kanilang ina.






Hinawakan niya ang kamay nito habang umaalpas ang mga luha sa kanyang mata.








"M-ama..." mahina niyang tawag. Ngumiti ang kanyang ina ng makita siya.







"O-kay lang ako, Anak. Wag mo akong alalahanin..."








"A-nak..." muling tawag sa kanya. "Gusto kong makita si Angel.."






Natigilan naman si Caitlyn sa sinabi ng kanyang ina at nagpahid ng kanyang mga luha.








"Si ate parin ba ang iniisip mo hanggang ngayon? Ma, wala siyang pakialam sa'tin...sayo! Kung gusto niya tayo makita edi sana nandito siya." umalis siya sa tabi ng kaniyang ina at inayos ang dala niyang gamit.









"Pero anak—"








"Mama naman! Paano niyo naaatim na makita pa si ate! Siya ang puno't dulo nito kaya ka nasa kalagayan na ganyan!" hindi niya maiwasang magtaas ng boses. Naiinis siya tuwing nababanggit ng kanyang ina ang nakakatandang kapatid sapagka't pakiramdam niya ay kahit siya ang nasa tabi nito, ang ate niya parin ang laging inaalala nito.








Biglang pumasok ang doctor kaya napalingon siya rito.







"I have a good news! May donor na para sa heart transplant ni Mrs. Ferrer." napangiti siya ng marinig yun kahit nagtataka siya na bakit ganun kabilis pero isinantabi niya ang pagtataka kase ang mahalaga sa kanya, may donor na para sa operasyon na gaganapin.








Napayakap siya sa kanyang ina.







"Doc, gusto kong magpasalamat sa nagbigay ng donor para sa heart transplant ko. Pwede ko bang malaman kung sino ang nag donor?" naiiyak na sabi ng kanyang ina.







"I'm sorry pero, confidential ang info namin sa pasyente." nagpaalam na ito sa kanila at hindi masidlan ng tuwa ang mag-ina.






Lumabas si Caitlyn sa ICU pero napakunot siya ng makilala ang lalakeng nakaupo sa gilid nang hallway ng hospital.






"Kuya Gael?" bungad niya rito. Napatingin ito sa kanya na may namumugtong mata.





"C-aitlyn..." mahina nitong sabi.







"Kuya, what's wrong? Bakit ka umiiyak?" tumabi siya sa tabi nito at binigyan niya ng panyo pero tumanggi ito.





"Hindi mo ba alam?"napakunot siya sa sinabi nito.





"Ang alin, Kuya Gael?" napatingala ito at pinipigilan na hindi maiyak.







"...W-ala na si Angel, Caitlyn. Wala na ang ate mo."







Tulala siya at hindi parin rumihestro ang sinabi sa kanya ni Gael. Hindi siya makapaniwala na may sakit rin pala ito. Sinisisi niya ito dahil siya ang dahilan kung bakit nagkasakit ang kanilang ina pero siya din ang dahilan kaya nadugtungan ang buhay nito.





Napahagulgol siya. Hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa kanyang ina.







Naging maayos ang operasyon at nang
matapos ang sinagawang operasyon ay matamis na ngiti ang binigay sa kanya ng kaniyang ina. Pinipigilan niyang hindi maiyak pero taksil ang mga luha niya. Nanlambot ang kanyang tuhod at napaluhod sa harap ng kanyang ina.






"Bakit ka umiiyak, anak? Okay na ako, oh." sabi nito at tumawa pa ng marahan.






Niyakap niya ito. Pinili niyang hindi muna sabihin sa kanyang ina ang nalaman niya dahil baka magkaroon ng komplikasyon sa operasyon nito pero ngayon ay nahihirapan siyang sabihin ang tungkol dito.





"Alam mo ba anak, ang gaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko, nandito sa tabi ko ang ate mo." napahagulgol siya lalo sa sinabi ng kanyang ina. Hindi niya masabi na ang tumitibok na puso sa kanyang ina ay sa kaniyang kapatid.






Naalala niya nung bata pa sila. Hindi mapaghiwalay at malapit sa isa't isa. Tanda niya kung paano siya ipagtanggol ng kanyang ate kapag may umaaway sa kanya, lagi siyang pinoprotektahan nito. Kapag may sakit siya, daig pa ang kanilang ina sa pag-aalaga.






Pero siya'y walang nagawa nung nahihirapan ito dahil sa sakit niya. Dinanas niya ang sakit niya na walang pamilya sa tabi niya. Habang siya ay sinisisi pa ang kapatid nung minsang tumawag ito. Yun pala, mas mahirap ang pinagdaanan nito.






"Caitlyn para ka namang namatayan! Ito na ako oh, buhay na buhay!" biro ng kanyang ina. Gusto niya maging masaya siya dahil buhay ang kanyang ina pero hindi niya magawa dahil ang kapalit nito ay ang pagkawala ng kapatid niya.






"M-ama... W-ala na si—ate." nahihirapan niyang sabi. Hindi mapinta ang mukha ng kaniyang ina sa sinabi niya at hinawakan ang kamay niya.





"C-aitlyn, ano bang sinasabi mo d-iyan? Umalis? Nag out of the country?" napayuko siya at hinigpitan ang kapit niya sa kamay ng kaniyang ina.





"P-atay na si ate, Ma." natulala ito sa kanya at napaawang ang labi.





"M-asamang biro yan, Caitlyn. Itigil mo y-an."





"S-ana nga nagbibiro ako ma, pero hindi eh..."







"...M-atagal na palang may nililihim na sakit si Ate, Ma."









"And she gave her heart to you so that you can live.."
















©2020 Yela_gels

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon