Chapter 6

137 54 5
                                    

"W-hy? Why are you doing this to me?!" sigaw ko. Bigla niyang tinigil ang sasakyan at muli niya akong tinignan.







"I love you, Angel. I love you. Please...bumalik ka na sa akin." humaplos ang bawat salita niya sa puso ko.








"How can you say that?" napakunot naman siya sa sinabi ko.








"Say what?"









"Paano si Ella? Kasama mo siya kanina." nadinig ko siyang huminga ng malalim.









"Si mama ang may gustong kasama ko siya, not me." ninang ni Ella ang mama ni Gael na si Tita Abelle at bata palang sila nirereto na sila sa isa't isa. Nung naging kami ni Gael ay maganda naman ang pakikitungo sa akin ni Tita Abelle. Mabilis ko nga naging kasundo si tita.









Napapikit ako nung naisip ko yun.









"Tumigil ka na Gael, please lang." nanatili akong nakapikit habang sinasabi yun. Ramdam ko ang pagtitig niya.







"Hindi ako naniniwala na hindi mo na ako mahal, Angel." hinawakan niya ang kamay ko. "Angel..."








"H-indi na nga kita mahal, Gael! May m-ahal na akong iba! " inalis ang pagakatanggal ng kamay niya at mabilis akong umalis sa sasakyan.








"Angel!" sigaw niya pero mas binilisan ko pa ang paglakad ko hanggang sa naging takbo na.









Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang umaalpas sa aking mga mata. Kahit na nakaheels ako ay hindi ko ininda ang sakit dahil mas nangingibabaw ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.








Hindi ko na napansin ang patakbong pusang itim sa direksyon ko dahil na din sa madilim at walang masyadong street lights sa kalsada. Hindi ko inaasahang madulas ako at natumba.










Nagpagulong gulong ako hanggang mabunggo ako sa isang matigas na bagay. Napadaing nalang ako sa sakit sa pagtama ng likod ko. Pilit kong bumangon pero bumibigay agad ang katawan ko.








Umusbong ang kaba ko ng makarinig ng kaluskos. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakita kung nasaan ako. Masyadong madaming puno. Wait... Baka nasa gubat ako?!










"Bakit ka pa kase naglayas Chandria! Peste naman oh, dagdag palamunin ka lang sa bahay!" kung hindi ako nagkakamali ay boses ng babae 'yun.








"Bestfriend ba talaga kita? Akala mo naman may labing pito kang anak, eh ikaw lang naman mag-isa sa bahay mo!"










"Help!" sigaw ko pero parang wala silang nadinig.









"Magpakasal ka na kase dun sa kanong yun para tapos yung problema!" pilit kong gumawa ng ingay para madinig nila at muli akong sumigaw.









"Tulong! Please! Tulungan niyo ako!" wala na akong nadinig na boses. Mukhang nakaalis na sila.









"N-adinig mo ba yun?" nabuhayan ako ng loob. Nandito pa sila!









"M-ukhang may multo pa ata d-ito." napabuntong hininga nalang ako.







"Wag kayong mag-alala hindi ako multo. Kailangan ko lang ng tulong niyo." napunta sa iba't ibang direksyon ang ilaw ng flashlight.







"N-asaan ka?" kinakabahan parin niyang tanong.








"Nasa kaliwa niyo ako." nasilaw ako ng biglang pagtutok ng flashlight. Lumapit sila sa akin.







Ng makalapit sila ay bigla naman napasigaw yung isa.










"M-ulto nga, Savi!" sigaw nito. What the? Buong buhay ko ngayon lang ako nasabihan na mukhang multo. Damn this makeup!










"Hindi ng ako multo. Pwede niyo ba akong tulungan sa pagtayo?" mukhang nag-alinlangan pa sila na tulungan ako pero sa huli ay tinulungan nila ako.








Inalalayan nila akong tumayo. Napadaing nalang ako sa sakit.










"Akala namin multo ka." sambit nung isa. It must be Chandria.









"Multo nga." bigla naman nila akong binitawan. Akala ba nila totoo yung sinabi ko?! Shit, ang sakit.








"I'm just joking!" hinawakan ko ang pwetan ko sa pagtama nito. Agad nila naman akong inalalayan ulit.









"Ikaw naman kase, Miss! Wag ka kaseng magbiro ng ganun." may pagtapik pa niyang sabi.










"Pasensya ka na, Miss. Usap-usapan kase na may nagpapakita talagang babaeng nakaitim dito." natigilan naman ako sa sinabi niya pero agad kong inalis sa isip ko yun. Ayaw kong takutin ang sarili ko sa lagay kong ito.








Pansin ko ay mabilis kaming naglalakad kaya nakakaladkad na nila ako. Ngayon ko lang napansin na wala na ang isang pares ng heels ko. Kaya pala paika-ika akong maglakad. Ang tanga tanga ko ata ngayon.









"Kailangan nating bilisan miss, dito mismo nagpapakita ang babaeng nakaitim." pagkasabi niyang yun ay inalis ko na din yung isang pares sa paa ko.








"L-et's go."










Nakadating na kami sa bahay ni Savi. Hindi ko akalain na sobrang laki nito. Akala ko kase kanina ay pangkaraniwan lang silang tao.








Nakwento ko na sa kanila ang nangyari sa akin kanina mula sa pagtakas sa akin ni Gael. Hindi naman ako palakwentong tao pero nagulat nalang ako ng masabi ko sa kanila yun. Siguro'y naging kompartable ako dahil sa ugali nila.







Nakwento din nila kung bakit sila nandun kanina. Shorcut pala yun para mabilis silang makapunta sa bahay ni Savi. Tumakas si Chandria sa kanila dahil sa dadating na linggo na dapat ang kasal niya sa anak ng kasyosyo sa kompanya ng magulang niya. Purong amerikano kaya ayaw niya dun at ayaw niya pa daw magpatali kase may madami pa siyang gustong gawin.







"Saviana! Pakiabot nga ng chips!" sigaw ni Chandria kahit nasa tabi niya lang si Savi.








"Wag ka feeling prinsesa diyan. Tumayo ka at kunin mo." inis na sabi sa kanya ni Savi. Napatingin ako sa mga chips na nasa table at malapit lang sa akin 'to. Kaya tumayo ako para kunin yun.







"Here, Chandria." kumislap ang mata niyang tumingin sa akin at kinuha ito.









"Thank you, Angel! Pero call me Cha nalang, masyadong mahaba ang Chandria eh." nanonood siya ngayon ng powerpuff girls. Isip bata.








"Angel." napalingon ulit ako kay Cha."Simula ngayon bestfriend ka na namin hah." natigilan ako sa sinabi niya.








"Ayaw mo ba?" nakapout pa siya nung sinabi niyang yun. Ito ba yung magpapakasal? Tama lang na umurong siya, papasakitan niya lang nag ulo ng asawa niya.









Nginitian ko siya at tumingin kay Savi. Tumango ito.








"Sige. Bestfriends."












©2020 Yela_gels

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon