Chapter 26

61 6 6
                                    

It's been two weeks since Faye passed away...







She died on my birthday.







Hindi ko alam kung paano ko nasasabay ang pagluluksa at pagsasailalim ng mga gamutan. Pero pinilit kong kayanin kahit mahirap.







Bibisitahin ko sana si Sky sa kwarto niya, alam ko na mas doble ang nararamdaman niyang lungkot sa pagkawala ni Faye dahil mas matagal silang nagkasama at napalapit na sa kanya ng sobra ang bata pero wala siya sa kwarto niya.









May pumasok na nurse kaya agad kong tinanong kung nasaan si Sky pero hindi daw niya alam.








Biglang may tumunog kaya hinanap ko ng tingin kung saan nanggagaling yun.








Pumunta ako sa kama at kinapa ang comforter. Inalis ko ang pagkalatag 'nun at kinuha ang cellphone.








Jasper is calling....








Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko' yun pero pinili kong sagutin ang tawag pero namatay naman bigla ito.









Napakunot ako dahil sa mga messages niya. Wala siyang double lock screen kaya nabuksan ko 'yun.








From: Jasper

Bro, birthday ko na. Baka pwede namang lumabas ka muna diyan kahit ngayon lang. Career na career masyado.





To: Jasper

Gago. Saan ba?





From: Jasper

Sa dati parin, Royal. Kapag hindi ko nakita ang mukha mo dito, susugudin talaga kita.









Itinigil ko na ang pagbasa ko at nagmadaling bumalik sa kwarto para magbihis.








Ano bang pumasok sa isip ni Sky?! Paano kong may maramdaman siya at hindi naagapan yun?!










Hindi ko inaasahan sa pagdating ko sa lugar. Night club ang pinuntahan niya?!










Hindi ako nag-atumaling pumasok at sinubukan kong tawagan 'yung Jasper pero hindi ito sumasagot. Aligaga ako sa kakahanap sa kanya at hindi inalintana ang dami ng tao kahit pakiramdam ko ay masu-suffocate ako dito.










Nabuhayan ako ng loob ng matanaw ko si Sky sa hindi kalayuan. Lumapit ako pero natigilan ako sa narinig ko.









"Kailan mo tatapusin yung pagpapanggap mo?" tanong ng lalake habang nakatingin kay Sky.









"Hanggang sa gumaling siya." sabi niya at lumagok ng hawak niyang alak.








"Sino? Para kang gago niyan, Sky. Magaling ka na pero naka-confine ka  parin sa hospital kapag talaga ikaw natuluyan hindi kita iiyakan." napahawak ako sa bibig ko sa narinig ko. All this time, n-agpapanggap lang siya?








"Hey." napatingin ako sa lalakeng kaharap ko. "Are you alone, Miss?" bigla akong kinabahan kaya  humakbang palayo sa kanya.







Umusbong ang takot ko ng hawakan niya ang baiwang ko at nilapit ako sa kanya. Mabilis ko yun inalis at sinampal siya.








The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon