Chapter 9

100 48 4
                                    

Pilit kong inaalala kung saan, kailan o paano ito nangyari!







Pero wala! Hindi ko maalala na ifofollow ko yung boss ko! Takot na nga ako nung hindi ko pa siya nakikita. Ewan ko ba, sa isang taong pagtratrabaho sa kompanya niya ay ngayon ko lang siya nakita! Mailap siya sa tao kaya never ko pa siyang nakita noon.







Kinuha kong muli ang phone ko at halos mabitawan ko ito ng biglang may nagmessage.







FelixJoshua: Sinong monster ang humahabol sayo kanina?







Naalala ko yung sinabi ko sa kanya kanina.







FallenAngel: My boss.







Ilang linggo na ang lumipas at naging close kami ni Joshua. Lagi niya akong pinagluluto sa condo niya ng malaman niya na marunong ako magluto. Ginawa pa akong katulong. Kesyo puro daw fast food o instant noodles ang kinakain niya at gusto niya naman daw makatikim ng lutong bahay. Nung una naaawa pa ako sa kanya nung sinabi niya yun but now, hindi na. Araw araw ba niya akong pinapunta sa condo niya para magluto.







FelixJoshua: Your boss?






FallenAngel: Oo nga, kulit paulit ulit?





FelixJoshua: Hahahaha bakit naman?





FallenAngel: Wala, katakot lang.







Bigla ulit may nag notif sa akin. Speaking of my boss, nagmessage siya sa akin!







Zacharyhrndz: I'm sorry to act like that, Celeste. You look so familiar with her kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong tignan ka.







Ilang minuto akong nakakatitig dun. Did he just call me Celeste?







Zacharyhrndz: I won't bother you anymore. So, pls stop running away from me.








Hindi ko alam ang irereply ko. Nakokonsensya tuloy ako.








Sa huli ay napagdesisyunan ko nang replyan.







FallenAngel: Okay, sir. Sorry din po kanina.







Seen.








Siya itong nag message tapos siya pa ang may ganang mang seen.







Binuksan ko yung message ni Joshua.





FelixJoshua: u still there?




FelixJoshua: Hoy!





FelixJoshua: Angel...






FelixJoshua: i miss you.






FelixJoshua: —your food.






Napatawa nalang ako sa mga message niya.






FallenAngel: Punta ako diyan sa Sunday. Ipapagluto kita.





FelixJoshua: Yey! Ang cute mo talaga! Pero mas cute yung username mo.






FallenAngel: - __-






FelixJoshua: I think I'm fallen' for u, Angel.







FallenAngel: Corny mo, benta mo nalang yan sa kanto ipagbili mo ng piso.








FelixJoshua: HAHAHAHAHA! Sakit mo sa panga, Angel!







FallenAngel: Bye na! Matutulog na ako. Goodnight.






FelixJoshua: Goodnight, Angel. See you in my dreams.










--


Maaga akong pumasok ngayon. Takot ko lang malate, baka madaming mangyari.





"Ang aga mo yata ngayon." napalingon naman ako kay Elena na may hawak na kape. Tanging dalawa palang kami na nandito. 6:30 palang at hindi na ako nagtataka kay Elena dahil lagi naman siyang maaga.






"Maaga akong nagising kanina." pasisinungaling ko.






"Feeling ko may gusto sayo si Sir! Na-love at first sight ata sayo." napaubo nalang ako sa sinabi ni Elena.







"Anong pinagsasabi mo diyan?"







"G-ood morning, sir!" halos manigas ako sa kinatayuan ko ng madinig ko yun.







"Anyare sayo?" napalingon naman ako sa likuran namin. Wala na pala siya.
"Sungit talaga ni sir, hindi man lang ako pinansin." dabog siyang umalis at bumalik sa pwesto niya.







I sighed. Inayos ko nalang ang mga gamit ko at nagsimulang magtrabaho.






Mabilis lumipas ang oras. It's already 11:30 AM, malapit na ang lunch.







I stretch my arms at nag celphone muna tutal tapos na ako sa ginagawa ko.






Nag scroll lang ako sa facebook. Nag-appear naman bigla ang mukha ni Joshua kaya natigil ako. Nakikipag vc siya.







"What?" bungad ko sa kanya.






"Bakit ka online?"







"Masama ba? Ikaw, ba't ka online?"






"Masama ba?" inirap ko siya.






"Wala kang magawa no? kaya nambwibwisit ka." tumawa naman. Pawis na pawis siya habang tumakbo sa treadmill. Gymaholic!






"Gusto lang naman kita makita, masama ba?" sasagutin ko na siya ng may nagsalita mula sa likuran ko.








"No cellphone allowed during work hours." nanlamig ako sa nadinig ko. Mabilis kong inend yung video call.








"—I'm s-orry, Sir." pero umalis lang siya na walang sinabi. Napahinga ako ng malalim. Pakiramdam ko nawalan ako ng hininga nung sandaling yun.














©2020 Yela_gels

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon