Epilogue

128 5 2
                                    

Lahat nabigla at nagulat sa biglaang pagkawala ni Angel. Napuno ng iyakan ang loob ng chapel. Mga hinagpis ng mga kaibigan at pamilya. Mga taong nagmamahal sa kanya.

May iilan mga tao sa loob ang napalingon sa lalakeng papasok sa chapel. Nangingitim at pugto ang mata niya. Hawak ang mga liham na galing sa babaeng mahal niya na ngayon ay namayapa na. Kahit ilang araw na ang nakalipas ay hindi parin nito tanggap ang pagkawala nito.

Mas lalong umigting ang pagmamahal niya sa dalaga ng sabihin nito sa kanya na mahal din siya nito.

Ayaw man niyang pumunta ng lamay nito dahil hindi niya tanggap ang pagkawala nito ay pinilit niya ang sarili para tuparin ang binilinin ni Angel sa kanya. Ang ibigay ang mga liham na sinulat niya.

Yung para sa kanya ay hindi niya magawang basahin. Baka masiraan siya ng bait dahil baka mas lalo siyang mangulila sa dalaga. Gusto niya itong basahin kapag okay na siya pero sa tingin niya hindi siya magiging okay.

Hinanap niya ang ina at kapatid ni Angel at nakita niya ito sa unang bahagi ng upuan kung saan walang tigil ito sa paghagulgol habang ang isang anak nito ay marahang hinahaplos ang likod ng kanyang ina kahit na umiiyak ito.

Umupo siya sa tabi ng ina ng kanyang minamahal, napalingon ito sa kanya.

"S-ino ka? K-aibigan ka ba ng a-nak ko?" malat ang boses nito dahil sa araw-araw nitong pag-iyak na lubusang nasasaktan at hindi ikakaila na sinisisi nito ang sarili niya dahil pakiramdam niya ay kinuha niya ang buhay ng sarili niyang anak. Lagi niyang dinadama ang kaniyang puso dahil kahit wala na ang kaniyang anak ay damang dama niya na nasa tabi niya parin 'to.

"Pinabibigay po ni Angel." aniya at inabot ang dalawang liham sa mag-ina.

Nanginginig na inabot ng mag-ina ang liham.

"Kung maaari din po sana na pakibigay nalang po sa mga kaibigan ni Angel." iniwan niya maliit na paper bag at nagpaalam na para umalis.

Pero bago siya makalabas ay nakasalubong niya ang unang lalakeng minahal ng babaeng mahal niya. Kagaya niya ay halatang walang tulog ito dahil sa pangingitim ng ibabang mata at pugto din ang mga mata. Tulala ito papasok kaya hindi siya siguro ito napansin.

Huminga siya ng malalim bago siya tuluyang lumbas.

Dumating ang huling araw ng lamay. Umaalingawngaw ang mga iyakan sa loob ng kapilya. Ang hinagpis ng isang ina na nasa unahan na hindi maituloy ang sasabihin dahil nauunahan ito ng mga hikbi.

"...A-ngel is my first born, s-he was our first angel.."

Nagpahid ito ng kaniyang luha pero hindi tumigil ang pagpatak ng mga luha niya kahit pinipigilan niya 'to.

"Bata palang si Angel hilig na hilig niya nag magpinta, sobrang laking mangarap kaya suportado kami ng daddy niya sa lahat ng gusto niyang gawin...Ng pinagbubuntis ko si Caitlyn ay lubos siyang nanabik na makita niya na ang kapatid niya dahil napag-alaman niya na babae ang magiging kapatid niya dahil sa wakas may kalaro na siya.."

Napahagulgol sa iyak si Caitlyn sa sinabi ng ina niya. Kinakain siya ngayon ng konsensiya niya. Namatay ang ate niya na may galit pa siyang nararamdaman dito.

"...Ang daming achievements ni Angel, lagi siyang nanalo sa kompetisyon na sinasalihan niya kaya nangako siya sa amin na magiging magaling na pintor siya balang araw at titingaliin ng iba dahil sa kanyang mga obra pero hindi niya nagawa yun dahil yung pangarap niyang yun ay nawasak nang nawala ang daddy niya...Walang araw na sinisisi niya ang sarii niya sa pagkawala ng daddy niya at nag-udyok sa kaniya para umalis ng bahay."

"..Hinayaan ko siya dahil akala ko yun ang makakabuti sa kanya pero ilang taon namin siya na nakita kaya nag-alala na ako ng sobra dahil baka napano na ang anak ko, hindi ko naman aakalain na magkakasakit ako."

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon