Chapter 11

93 41 6
                                    

Halos mapanganga ako sa laman ng maleta ni Savi.






"Iniwan mo yung bahay mo pero yung mga alak nadala mo pa?!" irita kong tanong.






"Alangan naman yung bahay ko ang bitbitin ko. Tanga ka ba?" napaawang ako sa sinabi ni Savi.






"Eh kung bitbitin kaya kita sa palabas?" nakakrus yung kamay ko habang nakatingin sa kanya.







"Walang utang na loob. Matapos ka namin tulungan, ganyan nag igaganti mo sa akin?" sumbat niya sa akin. Nagsukatan kami ng tingin pero agad din naputol ng may nag flash.








"Ops! Opsie!" natatawang sabi ni Cha na may hawak na cellphone na nakatutok sa amin.







Nagtinginan ulit kami ni Savi at tumango sa isa't isa.







Tumakbo naman bigla si Cha na para 'bang alam niya yung mangyayari. Hinabol namin siya pero sobrang bilis niya kahit na may kaliitan siya. Sinenyasan ko si Savi na pumunta sa gilid para macorner namin siya.








Para kaming nanghuhuli ng daga. Kainis.








"Huli ka, balbon." tumawa pa si Savi na parang pang kontrabida sa palabas habang nanglilisik ang mata kay Cha. Napatawa nalang ako sa itsura nila.








"Ano bang problema niyo? Masama ba kumuha ng litrato? OA niyo hah." napangiwi nalang ako ng piningot ni Savi yung tainga ni Cha.







"OA hah? Ikaw kaya puno't dulo kaya nagtatago tayo na parang daga."








"Wala ka bang bago diyan? Yan lagi yung binibira mo sa akin."









"Aba—!" pinutol ko na yung sasabihin ni Savi kase lalong hahaba ang away nila kapag hindi pa ako sumingit.








"Itigil niyo na yan. Maaga pa ako bukas."








"Eh paano kami? Saan kami matutulog?" tanong ni Cha. Tinuro ko na lang yung taas at akmang aalis na ng magsalita ulit siya.







"Sa bubong?! Sa bubong mo kami papatulugin?" I chuckled.






"Pwede din." halos hindi mapinta nag itsura nila kaya agad ko din na binawi. "Sa second floor, may kwarto pa dun." dumiretso na ako sa kwarto at nagtungo sa banyo.







Nag half bath lang ako kaya mabilis akong natapos.






Nakapagpalit na ako ng pantulog at humiga na ako.







Pinikit ko yung mata ko at naalala ko na naman yung nangyari nung friday. Bakit kaya magkasama sina Gael at Sir Zach?






Pinilit kong iwaglit yun sa isip ko at nag cellphone nalang ako. I open my Instagram at nakita ko yung post ni Joshua.







Seven pictures in one post. Yung una ay yung tinola na niluto ko kanina kaya pala ayos na ayos yung table kanina, hindi ko napansin yung pag picture niya. I slide the next photo at nagulat ako ng ako yun.






Bumagsak yung phone sa mukha ko kaya napahawak ako sa ilong ko. Damn! Ang sakit!







Stolen shot yun na nagluluto ako. Inislide ko lahat at puro ako ang laman nun. May picture na naghuhugas ako, nung kumakain tas yung last ay yung nakapikit ako habang hinihipan yung sabaw. How did I not notice that?






Yung caption niya 'Wife material' at ang malala ay nagcomment pa sina sofia!





SofiaValera: Sana all wife material @FallenAngel!

Penelope_Maxine: Sana all pinagluluto!

Agathonxj: @Penelope_Maxine tanga! Matuto ka munang magluto para maipagluto mo ako!

Penelope_Maxine: @Agathonxj swerte mo kung ganun!

FrncisLui: Sana all may lovelife!
@FelixJoshua @Agathonxj

KrshnaLee: Sana all may jowa:(

Agathonxj: @FrncisLui gago! Inggit ka lang!

FelixJoshua: Ano 'to groupchat? @FrncisLui sana nga may lovelife.

SofiaValera: Nagpaparinig oh! @FallenAngel






Napahawak nalang ako sa sentido ko habang binabasa ang mga comments. Five hours ago niya pa' to napost.




Penelope_Maxine: @MaiDiaz ay! Namention! My bad, @FrncisLui.

KrshnaLee: HAHAHAHA Hi ate @MaiDiaz

Agathonxj: Ano @FrncisLui? Imik!

SofiaValera: Pasmasdo ang bibig mo Maxine!

FelixJoshua: Guys, paalala ko lang ulit. Hindi 'to chatroom.





Hindi ko binasa yung ibang comments kase puro kalokahan lang nila yun. Nag message ako kay Joshua pero hindi na siya active.






FallenAngel: Hoy! Burahin mo nga yun!






Hindi ko na siya inintay mag reply kase hindi naman siya online.





Paalis na sana ako ng madinig ko ang boses ni Savi. Lumapit ako sa bandang kusina at nandun nga siya, may kausap sa phone.








"Don't you ever contact me again! Asshole!" hindi ko inaasahang humarap siya sa akin at mukhang nagulat din siya.






"K-anina ka pa diyan?" balisang sabi niya. Umiling naman ako.






"Kakadating ko lang." pinili ko nalang na hindi pansinin yung sinabi niya kanina. "May pagkain diyan, kayo nalang bahala sa bahay. Alis na ako."






"Sige, ingat ka."






Dumaan muna ako sa starbucks para bumili ng ice coffee pero napatigil ako sa paglalakad ng makita dun si Sir Zach. Nagtama yung tingin namin pero siya yung unang nag-alis. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ako pero pinili ko nalang na pumasok.






Walang masyadong tao kaya agad kong nakuha yung order ko. Bubuksan ko na sana yung pinto nang mapansin ko sa 'di kalayuan na may padating. Natauhan naman ako kung sino yun. Nagmamadali akong humanap ng mauupuan at kinuha ko yung libro ko sa bag. Tinago ko yung mukha ko gamit ang libro ko at sumilipit ng kunti sa pinto.






Gael was standing there at hindi mapakali yung puso ko. Naipit yung sigaw ko ng makita si Sir Zach na kaharap ko lang pala. Maliit ang distansya namin. Nakakunot siyang nakatingin sa akin pero agad din niyang inalis nung pumunta na si Gael sa pwesto niya.






Kailangan kong umalis.





Dahan dahan akong lumabas habang nakatabon parin yung libro sa mukha ko. Napasigaw ako ng may mabangga ako at nataktak yung ice coffe na hawak ko sa puting longsleeves ko. Nagpanic ako ng sobra dahil bumakat yung black na bra ko. Shit.






"I'm s-orry Miss." dinig kong sabi niya. Hindi ko siya pinansin at pilit pinupanasan ng panyo yung longsleeves ko.







"If you're not going to remove your stare at her. I will remove your eyes." natigil ako sa pagpunas ng madinig ko ang malalim na boses na yun.














©2020 Yela_gels

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon