Chapter 5

149 62 5
                                    

They are happy together. Masaya silang nagtatawanan habang ako? I felt numb. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Galit? Saya? Hindi ko alam sa dalawa.






Ito naman ang gusto ko, ang makita silang magkasama. Pero bakit ang sakit?








"May problema ba, Angel?" tanong sa akin ni Joshua. Iniwas ko agad ang tingin sa kanila.










"Restroom lang ako." sabi ko. Naglakad na ako kahit hindi ko naman alam kung nasaan ang restroom.








Iba parin pala ang sakit kapag yung taong mahal mo at ang bestfriend mo ay sa huli magkatuluyan din pala.








Mabuti nalang ng nakita ko agad yung restroom. Mabilis akong pumasok. At dito ko binuhos ang sakit.








Iniyak ko ang lahat nararamdamang sakit.










"Bakit ba ako umiiyak?! Bakit!" ito yung gusto ko diba...Kaya nga nakipaghiwalay ka sa kanya diba? Para kay Ella...









Na kapag nagkatuluyan sila magiging maayos ang lahat. Magiging okay na kami ni Ella.









Huminga ako ng malalim. Pilit kong pinakalma ang sarili ko.








"You'll be alright." pinahid ko ang mga luha ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Nagkalat na ang make-up ko.










Natigilan lang ako ng biglang may kumatok.









"Angel, are you there?" boses ni Sofia. Hindi ko alam ang gagawin ko. Anong excuse ang sasabihin ko kapag nakita niya akong ganto. Bahala na nga.









Binuksan ko ang pinto at nagulat siya ng makita ang itsura ko.








"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" umiling ako sa kanya at ngumiti.









"Napuwing lang ako, Sofia." tumawa ako kahit alam ko na hindi siya maniniwala.








"Napuwing ba ang ganyan?" hindi ko inaasahan ng bigla niya akong yakapin.







"I know that you distance yourself to us at alam ko na may pinagdadaanan ka na ayaw mong sabihin sa amin pero andito lang kami, Angel. Hindi para husgahan ka kundi ang intindihan ka." hindi ko na napigilan ang sarili ko at mahigpit na niyakap si Sofia. Umiyak ako sa kanya.










Hinayaan niya akong umiyak at wala siyang sinabi, tanging paghaplos sa likod ko ang ginawa niya.








"Thank you, Sofia." inalis ko ang pagkayakap ko sa kanya at pinahid ang mga luha ko.









"Okay ka na?" tumango ako sa kanya.










"Tara na?" sabi ko pero agad siyang umiling.









"Kapag pumunta ka dun mapapagkamalan ka nilang multo gawa sa itsura mo. Ayusin mo muna natin yung make-up mo." napatawa nalang ako sa sinabi niya at marahang tumango.









Pagbalik namin ay nagsasayawan ang mga tao.









"Saan ba kayo nanggaling? Bakit antagal niyo?" tanong ni Krishna.









The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon