Chapter 17

77 28 6
                                    

Akala ko magiging okay na matapos ng operasyon, pero akala ko lang pala yun. Kinakailangan kong sumailalim sa chemotherapy at radiation.





Ubos na ang savings ko dahil sa operasyon. Saan ako kukuha ng malaking halaga para dun?





Napasabunot ako sa aking buhok. Iritable na ako sa kaiisip kung saan ako kukuha ng pera. Sumagi sa isip ko si mama pero agad akong napailing. Matapos ng ilang taon, ngayon ako lalapit sa kanila dahil kailangan ko ng pera?








Pero saan? Hahayaan ko nalang ba ang sarili kong mamatay?







Nawala ang pag-iisip ko nun nang biglang may kumatok sa pinto kaya napalingon ako. Halos matumba naman ako sa kinahihigaan ko ng matanto ko na si Sir Zach yun.



Napaiwas ako ng tingin dahil mariin siyang nakatingin sa akin.



"A-nong ginagawa niyo dito, Sir?" kinakabahan kong sabi habang dahan dahan na umupo.



"I knew it. I know that there's something wrong with you." napatingin ako sa kanya pero agad ako na nagsisi dahil sa tingin niya.


"Alam na ba 'to ni Gael?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.




"D-on't tell him, Sir! P-lease!" pagmamakaaawa ko sa kanya. Hindi ko mabasa ang naging reaksyon niya at napahawak siya sa sentido niya.




"You can't hide this forever, Celeste." napayuko nalang ako.



"Tama nga kayo, Sir. Hindi forever kong matatago ang sakit ko kase bago niya pa malaman yun ay patay na ako..." napapitlag ako ng bigla siyang sumigaw.



"How can you say that?! No one's gonna die!" natigilan ako sa sinabi niya pero agad din itong napawi.





"Dadating din tayo diyan, Sir."




"Celeste!"




"Stop calling me Celeste!" nagulat ako dahil bigla akong napasigaw. "Sorry, sir pero pwede bang umalis na kayo?"




"No, I won't leave." pagkasabi niya 'nun ay umupo siya sa couch at binuhay niya yung TV.




Napabuntong hininga nalang ako at humiga. Nakaramdam ako ng antok at tuluyan na akong nilamon nito.





"Wake up, Celeste." nagising ako dahil sa pag-galaw ng aking balikat. Sumalubong sa akin ang mukha ni Sir Zach kaya mabilis akong napabangon. Bumalik siya?





"Here, eat." pinatong niya sa akin ang bed table. Pero bigla akong sinikmura at mabilis ko siyang sinenyasan na alisin yun, mabuti at nakuha niya at agad niya itong tinanggal.





I hurriedly go towards the bathroom sink. I keep vomiting over and over again. Nakakapanghina ang lagi kong pagsuka.



Pinunasan ko ang bibig ko at pabalik na sana ako sa loob ay nagulat ako ng nakasandal sa pinto si Sir Zach habang nakatingin sa akin. Muntikan pa nga akong matumba dahil sa gulat mabuti't mabilis akong nakapitan ni Sir sa wrist ko.





"Careful."





"T-hank you, Sir Zach." naiilang kong sabi sa kanya.



"Cut that Sir. Just call me Zach." inalalayan niya hanggang makarating kami sa kama ko.

"You need assistance. Your family should be here." agad akong napailing sa kanya.




"Sir- itinaas niya ang palad niya para patigilan ako sa pagsasalita.




"Z-ach."






"Okay, continue." I want to rolled my eyes to him pero pinipigilan ko.





"Ayaw ko lang na problemahin pa nila ako." nilagay niyang muli ang bed table pero napangiwi ako ng makita kung ano yun.




"Hindi ka nila problema. Responsibility ka ng family at natural na yun sa pamilya." nagsalin siya ng tubig na mula pitsel sa baso at nilapag ito sa side table. "But if you don't really want, ako nalang mag-aalaga sayo." napanganga naman ako sa sinabi niya.



"No need, Sir-Zach! May kaibigan akong nag-iitindi sa akin!" he chuckled.




"Where are they? Wala sila lagi dito. So, I insist." umupo siya sa katabi kong bangko habang nagbabasa ng libro. Saan niya naman nahagilap yun?




"Pero may trabaho ka, Sir and you should be there at this moment." pero hindi niya ako pinansin at abala siya sa pagbabasa ng libro at naghalumbaba nalang ako. Tinukod ko ang siko ko sa bed table.




Pero halos mabuwal ako ng tinabig niya yung kamay ko na nakakapit sa baba ko.



"Masamang naka halumbaba sa pagkain." I can't help to rolled my eyes.




"Hindi ko alam Sir na mahilig ka magpapaniwala sa pamahiin."




"Dami mo pang sinasabi. Kumakain ka nalang." napa'tss' nalang ako. Siya nga 'to na puro dakdak. Nagulat ako ng kinuha niya yung kutsara at kumuha ng kanin at ampalaya.






Nakatingin lang ako sa kanya. Seryoso ba siyang susubuan niya ako?






"What? Kailangan ko bang sabihin ang' tren tren tsutsuu' o airplane' para ibuka mo yang bibig mo?" napanganga ako sa sinabi niya pero nagulat ako ng ipasok niya yung kutsara sa bunganga ko.




"Ano ba!" inis kong sabi sa kanya.



"Nguyain mo yan." parang nanay niyang sabi. Wala akong nagawa kundi nguyain ito at napangiwi ako ng malasahan ang pait ng ampalaya.

Akamang susubuan pa niya ako pero pinigilan ko na siya.



"No! Ayaw ko na!" tinignan niya ako ng masama. Parang robot na ngumanganga ako. Nakakainis!



Mangiyak-ngiyak ako sa pagnguya. Kinuha ko yung tubig sa side table at agad itong ininom.



"Busog na ako." iniwasan ko yung tingin niya.




"Are you a bird? Eat more, Celeste." inis akong tumingin sa kanya. Kagabi niya pa ako tinatawag na Celeste at nakakainis na siya!




"Stop calling me Celeste! Nakakairita!" tinaasan niya ako ng kilay.





"Okay, Celeste."





"Arrgh! Bahala ka nga diyan!" umalis na ako sa kama at tumungo sa pinto palabas. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng sumandal siya sa pinto para hindi ko yun mabuksan. Pilit ko yun buksan pero ang bigat niya.





"Where do you think you're going?" I looked at him with annoyed face.



"Maglulubid ng utot, sama ka?" panggagaya sa laging sinasabi ni Joshua. Bwisit kase itong si Sir Zach, bakit ba nandito 'to? Tawagin ba naman akong Celeste.




"Okay, fine." napaawang ang bibig ko. Seryoso? Naniwala siya dun. Umalis na siya sa pagkasandal sa pinto kaya agad kong binuksan ito at dumiretso sa elevator. Pilit kong pinindot ang close button ng elevator pero agad siyang nakasunod.




"You should wear this." dala niya ang itim na jacket ko. Napagtanto ko na naka hospital gown pala ako.




Pagkadating namin sa labas ay napapikit ako ng makaramdam ng hangin. Ilang araw na din kase akong hindi nakakalabas.





"Gusto ko ng Ice cream." biglang sabi ko.








"Let's go then."
















©2020 Yela_gels

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon