Chapter 19

80 27 6
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napatingin ako sa orasan, alas dose na pala.






Mukhang tinanghali ako ngayon ng gising. Napasapo ako sa aking noo ng makaramdam ng kirot sa ulo ko. Dahan dahan akong umupo. Pinikit ko ang mata ko at hinihintay na mawala ang sakit.







Kahit may kunting kirot pa akong nararamdaman ay sinikap kong makatayo at nag-inat ng kamay.






Ngayon na sana ang araw ng chemo ko pero wala akong pambayad para dun.






Dumiretso ako sa banyo para maligo pero paglabas ko ay nagtaka ako kung bakit may nurse na sumalubong sa akin.







"Are you ready, Miss Ferrer?" napakunot ako sinabi ng nurse.








"For what?" sabi ko habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang towel.







"Para sa chemotherapy niyo po Miss Ferrer. Tara na po?" nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya.







"How—I mean hindi ako nagbayad para sa chemotherapy ko."







"May nagbayad na po lahat Miss Ferrer, pati na din po yung hospital bill at sa radiation niyo po."






"S-ino?" taka kong tanong.







"Sorry Miss pero hindi po pinapasabi ang pangalan." hindi parin ako makapaniwala. Iniisip ko kung sino ang pwedeng magbayad ng ganun kalaking pera.






Tatlo lang ang nakakaalam na may sakit ako. Si Cha, Savi at si Zach. Hindi ko sinabihan sina Cha at Savi tungkol dito, pati na din kay Zach. Unless, tinanong nila sa Doctor.







Pero malakas ang kutob ko na si Zach yun.







Nanghihina parin ako kahit tapos na ang chemotherapy.







Pinatanong ko sa naka-aasign na nurse sa akin kung may bumisita sa akin pero wala daw.






Hindi ko maiwasang malungot.







Umiling ako. Sanay naman ako dito nag-iisa pero iba din pala ang may kasama.





Nakatulala lang ako sa puting kisame habang nakahiga. Totoo pala yung sinabi nila na kapag may karamadaman ka na 'dun mo lang ma-aappreciate yung mga bagay na dapat mataagal mo ng ginawa.






I shut eveyone out before to handle my own pain. I shutted out my friends and my family...






Naunahan ako ng takot na kinasususklaman na nila ako dahil pakiramdam ko ang sama sama kong anak at kapatid. I never called them or even texted them.







Pinilit kong bumangon para abutin ang drawer ng side table at kinuha ang phone ko.







Gaya nung huli ko itong binuksan ay puno ng messages at phone calls.






I dialed my mother's number and hoping that she didn't change it.






Napakagat ako ng kuko ko at nagdadalawang isip kung itutuloy ko ang tawag.






Pikit mata kong pinindot ang call button.






Napamulat ako ng mag-ring ito.







"Hello? Sino 'to?" napaluha ako ng madinig ko ang boses ni mama. Hindi ko na napigilan ang sarili na mapahagulgol sa pag-iyak.






After five years, I hear my mother's voice once again...







"Ma—" lalo akong napahikbi ng masabi ko yun.








"Angel?! Anak, ikaw ba yan?"








"Oo, Ma. Si A-ngel 'to."







"H-ow are you? Are you fine? O-kay ka na ba anak? Uwi ka na Angel, Miss na miss na kita." dumagsa lalo ang iyak ko ng madinig ko ang pag-iyak ni mama sa kabilang linya.







"M-iss na kita ng sobrang s-obra, Mama..." I wiped my tears away and been quiet for a minute.







"I'm s-orry, Ma."








"What for? Angel—" biglang naputol yung tawag kaya sinubukan kong tawagan ito muli. Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag.






"Ma—"







"Ang kapal ng mukha mo na tumawag pa matapos ang limang taon!" walang awat ang pagluha ng mata ako sa sinabi ng kapatid ko.






"I'm s-orry, Caitlyn." ito na nga yung kinakatakutan ko na baka kamuhian nila ako.







"Sorry? May magagawa pa ba ang sorry mo?! Ng dahil sayo nagkasakit si mama dahil sa pag-alala sa walang kwentang kagaya mo! Nagkasakit siya sa puso, ate ng dahil sayo yun!" nanlamig ako sa nadinig ko. Nabitawan ko yung hawak kong cellphone.







Hindi ko na alam ang gagawin. Bakit ba ako pinaparusahan ng ganto?







Sobra na. Hindi ko na kaya. Pwedeng tama na?!









©2020 Yela_gels

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon