Chapter 12

88 41 5
                                    

Napatulala ako ng pinatungan ako ng coat ni Sir Zach. Kahit nahihiya ako ay sinuot ko yun at niyakap yung sarili ko. Napasulyap ako sa nakabangga na lalake na lalapitan na sana ako pero pinigilan yun ni Sir Zach.


"Leave or else I will hunt you to death." wala ng magawa yung lalake kundi umalis. Naawa ako sa itsura ng lalake. He's just trying to help me!

"Wait—" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko para pigilan sana yung lalake pero agad naman nagsalita si Sir Zach.

"Don't you dare to follow that bastard." napataas ako ng kilay sa kanya.


"Why won't I?" natauhan naman akong bigla sa ginawa ko.



"Why you won't? He keeps staring at you!"


"Sir, natural lang na titigan niya ako kase aksidente niya akong natapunan ng ice coffee." bigla naman akong kinalubutan sa titig niya.


"Aksidente din ba yung pagtapon niya ng titig sa dibdib mo?" para akong nabuhasan ng malamig na tubig sa sinabi ni Sir.



"Angel." napatalon naman ako sa gulat ng madinig kong yun. Hindi ko na kailangan tignan para hindi malaman kung sino yun. Nalimutan ko na yung presinsya niya sa nangyari.


"U-na na po ako, Sir. T-hank you po!" nagmamadali kong sabi at mabilis na umalis.






"Late ka! Unang late mo ngayong taon!" hindi ko nalang pinansin si Elena at agad na umupo.

"Ano na naman ang nangyari sayo?" tanong niya.

"Natapunan ng ice coffee." hindi ko pinahaba yung ekplanasyon ko. Umalis din naman siya.

Nakailang taas baba yung paghinga ko.


Itinuon ko nalang ang pansin sa trabaho ko.


Busy ako sa pagtingin ng mga papeles ng may paper bag na lumapag sa desk ko.


"Pinabibigay ni Sir Zach." napatingin naman ako kay Issa, yung sekretarya ni Sir Zach. May sasabihin pa sana ako ng inirapan niya ako at tinalikuran na ako.  Problema niya?


Madapa ka sana.

"Ouch, my butt!" napalingon ako at hindi ko mapigilang mapangiti ng bumagsak siya. Buti nga sa kanya.

Ng makaalis siya ay nagtawanan ang kasama naming empleyado. I expect that. Kilaka kase si Issa na mataray dito. Well, karma is real.




Uwian na at napahilamos ako sa mukha ng wala akong masakyan. I usually take bus or taxi pero minsan, jeep. Pero ngayon, wala akong masakyan!


Napapadyak nalang ako ng nilalamok na ako. Napatigil lang ako ng may pumarada na kotse sa harapan ko. It was a red ferrari.

Ng bumaba ang windshield nito ay umusbong ang kaba ko ng makita si Gael.


"Get in."



"H-indi na." maikli kong sagot pero nanatili parin siya dun. Hindi ko maiwasang mapapadyak dahil kinakagat ako ng lamok.


"Kapag hindi ka pa sumakay baka maubos ka."



"Hah?"


"Pinapapak ka ng lamok oh. Sakay na." wala na akong magawa kundi ang sumakay na.



Tahimik lang kami sa biyahe. Sinabi ko na yung address ko kanina at hindi ako mapakali. Ang tahimik niya kase.



"Sorry." biglang sabi niya. Napaligon naman ako sa kanya. "Sorry about the last time." nakuha ko naman yung ibig niyang sabihin.


"O-kay lang." maikili kong sabi. Pinaglaruan ko yung kamay ko habang nakatingin sa labas.



"And I'm sorry to be disrespectful to your decision. Hindi ko lang matanggap." napalingon ulit ako sa kanya at saktong nakatingin din siya sa akin pero agad din niya yung iniwas at tumingin sa daan.



"...And please stop avoiding me." maikli lang siyang tumawa at habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Naalala ko bigla yung nangyari kanina.


"O-kay." yun nalang nasabi ko.



Dumating na kami sa apartment pero hindi parin ako bumababa.


"You know the date, today?" nakatingin lang kami sa isa't isa. Ngumiti siya. My heart beats just like that.


"Our first met." nakatingin lang ako sa kanya. Naalala parin niya pala 'yun.


August 6, 2014

Napamura nalang ako ng makitang wala akong payong. Bakit ba kase biglang umulan?! Nakatunganga lang ako at nagdadalawang isip kung tatawid ako.


Bahala na nga!


Patakbo na sana ako nang may humawak sa braso ko at nanlaki ang mata ko nang biglang umandar yung mga sasakyan. Naka go na pala, hindi ko na napansin.



Nakahawak lang ako sa dibdib ko at nagmistulang estatwa.



"Okay ka lang, Miss?" napalingon naman ako sa may hawak ng braso ko at mas lalo pa akong napatulala.


"Hoy, Miss!" napabalik ako sa wisyu. I blinked so many times bago tumingin ulit sa kanya.


"I'-m okay." tanging sabi ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang payong. Kaya pala hindi kami nababasa. Ganun na ba ako katanga ngayon?


"Sa susunod, mag-ingat ka. Wag kang tanga." napaawang nalang ang labi ko sa sinabi niya habang pinapanood siyang tumawid. Hinayaan niya akong mabasa? I thought it will be romantic!


Parehas lang kami natawa ng maalala yun.



"Napaka ungentleman mo nun!" sabi ko saba'y tawa ng makakas. "Hinayaan mo akong mabasa!"


"Kung hindi kita nahawakan siguro may nangyari na sa'yo." napailing nalang ako.



"At akalain mo yun? Magkikita pa pala tayo ulit nun and take note by accident." nakangiti akong tumingin sa kanya at saktong pagkatingin ko ay napatingin din siya.



"Angel.." tawag niya at dahan dahan siyang lumapit sa akin. "But this? This is not a accident." naglapat ang labi namin. I froze for a moment. My heart beats fast.




"I'm sorry." he slowly pulled away pero hindi ko yun hinayaan. I pulled him close to me and kissed him on his lips. Hinalikan niya ako pabalik.




"I love you, Angel.." I smiled at him at pinagdikit namin ang noo namin.






"I love you too, Gael."












©2020 Yela_gels

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon