Chapter 25

53 6 5
                                    

Tanghaling tapat ay umalis na sina Cha.
Pati na rin si Zach kase kailangan siya sa kompanya niya.






Bumukas ang pinto pero hindi ko na nilingon na inaakala ko na si Sky yun.





"Happy Birthday, Angel." napaharap ako. Akala ko hindi na pupuntang muli dito si Gael. May bitbit siyang iceberg roses na paborito kong bulaklak.

Araw araw pumupunta si Gael pero hindi ko siya pinapansin. Hinahayaan ko siyang manatili pero hindi ko siya iniimikan. Pero hindi na siya bumalik pa kaya akala ko natanggap niya na.





He smiled at me when he gave me the flowers. Tinignan ko siya, para bang wala akong sinabi sa kanya na masasakit na salita.




"Anong gusto mong kainin, Eles?" napapikit ako ng muli niya akong tawagin nun. Matagal na niya akong hindi tinatawag na 'Eles'. Tumalikod ako sa kanya kase baka bumigla na naman ang mga luha ko.



"Wala." walang emosyon kong sabi.




"Napag-iisip ko tuloy ako kung tatawagin parin kitang Eles...pakiramdam ko kase eelis' ka." I can't help to smile. Napakacorny niya.



Iniling ko ang ulo ko at humiga nalang sa kama.



"Angel—!" sabay kaming napatingin sa pinto at napagtanto na si Sky yun. Gulat siya na nakatingin kay Gael. "Ah—eh babalik nalang pala ako mamaya." napakamot siya ng ulo at tangka pa sana niyang umalis.




"Ano yun, Sky?" muli siyang humarap sa akin habang nakakamot parin sa kanyang ulo.





"Si Faye kase hinahanap ka." umalis ako sa pagkahiga at pupunta na sana ako kay Sky nang may kamay na pumigil sa akin.





"Dapat nagpapahinga ka." hindi ko pinansin ang sinabi niya at inalis ang pagkahawak ng kamay niya.




"Umuwi ka na." sabi ko at tuluyan ng umalis.




Gulat akong napatingin kay Sky dahil papasok kami sa ICU.




"K-anina, bigla nalang siya nawalan ng malay." kinabahan ako sa sinabi ni Sky at mabilis na pumasok sa ICU.




Nanlulumo akong napaupo sa tabi niya. Naaawa ako sa kalagayan ngayon ng bata. Maraming nakalagay na aparato sa kaniyang katawan at may nakalagay na oxygen sa kanyang mukha.




Dahan dahan niyang tinanggal ang nakalagay na oxygen, sinubukan ko siyang pigilan pero umiling lang siya sa akin.



"A-te Angel..." nanghihina niyang tawag "...P-akiramdam ko kukunin na ako ni Papa G-od."


"Faye! Wag kang magsalita ng ganyan! G-agaling ka.." napaiyak na ako habang sinasabi yun. Nginitian niya ako at pilit inaabot ang mukha ko kaya bahagya kong nilapit ito sa kanya.




"A-te... Don't cry. Dapat ang magaganda hindi umiiyak. Look at me, hindi ako umiiyak."



"... Thankful ako dahil nakilala kita ate Angel, kayo ni Kuya Sky. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya kapag nandito kayo sa tabi ko. Parang naging mommy at daddy na kayo hehez—kase naman wala lagi si mommy... " malungkot na ngumiti si Faye. Tumingin ito kay Sky na nakatayo mula sa likod ko.






"Kuya Sky... Thank you dahil you're always be there for me, simula palang na dumating ako dito." naalala ko yung kwento ni Sky nung una niya nakita si Faye, umiiyak ito dahil wala siyang kasama.





"F-aye..." mahinang sabi ni Sky. Lumapit siya kay Faye at umiyak siya. Ngayon ko lang nakita si Sky na umiiyak. Ang sakit sa puso habang tinitignan ko sila.
Akala ko talaga nung una, magkapatid sila. Sky is a very kind person, kahit hindi sila magkaano-ano ay siya ang nag-aalaga kay Faye kase minsanan lang makapunta dito si Lizzle.




"D-iba sabi mo, l-alaban pa tayo?" naiiyak niyang sabi.





"Lumaban naman ako kuya pero hindi ko na k-aya..." napahagulgol si Sky sa sinabi ni Faye maski ako patuloy parin ang pag-iyak.






"....K-uya, matutupad ko na yung wish ko. Finally, makikita ko na si d-addy sa h-eaven." gusto kong sabihin kay Faye na hindi pa patay ang daddy niya pero wala ako sa posisyon para magsabi 'nun sa kanya.




"P-agod ka na ba t-alaga?" mahinang tanong ni Sky. Tumango si Faye. Ipinikit niya ang mga mata niya kaya umusbong ang kaba ko. Nakita ko ang pagbabago ng linya sa monitor.






"Doc!" malakas na sigaw ni Sky at lumabas sa loob ng ICU.







"Faye! Please, wag mo kaming iwan!" umiiyak kong sabi. Hindi naalis ang kamay ko sa kamay niya kahit nanginginig ako. Natatakot ako kapag binitawan ko ang kamay niya ay iwanan niya kami.






Dumating ang mga doctor at inilayo ako ng mga nurse kay Faye. Nanghihina akong lumapit kay Sky na pilit nilalabanan ang takot. Kaya kinapitan ko ang kamay niya kahit parehas kaming nanginginig.





Dumating si Lizzle na histerical na pumasok. May kasama siyang lalake na malaking pagkakahawig kay Faye. It's her dad!




No, no....please Faye, nandito na ang  daddy mo!




Napapikit nalang ako ng isang matinis na tunog ang bumalot sa loob ng kwarto. Pilit parin isinasalba ng doktor ang buhay ni Faye pero nanlumo nag lahat na wala na talaga...




"Faye!" sigaw ni Lizzle. This is heartbreaking.





Hindi man lang nila naabutan ang anak nila bago bawian ito ng buhay.






"Faye Beatrize Garcia. Time of Death, 12:35 AM."  malungkot na sabi ng Doktor habang pinagmamasdan ang tuwid na linya sa monitor.





Nanghihina silang lumapit kay Faye.



"F-aye... Nandito na ang d-addy mo."




"....Pupunta pa tayo sa mall diba? Please anak, gumising ka na."




Napayakap ako kay Sky dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko.




'What a great birthday.'






Happy birthday to me.



©2020 Yela_gels

The Inside of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon