Prologue

50 13 0
                                    

May isang bansang pinamumunuan ng isang hari. Ang bansang ito ay nahati sa limang bayan . Ang Hera, Grekos, Larko, Ecres, at Faros.

Gobernador ang namumuno sa mga lugar na ito. Sila ang inatasan ng hari upang panatilihin ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan. Katuwang nila sa layuning ito ay ang kanilang magigiting na heneral.

Isa sa mga heneral na ito ang nagpamalas ng kanyang angking galing at talino dahilan upang siya'y hangaan at bigyang respeto ng nakakarami. Sa edad na dose ay nagawa niyang harangan ang papalapit ng palaso sa hari nuon. Kung sakaling tumama ito sa hari , ay malamang patay na siya. Dahil sa ginawa niyang kabayanihan, hindi lamang siya bagkus ay buong pamilya niya ay ginawaran ng hari.

Ginawang gobernador ng hari ang ama nito sa bayan ng Larko at siya naman ay hinayaan ng hari na pagbigyan sa anumang kagustuhan nito. Ang hiniling niya ay ang kagustuhang maging heneral. Natuwa ang hari sa sinabi niyang ito, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may isang batang babae na ang nais ay ipaglaban ang kaligtasan ng bansa.

Pinagbigyan siya ng hari sa hiling nito. Binigyan siya ng hari ng espesyal na pagsasanay upang mas mahasa ang kanyang galing sa espada, palaso at pakikipaglaban.

Sa pagtungtung niya sa edad na dalawampu ay naitala siya bilang bagong heneral ng hari sa bayang Larko. Kung saan ang ama niya rin ay gobernador.

Naging maayos ang limang taong pamumuno niya bilang heneral. Mas nakilala pa siya dahil sa kanyang talino at paraan sa pagsugpo ng kanilang kaaway sa bansa.

Siya ang heneral na may isang hangarin.

Isang heneral na hindi mo gustong banggain.

Because in the battlefield, she's more than prepared.

She is General Barbara Athenos Wilan

                                                         051620

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon