Chapter 5

12 9 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Sinalubong ako ng ilang mga sundalo ko. Nagtataka pa sila kung sino ang taong nasa likuran ko.

"Heneral, sino ito" tanong ng isa matapos akong lapitan upang tulungan ibaba ang walang malay na si Cade. Habang ang isa naman ay itinatali ang kabayo.

"Anak ng gobernador Faros"sagot ko sa kanila. May ibang napasinghap sa sinabi ko.

"Heneral, heneral
Anong ginawa mo sa kanya" madamdaming sabi ng nagkukumahog na si Primo habang patakbong lumapit sa amin. Aba, sobra naman kung mag alala ang isang ito. Namimintang pa.

"Bilisan niyo na lang ang galaw niyo! at tawagin niyo ang manggagamot, Primo, dalhin mo siya sa isang silid" sabi ko sa kanila.

Dali dali naman nila itong binuhat. May tumawag na rin ng manggagamot, at nag alisan na sila sa harapan ko.

"Anong nangyari sa kanya heneral?" tanong sa akin ni Gregor. Hindi ko napansin ang pagdating niya.

"Hindi ko rin alam, nakita ko na lang ng duguan siya kaya ipinunta ko rito" sagot ko.

Hindi na siya nagtanong pa. Tinanaw ko ang daang tinungo ng nagdala kay Cade, may tiwala ako sa kanilang kaya na nilang asikasuhin iyon. Umalis na ako ron at tinahak ang aking silid. Sa  dami ng nangyari ngayong araw, ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Nagpalit na ako ng damit at humiga  sa kama. Iniisip ko ang mga nangyari ngayong araw, ang pista, si Cade, bakit may sugat siya at sino yung mga humahabol sa kanya. Pinikit ko na ang mga mata ko ng bigla akong may maalala.

"Si Karius" mahinang usal ko. Tama, bukas ng umaga, ipapakuha ko siya kay Primo.

Mayat maya lamang ay dinalaw na ako ng antok.

Kinaumagahan, suot ang aking roba, dali dali kong pinuntahan si Primo.

"Si Primo?" tanong ko sa isa kong kasamahan na nakasalubong ko.

"May pinuntahan kanina heneral" sagot niya, saan naman kaya nagsususuot ang taong yun.

"Sige, makakaalis ka na"

"Sige heneral".

Sinubukan ko ulit siyang hanapin ng madako ang tingin ko sa mga kwadra. At dun nga ay natanaw ko si Primo na naglalakad.

"Primo" sigaw ko sa kanya. Nagpalinga linga pa siya bago napatingin sa akin at ngumiti. Patakbo siyang lumapit sa akin.

"Magandang araw heneral, tatanungin mo ba sa akin kung saan namin dinala si Master Cade" sabi niya sa akin ng may malawak na ngiti. Mukhang maganda ang gising nito ah.

"Kailan mo pa siya naging master? Aish, Puntahan mo si Karius, naiwan siya kahapon sa gitna ng gubat. Sundan mo lang ang daan at makikita mo siya" ani ko rito.

"Nagawa ko na heneral" ngiti niya saka pinagpatuloy ang sinasabi niya.

"Napansin ko kasing iba ang kabayong gamit mo kahapon, hindi si Karius kaya inakala ko na iniwan mo siya para sabayan si Master Cade. Dahil nga may sugat siya sa likuran, hindi niya kayang manduhin ang kabayo kaya tinulungan mo. Yun, kaya mag ka angkas kayo kahapon, Yieeh, bagay kayo heneral" mahabang paliwanag niya habang umaarteng nakikilig. Gunggong.

"Pero, pwede namang si Karius ang ginamit niyong kabayo, bakit siya ang iniwan mo ron?" Dagdag pang tanong niya.

"Para sagutin yang tanong mo, naiwan siya dun dahil ayaw niyang tumakbo kagabi. Pinilit ko pero ayaw talaga. Tatangkahin ko na sana siyang gamitin para sakyan namin ni Cade, pero naisip kong ayaw ko siyang mahirapan, hindi niya kaya ang dalawa, dapat isa isa lang" litanya ko sa kanya ng nakasimangot. Ngumiti ulit siya.

"Ang swerte naman ni Master Cade, inangkas mo na nga, yakap yakap ka pa" ungot niya ulit. Napupuno na ako sa isang to ah.

"Pwede ba, ang dami mong satsat. Asan si karius?" Tanong ko.

"Nandun na sa kwadra niya heneral, pinakain ko na rin."

"Sige, salamat" kako saka tumalikod at umalis sa harapan niya.

"Heneral, hindi mo ba bibisitahin si Master Cade, Baka gising na siya ngayon" pasigaw niyang sabi sa akin.

"Pupuntahan ko mamaya" sagot ko ng papasigaw din sa kanya. Ah, may nakalimutan akong sabihin sa kanya. Nilingon ko siya tapos ayun mukhang may iniisip ang loko. Nangingiti ngiti pa.

"Nakalimutan kong sabihin, maghanda ang lahat mamaya, susubukan natin ang galing sa pangangaso ng mga bagong dating"sabi ko sa kanya at tuluyan ng umalis dun.

"Sige heneral"dinig kong sagot niya.

Nagdadalawang isip ako kung saan ako didiretso. Sa silid ko ba o ang silid na pinagpuntahan kay Cade. Dahil atat na atat akong malaman kong ano ang totoong nangyari sa kanya. Lumiko ako at pinuntahan siya.

Saktong pagdating ko roon ay lumabas din ang manggagamot. Nabigla pa siya sa pagdating ko.

"Ikaw pala heneral, magandang araw" sabi niya saka yumuko.

"Si Cade ba yung nasa loob? " Tanong ko rito.

"Si Master Cade nga yung nasa loob" sagot niya. Anong meron at nakiki master din ang isang ito.

"Kumusta ang lagay niya?"

"Maayos naman heneral, hindi ganoong kalalim ang sugat sa likuran niya, nadaplisan lang ng espada" sagot niya. Daplis lang pala. Akala ko naman kung napano na.

"Kung wala na heneral, aalis  na ako" paalam niya. Tumango lamang ako.

Kinatok ko ang pintuan saka binuksan. Nabigla pa siya. Nakaupo siya ngayon sa kama. Tiningnan niya ang kabuuan ko. Nakita ko siyang nakatitig sa may bandang dibdib ko.

"Gusto mo?" Kako

"Ha?" Nabigla pa siya ng nagsalita ako.

"Itong dibdib ko, kanina mo kasi tinititigan eh"

Lumunok  siya sa sinabi ko. Mukhang kinakabahan pa siya. Madaling pinikit niya ang mata niya  saka napailing iling. Pagkatapos ay tumingin sa akin.

"Ganyan ba ang tanong mo sa tuwing may titingin diyan?" Tanong niya.

"Paano kung gusto nilang hawakan, damahin?"dagdag niya.

"Pangahas ang gagawa nun, pahawak  palang siya, putol na ang dalawang kamay niya. Saka ikaw palang ang tumitig dito" ani ko. Tumingin ito  saakin ng hindi makapaniwala.

"Eh bakit tinanong mo pa ako kung gusto ko?"

"Nagbibiro lang, kadiri naman kung ibibigay ko talaga yung dibdib ko, ano yun, tatapyasan ko saka ibibigay sayo?"

Tumingin siya sa akin ng hindi makapaniwala.

"Bakit kasi ganyan ang suot mo, hindi ako sanay" nanlalabing sabi niya saka umiwas ng tingin.

"Mangangaso kami mamaya, kaya   mamaya  narin ako magpapalit"

"Tapos, daplis lang pala yang nasa likuran mo, kung makaarte ka kahapon parang mamamatay ka na" pangiiba ko sa usapan.

"Hindi kasi ako nakatulog ng ilang araw, marami akong ginagawa, pagod na pagod ako nung gabing yun. Tsaka kilala na namin ang kasabwat sa mga pumupuslit ng armas. Yung humahabol sa akin kagabi, hindi ko rin sila kilala.  Tapos dumagdag ka pa" sabi niya saka tumingin sakin ng diretso.

"Anong kinalaman ko roon, Inaano kita?"

"Sa daming nagkalat na sundalo mo sa Larko, tuwing nakikita  ko sila, ikaw ang naiisip ko" saad niya ng may seryosong mukha.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon