Chapter 14

5 7 0
                                    

Vote and Comment Guys 💗
--

Pumasok ang grupo ng mga kababaihan at sinimulang sumayaw. Pinapanood ko na lang din sila habang paunti unting kumakain.

"Kumusta ka na?"rinig kong tanong sa akin ni Wilson. Tiningnan ko siya.

"Mabuti naman, ikaw?"pabalik ko ring tanong sa kanya. Ngumiti siya.

"Mabuti rin, naroon kami sa isang border, nagbabantay ng matanggap ko ang sulat ni heneral Telon kaya medyo natagalan kami"aniya.

"Naroon ka pa rin pala"sabi ko.

"Oo, hindi ka na bumalik doon ah"aniya ng natatawa. Ngumiti lang ako.

"Anong bang pinagka kaabalahan mo ngayon?"dagdag na tanong niya.

"Nag sasanay ng mga bagong kasamahan ko, minsan nag iikot ikot din sa Larko"ani ko saka tumingin ulit sa nagsasayaw.

"Balita ko may pumupuslit daw ng mga armas sa Larko heneral Barbara"sabi sa akin ni heneral Sato.

Napunta sa akin ang mga tingin ng mga heneral. Hinihintay kung anong sasabihin ko.

"Ginamit nila ang karagatan ng Larko upang magpuslit ng mga armas. Natukoy na rin kung sino ang gumagawa nito"paliwanag ko.

"Dapat noong una pa lang nahuli na sila. Baka naman hindi mahigpit ang pagbabantay na ginagawa niyo roon"ani ni heneral Quiro.

"Marami akong idinestino roon para magbantay, nang pina imbestigahan ko rin ay may tumatanggap ng suhol sa mga ito kaya pinalitan ko lahat ng mga nagbabantay doon"sabi ko sa kanila.

"Mukhang hindi mo nadidisiplina ng maayos ang mga sundalo mo kaya ang lakas ng loob nila na tumanggap ng suhol"ani ni heneral Quiro.

"Hindi naman ata sa ganun heneral Quiro, kahit ang pinaka matapat mong tauhan ay maari ka ring ilaglag, kahit sino ay matutukso na gawin ang isang bagay para sa malaking kapalit"pag dedepensa sa akin ni heneral Wilson.

"Tama ka heneral Wilson, saka hindi gusto ni heneral Barbara ang nangyaring iyon, ginamit  ang karagatan ng Larko, pero ang taong nasa likod ng pagpupuslit ay maaaring nasa mataas na posisyon sa limang bayan ng bansa"makahulugang sabi ni heneral Telon.

Natahimik ang lahat sa sinabi niyang iyon. Napatikhim  si heneral Sato at uminom naman bigla si heneral Quiro.

"Oh, bakit biglang tumahimik, nandito tayo para magsaya,uminom tayo"saad ni heneral Telon saka uminom ng alak.

Biglang nabuhay ang silid at bumalik sa dating sigla. Nagpatuloy pa rin ang mga sumasayaw.

"Ayos ka lang?"tanong ni heneral Wilson.

"Ayos lang naman"sagot ko saka uminom na rin.

"Ah, masaya ako sa naging tagumpay mo heneral Telon, nagawa mong magapi ang mga rebelde sa isang border"rinig kong sabi ni heneral Quiro.

"Hindi mo sinabi sa Hari ang nakamit mong ito pero kami ang inanyayahan mo para ipagdiwang ang nagawa mo"dagdag na sabi ni heneral Sato.

"Maliit na bagay lang iyon, walang wala ito sa mga nagawa niyo na"aniya.

"Kung sinabi mo ito sa hari, malamang bibigyan ka niya ng parangal"sabi ni heneral Wilson.

"Hindi ko iyon ginawa para sa parangal ng hari, ginawa ko iyon para sa bansa"sagot niya.

"Masaya ako sa ginawa mo heneral"nakangiting sabi ko sa kanya

"Pero kumpara sa nagawa mo heneral Barbara, walang wala pa rin ang mga ginawa ko"saad niya sa akin.

"Hindi ko pa rin makakalimutan nang magapi mo ang Klores na gustong sakupin ang bansa, ikaw ang nakaisip ng paraan para matalo sila at ikaw din ang pumatay sa heneral nila"masayang sabi  sa akin ni heneral Wilson.

"Salamat, pero ang gabing ito ay para kay heneral Telon"sabi ko.

"Hindi, ang gabing ito ay para sa ating lahat, magkwentuhan at magsaya"saad ni heneral Telon na parang nagiba ang timpla ng mukha saka isahang nilagok ang alak.

"Palitan ang mga sumasayaw, nauumay na ako kapapanood sa kanila" biglang dagdag na sabi niya.

Umalis ang mga sumaaayaw at dumating ang panibagong grupo ng mananayaw. Nagpatugtog sila at nagsimula na rin silang sumayaw. Tuloy ang kwentuhan at ang paginom. Uminom lang ako paunti unti para hindi malasing. Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang lumalim na ang gabi ng biglang nakatulog si heneral Telon sa mesa niya sa sobrang kalasingan. Binuhat siya at ipinunta sa kanyang silid.

"May inihandang silid si heneral Telon para sa inyo, dadalhin namin kayo roon"sabi ng isang utusan.

Nauna na sila heneral Quiro at heneral Sato.

"Goodnight Heneral Barbara"sabi sa akin ni heneral Wilson saka sumunod sa kanila.

"Heneral, ayos ka lang?"tanong sa akin ni Gregor.

"Ayos lang, inaantok na ako"sabi ko.

"Ihatid ka namin sa silid mo heneral"sabi ni Primo.

"Hindi na, pumunta na kayo sa silid niyo, may maghahatid naman na sa akin"ani ko saka tiningnan ang utusang maghahatid sa akin.

"Sige heneral"sabi nilang dalawa kaya umalis na ako at tumungo na kami sa magiging silid ko.

"Ito po ang silid niyo heneral, kumpleto na po ang gagamitin niyo, kung may kailangan pa po kayo, tawagin niyo lang po ako, nasa labas lang ako"sabi sa akin ng utusan.

"Sige"sabi ko saka siya umalis.

Tiningnan ko ang silid, malawak at kumpleto ang gamit na naroon. Hinubad ko na ang kasuotan ko saka pinalitan ng pang tulog na nakatuping  nakalapag sa isang mesa. Tinungo ko ang kama saka humiga at pinikit ang mga mata para makatulog na.

**
Maaga akong nagising, nakapag palit na rin ako. Inayos ko ang hinigaan ko saka tinupi ang ginamit kung pang tulog at ibinalik sa mesa. Lumabas ako at sinalubong ako ng utusan na naghatid din sa akin kagabi.

"Magandang umaga heneral, may agahang ipinahanda si Heneral Telon, pinasusundo niya po kayo sa akin upang kayo'y kumain bago umalis"saad nito sa akin.

Tumango lang ako bilang pagsagot, nauna siyang naglakad at sumunod ako sa kanya. Dinala niya ako sa isang hardin at sa gitna nito ay may naka handa ng mga pagkain at naroon na rin ang iba pang heneral.

"Magandang umaga"pagbati ko sa kanila.

"Nariyan ka na pala, umupo ka na ng makakain na tayo heneral Barbara"sabi ni heneral Telon sa akin.

Pabilog ang mesa at ang natitirang pwesto ay ang sa pagitan ni heneral Telon at heneral Wilson. Umupo ako roon.

"Pagpasensyahan niyo na ako kagabi mga heneral, tinulugan ko kayo sa pagdiriwang na ginawa ko"saad niya.

"Ayos lang, malalim na ang gabi nun, at marami na tayong nainom, nararamdaman ko ring malapit na akong makatulog, inunahan mo lang ako"nagtawanan kaming lahat sa naging pahayag ni heneral Quiro. Nagsimula na kaming kumain.

Natapos kaming kumain at nagpaalam na ang bawat isa sa amin.

"Ihatid niyo sila sa tarangkahan"utos ni heneral Telon sa isang utusan.

Naglakad na kami at doon ay nakita ko na sina Primo at Gregor na naghihintay sa akin.

"Heneral"tawag nila sa akin ng makita ako.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon