Chapter 25

3 5 0
                                    

--
Cont.

Naglakad lakad muna kami ni Cade sa kaharian.

"Marami na raw ang bisita na narito ngayon"aniya.

"Lagi namang maraming dadalo sa kaarawan ng hari"ani ko.

"Magandang araw Prinsipe Leandro"bati sa akin ni Heneral Wilson ng magkasalubong kami.

Tumango lang ako.

"Ikaw din Cade"dagdag niya.

"Ang aga mo heneral"sabi ko.

"May sasabihin pa kasi ako sa hari, tungkol sa border na binabantayan ko"aniya.

Kahit kaarawan ng hari, bansa pa rin ang nasa isip niya.

"Kung ganun, puntahan mo na siya"sabi ko.

"Sige Prinsipe, mauna na ako"aniya saka umalis kasama ang ilang sundalo niya.

"Isa isa ng nagdaratingan ang mga heneral,meron na ang heneral ng Hera at Faros"usal ni Cade.

"Ano ngayon?"sabi ko.

"Wala iyong heneral mo"natatawang sabi niya.

"Oh, tingnan mo, meron na rin si Heneral Telon"turo niya sa tarangkahan.

Doon nga ay nakita namin si heneral Telon papasok. May mga sundalo rin itong nakasunod sa kanya.

"Ano kaya ang regalo ng Grekos ngayon, sila raw ang nakapagbigay ng magandang regalo sa hari noong nakaraang taon"saad ni Cade.

"Makikita natin mamaya"sabi ko lang.

"Eh, ang Faros, anong regalo niyo?"dagdag tanong ko.

"Secret"nakangiting sabi niya.

"Aish, ang arte mo"saad ko.

"Ang totoo, hindi ko alam"sabi niya saka tumawa.

"Gago ka"usal ko.

"Tara na, mag aayos na ako"sabi ko.

Hindi niya pinansin iyong sinabi ko.

"Tara na"ulit ko.

"Yung heneral mo"usal niya

"Ha?"

"Yung heneral mo, nakikita ko"usal niya.

Tiningnan ko kung saan siya nakatingin. Nanlaki ang mga mata ko. Hinila ko siya para magtago.

"Ang ganda niya"sabi niya.

Binatukan ko siya. Tiningnan ko sina Barbara, kausap niya ang isang guwardiya. Kasama niya sina Primo at Gregor. Iyong dati pa rin ang suot, naka armored suit at nakatali ang buhok. Maaliwalas ang mukha niya. Sinundan nila ang isang utusan, ang astig niya talagang maglakad, tangay ng hangin iyong kawalang buhok niya. Shit, ang ganda niya. Natigil sila sa paglalakad ng makasalubong si Heneral Telon, nagkabatian siguro saka sila pumasok sa lugar ng pagdiriwang. Tiningnan ko itong kasama ko, nakatulala pa habang nakatingin sa kinatatayuan nina Barbara kanina. Tinulak ko siya.

"Aray naman"ungot niya.

"Kung makatitig ka riyan"sabi ko.

"Ikaw rin naman"pagrereklamo niya.

"Syempre, may karapatan ako, ikaw wala"sabi ko.

Natawa siya sa sinabi ko.

"Ang arte mo, tiningnan ko lang eh"aniya.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Teka, kung nandito siya, ano ng gagawin mo?"tanong niya.

"Oo nga no, ano nang gagawin ko Cade?"pabalik kong tanong sa kanya.

"Magtago ka?"suhestiyon niya.

"Hindi pwede"ani ko.

"Eh, ano ng gagawin mo?"tanong niya ulit.

Akala ko ba hindi siya pupunta, Aish, ano na.

"Bahala na, malalaman at malalaman din naman niya"sabi ko.

Pero kinakabahan ako, hindi niya naman siguro ako mamumukhaan. Malayo iyong uupuan nila, kaya baka hindi niya rin ako makikita. Hindi ako magsasalita mamaya para hindi nila ako mapansin. Tama, iyon ang gagawin ko.

"Tara na Cade, mag aayos pa tayo"sabi ko.

Tiningnan niya muna ako saka kami umalis na roon. Nagkahiwalay kami ni Cade. Papunta na ako sa silid ko. Naligo ako saka nagpalit ng damit. Pinili ko iyong pinaka maganda kong pwedeng isuot. Inayos ko rin ang buhok ko saka naglagay ng pabango. Ayan, dapat perpekto ka sa mata ng heneral mo mamaya Prinsipe. Napangiti pa ako habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Teka, akala ko ba hindi ka magpapakita sa kanya. Aish.

"Nagsimula na po ang pagdiriwang Prinsipe, matagal pa po ba kayo?"tanong ng isang guwardiya.

"Handa na ako"sabi ko.

Pumunta na kami sa pagdarausan, Pumasok lang ako na parang walang ibang tao saka madaling umupo sa pwesto ko.

"Bakit ang tagal mo?"tanong sa akin ng kapatid ko, ang ikatlong prinsipe.

"Ang tagal pumili ng damit"sagot ko.

Hindi na siya nagsalita pa. May sumasayaw na sa harapan. Nakita ko si Barbara. Nanonood lang. Hindi niya naman siguro ako napansin. Habang abala ang lahat sa panonood, heto ako at tinitingnan lang siya. Katabi niya si Heneral Wilson at Heneral Telon. May sinasabi pa si Heneral Wilson sa kanya. Nagdududa na ako sa heneral na ito ah, may gusto ba siya sa heneral ko? Nayayamot na ako sa pwesto ko. Sa wakas tapos ng silang magtanghal.

"Maligayang kaarawan, mahal na hari"sabi pa nila matapos sumayaw.

Napainom ako sa tubig na nasa harapan ko matapos mapatingin sa gawi ko si Barbara. Nakita niya ako!!

"Maligayang kaarawan amang Hari"sabi ng kapatid ko, ang unang prinsipe "Hangad ko lang ang mahaba pa ninyong buhay ama, para mapangalagaan ang bansa"

"Salamat , Prinsipe Hyson"sabi ni ama.

"Ako rin amang hari, ganun rin ang hangad ko sa inyo"sabat ng bunso naming kapatid, ang prinsesa.

Natawa ang lahat sa sinabi niya. Umupo na sila saka nagsalita rin ang ikatlong prinsipe.

"Hangad ko sa inyo ama, ang magandang kalusugan at masaganang buhay"aniya saka umupo.

Tiningnan ako ni ama, teka, akala ba niya may sasabihin din ako? Shit. Mukhang nag aabang din ang ibang mga panauhin. Humarap ako sa hari.

"Maligayang kaarawan amang hari, long live our king"nakangiting sabi ko.

Ngumiti din siya pabalik saka ako bumalik sa pwesto ko. Pag upo ko ay si Barbara ang una kong napansin. Titig na titig siya sa akin. Napalunok ako saka umiwas ng tingin.

"Maligayang kaarawan aming Hari, naghanda ako ng isang sayaw para sa inyo, sana magustuhan ninyo"ani ni Zenaida saka pumunta sa harapan para magtanghal.

Nagsimula na siyang sumayaw nang tumingin ako may Barbara, wala na sa akin ang tingin niya at abala na siya sa panonood. Tinitigan ko lang siya at hindi namalayang tapos na pala si Zenaida sa kanyang sayaw.

"Magaling ka pa rin Zenaida"sabi ni ama sa kanya.

"Maraming salamat, amang hari"sagot niya.

"Prinsipe Leandro, naalala ko pa noong madalas kang tumakas sa kaharian upang pumunta sa Hera at dalawin si Zenaida"biglang sabi ni ama.

Napunta sa akin ang tingin ng lahat, tiningnan ko si Barbara at abala siya sa pagkain. Tiningnan ko si Cade, natatawa siya sa kinauupuan niya. Gago ka.

"Ahehehe, matagal na iyon amang hari, bata pa lang ako"sabi ko.

"Wala ka bang balak pakasalan siya?"tanong niya sa akin.

Nabigla ako sa tanong niya, tiningnan ko si Barbara at nakatingin na rin ito sa akin. Ang sama ng titig niya. Bakit parang nakakatakot siya ngayon.

"Maganda si Zenaida at matalino. Lahat ng lalaki ay tiyak hahanga sa kanya. Pero, iba ang gusto kong pakasalan amang hari"sagot ko

Tumawa si ama sa naging pahayag ko.

"Kung ganun, sino ang babaeng ito na gustong pakasalan ng ikalawang prinsipe?"seryosong tanong niya.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon