Chapter 35

2 4 0
                                    

--

Pagsikat ng araw ay tumungo kami sa kaharian upang ibalita sa hari ang nalaman. Kasama ko sina Heneral Telon, Prinsipe Leandro, Gregor at Aris. Pinaiwan namin si Cade upang siya muna ang mamahala sa border. Nag makarating sa kaharian ay dali dali kaming pumunta sa hari.

"Prinsipe Leandro, anong maipaglilingkod namin sa inyo?"tanong ng isang gwardiya.

"Kailangan naming makausap ang hari"sagot ni Leandro "May mahalagang bagay kaming sasabihin sa kanya"

"May importanteng ginagawa ang hari" aniya "Pero ipapahayag ko munang narito kayo baka sakaling mapagunlakan niya kayo"

Tumango si Leandro saka pumasok ang gwardiya sa silid ng hari. Ilang sandali lang ay lumabas na ito.

"Pumasok na kayo Prinsipe Leandro, Heneral Barbara at Heneral Telon"aniya.

Pumasok na kaming tatlo at naiwan naman sina Gregor at Aris sa labas.

"Magandang araw aming Hari"bati namin ni Heneral Telon sa hari.

"Magandang araw amang hari"bati rin ni Leandro.

"Ano ang mahalagang inyong sasabihin na kayong tatlo ay naririto sa aking harapan?"ani ng hari.

"Amang hari, natuklasan ni Heneral Barbara na maaaring patibong lang ang mga namumuong sundalo sa Border ng Hera"sagot ni Leandro "Nalaman niyang kung may balak na digmaan ang mga taga kanluran ay bakit pa sila iikot sa Hera kung may isang lugar na mas malapit na maari nilang pasukan at pagsimulan ng digmaan"

"At?"tanong ng hari.

"Nagpadala kami ng espiya sa labas ng border Grekos at natuklasan naming may kuta ang dalawampung libong sundalo mula kanluran mga limang kilometrong layo mula rito"sagot ko. "Narinig din nang mga espiya na may hinihintay pa silang ilang libong sundalo bago tuluyang sumugod sa bansa at maaaring lulusob sila sa lalong madaling panahon"

Natahimik saglit ang hari sa pahayag namin na animo'y may pinagiisipan

"Kung ganun, anong dapat gawin heneral Barbara?"tanong niya sa akin.

"Unahan sila, bago pa sila makapasok sa bansa aming hari"sagot ko.

"At ikaw heneral Telon?"tanong ng hari sa kanya.

"Tulad din ng sinabi ni Heneral Barbara" sagot niya "At kung maari aming hari, hayaan niyong ako ang mamuno sa labanang magaganap"

"Ikaw ikalawang Prinsipe?"tanong ng hari kay Leandro.

"Ganun din amang hari" sagot ni Leandro "Mas mabuting tayo ang unang lulusob sa kanila sa labas ng bansa upang hindi madamay ang ating mga mamamayan"

Tumango tango ang hari sa mga pahayag namin.

"Naghihinala rin ako kung bakit parami ng parami ang mga sundalo sa Border Hera habang papalipas ang araw. Pina imbestiga ko ito kay Heneral Quiro pero wala siyang nalaman, kaya pinapunta ko kayo roon, baka sakaling pag kayo ang naroon ay may malaman kayo dahil ang ganoong nangyayari ay hindi dapat ipinagsasa walang bahala" saad ng Hari  saka tumingin sa akin "At hindi nga ako nagkamali, dahil sa ilang araw na pananatili niyo roon ay may natuklasan kayo kaagad"

"Hindi ko inaasahang pag iinteresan ng mga kanluran ang bansa natin" dagdag niya saka tumayo sa kinauupuan niya.

"Heneral Barbara"aniya sa akin "Sa iyo ko iaatas ang labanang ito sa mga taga kanluran"

Nagulat kaming tatlo sa sinabi ng hari. Akala ko ay kay Heneral Telon niya ito iaatas dahil mas may alam siya sa Grekos.

"Masusunod aming hari"sagot ko agad.

"A-amang hari, bakit si Heneral Barbara?"tarantang tanong ni Leandro "Amang hari, hayaan niyo na ako ang mamuno sa labanang ito, hindi ko kaya bibiguin" determinadong dagdag niya.

"Bakit hindi si heneral Barbara, kumpiyansa akong magwawagi siya"sagot ng hari saka tumingin sa akin "Hindi basta basta ang mga taga kanluran, may tiwala akong kaya mo itong malusutan, heneral"

"Amang hari, ngayon ko papatunayan ang aking sarili, hayaan niyo na ako ang mamuno at huwag si heneral Barbara"aniya saka lumuhod.

Tiningnan lang siya ng hari.

"Isang karangalan ito para sa akin Prinsipe Leandro, kaya sana hayaan niyo ako na gawin ito"saad ko sa kanya.

Nagsusumamo akong tiningnan ni Leandro. Kailangan ko itong gawin at hindi ko hahayaang ikaw ang gumawa nito.

"Maraming salamat sa tiwala niyo sa akin aming hari, hindi ko kayo bibiguin" ani ko sa hari.

"Amang hari, hayaan niyo akong gawin ito"pagpilit muli ni Leandro sa hari.

"Nararapat lang ito para kay heneral Barbara" ani ng hari "Kung gusto mong patunayan ang iyong sarili, sa ibang paraan ay magagawa mo ito"

"A-amang hari" usal ni Leandro.

"Si Heneral Barbara ang mamumuno sa labanang ito"pinal na sabi ng hari "at ikaw heneral Telon, ikaw ang magiging kanang kamay niya"

"Masusunod aming hari"maya't mayang sagot ni heneral Telon.

"Kung wala na, ay maghanda na kayo"ani ng hari sa amin "Makakaalis na kayo"

Yumuko kaming dalawa ni heneral Telon bilang pagpapaalam. Tiningnan ko si Leandro kung  susunod ba siya sa amin pero nakatingin lang siya sa sahig kaya nauna kaming lumabas ni Heneral Telon at naiwan siya roon.

"Ipapahanda ko ang mga sundalo ng Larko, Ecres, at Faros Heneral Telon"saad ko sa kanya "Ikaw ng bahala sa Grekos at Hera"

"Sige heneral Barbara"aniya.

"Saka mamayang hapon tayo pupuntang Grekos, hintayin lang natin si Heneral Wilson dahil may ipapagawa ako sa kanya"dagdag ko.

Tumango lang siya sa sinabi ko saka pumunta kay Aris.

"Heneral"tawag sa akin ng papalapit na si Gregor.

"Gregor, Mag-utos ka ng isang sundalo na pumunta kay heneral Wilson upang papuntahin siya rito sa kaharian ngayon din" utos ko sa kanya "Pagkatapos ay magpapunta ka ng ilang sundalo sa Larko at sabihin kay Primo na ipahanda ang sampung libong sundalo at papuntahin sila sa Grekos"

"Masusunod Heneral"aniya saka madaling umalis.

Dapat ang limampu't libong sundalo ng bansa ay naroon sa border Grekos bukas upang masimulan kaagad ang pagpaplano at paghahanda.

"Let's talk" sabi ni Leandro sa akin saka hinawakan ang kamay ko at hinila sa kung saan. Ilang sandaling ay binitawan niya ang kamay ko at dinala sa isang hardin ng kaharian.

You're My GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon